Entry #1

54 6 1
                                    

Jahmir's POV
Bakit naman ganon mahal na mahal pa naman kita bakit ganon crush! Oo alam ko hindi ako ung tipo mo pero grabe ka namn makapanaket ang tagal kong naghintay sayo tapos malalaman ko may boyfriend kana (pinatugtog ang kantang TANGA by Yeng at sinabayan ang lyrics) Pinapaasha mo lang akow kasi alam mo na krux kita oo na! Krux kita ah pambihira oh dati pa ah! May patanong-tanong kapa kung sino ung nasa Facebook status koooooooooo oh!
Biglang binuksan ni Mamay ang pinto ng kwarto ko

Mamay: hoy! Kakain na tara dali wag kanang mag-emote jan! Bilis! Bumaba ka ha!

Umalis na rin siya si mamay namn oh! Agad kong pinatay ang tugtog. Bumaba ako ng kwarto ko para kumain pagkaupo ko nakita kong ang mga paborito kong ulam ang nakahain pero hindi ko manlang masubikang tikman

Papay: huy! Anak! Paborito mo toh dba?! Oh tinola!
Mamay: oo nga lalo na yung pwet ng manok hanapin mo nga darling
Papay:oo saglit lang!

Ewan ko ba parang wala akong ganang kumain tumulala lang ako habang nakatitig sa pagkain pero hindi ko ito ginalaw kahit na alam kong ang pwet ng manok ang nakahain sa plato ko at agad namn akong ginulat ni mamay

Mamay:(pumalakpak ng isang beses sa aking mukha) hoy! Anak di yan kusang pupunta sa bibig mo hayyyyt! Anak kong may problema sabihin mo samin! Hindi kami natutuwa na gnyan ka!
Papay: oo nga anak tsaka kung ayaw mo sa ulam aba pakiabot nga at matira ang pwet na iyan!
Ako: ito naman si papay bastos
Papay: aba ako ay nagpapasaya lamang
Ako: pay wag nga kayong magsalita na parang lumaki kayo sa batangas taga bulacan tayo
Papay: aba! Pasensya lamang aking nakasanayan na ito eh (pero inulit niya pa rin ang punto ng pagsasalita niya)
Mamay: anak makikinig kami!
Ako: May! Wala po akong gana. Busog pa po ako salamat na lang po sa pagkain

Iniwan ko sila mamay at papay sa hapagkainan na nag-aalala hindi ko ba alam hindi ko magawang kumilos sobrang lungkot ko! Nakahiga lang ako maghapon at nagmumuni-muni tinititigan yung mga larawan ng krux kong sumama sa iba.Tumayo ako dahil naisipan kong tumingin sa salamin, nagtataka kung bakit di man lang ako matipuhan ni Dyan oo Dyan ang name niya basta sa tuwing naririnig ko pangalan niya pakiramdam ko buo na ang araw ko pero hindi na ngayon para bang doble sa lakas ng bagyong rolly oh baka triple pa nung nalaman kong may karelasyon kana huhu! Susuko na ba ako? Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Bat parang di ko pa kaya? Bakit hinahanap hanap ko pa din siya?! Wala na bang kagaya niya? Sana bukas tapos na ito sana ngayon lang toh o sana magising na ako kung sakaling bangungot lang ang lahat

Kinabukasan ay nagtataka ako kung bakit nakaligpit ang gamit ko , mga gamit ko tuwing umaakyat ng bundok papalayasin na ba ako nila mamay dahil di ko ginalaw ang pagkain ko kagabi o baka iuuwi na akong states joke lang wala kaming bahay dun bumaba ako ng kwarto para tanungin sila mamay kung bakit nila ginawa iyo yun pala...

Ako: May! Pay!
Mamay: oh! Gising na ang baby boy namin(pinisil ang pisngi ni jahmir at akmang kikisan)
Ako:May! Ano ba yan (umilag ito sa pagtangkang halikan siya ng kanyang mamay) Bakit nakaligpit gamit ko dun?
Papay: ah yun ba?! Napag isip-isip kasi nmin ng mamay mo na sa tingin namin makatutulong yung pag-akyat mo ng bundok diba lagi nating ginagawa yun? Sa tingin namin pwedeng pwede mong isigaw lahat dun para kahit papano'y lumuwag yang dibdib mo
Mamay: tsaka anak hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit ka nagmumukmok eh crush mo lang namn yun! Dba?!
Ako: oo na! Walang kami! Ano bang kulang sakin?
Mamay: ahmmm! Anak...(akmang hahawakan si jahmir sa balikat ngunit umiwas si jahmir na naiiyak na) pasensya kana sa sinabi ko
Ako: wala kayong kasalanan May sadyang bulag lang si Dyan ( tsaka umakyat ulit sa lwarto)
Papay: ikaw kasi eh! ( Nagsisihan ang mga magulang ni jahmir)

Umakyat ako ng kwarto pagkatapos kong malaman ang dahilan kinuha ko ang mga gamit atsaka bumaba ulit nagulat nga sila Mamay eh kala nila di ko sila susundin pero siguro magandang idea nga yun kaya sinunod ko na lang

Dating with the JejemonWhere stories live. Discover now