.

19 2 0
                                    

Grabe nakakahiya na nagpabuhat pa ako pero masakit na kasi paa ko eh kayang kaya niya naman ako ang payat ko kaya i mean sexy, 17 kaya ang waistline ko mwehehe. Malapit na kami sa tuktok ng magpababa ako kasi piling ko pinagnanasaan na niya ako kasi nakahawak siya sa maputi't makinis na binti

Ako: Ahmm kuya Para na!
Unknown Guy: ano?
Ako: sabi ko bababa na ako dito na Lang bilis
Unknown Guy: osya
(Ibinaba niya si april at nagpatuloy sa pag-akyat)
Ako: Hay Thank you Lord! Hallelujah! Kapagod naman pala itong mawnteyn krambing noh?
Unknown Guy: ( kumunot ang noo nito) huh? Climbing
Ako: Eh! Basta ets bin ah long taym saksiding en weyting dat dis mawnteyn is aym in ap tenchuu Lordd! (Pasigaw nitong sabi)

Nakita kong iniling nitong di ko kilalang lalaking ito anh kanyang ulo siguro di ako naintindihan nito like duhhh englishnerr speaker kaya toh! Nakita kong busy ito sa paghalungkat ng gamit niya habang ako nakaupo lang at pinagmamasdan siya. Ito na ba yun madilim ang langit masama yata panahon eh! Di ko maaprisheyt yung view dito. Habang nagmumuni muni ako at sumisinghot ng sobrang lakas na hangin nakita kong gumagawa ng tent tong si kuya matutulog ba siya dito? Sinubukan kong tignan ang cellphone ko kung anong oras na at 5:12 pm na kung susubukan ko pang bumaba at umuwi ay baka madaling araw na ako makababa kaya siguro ganitong oras na kami nakatungtong sa tuktok ay dahil nagpabuhat pa ako tapos wala din naman pala dito sila kuya nasaan kaya ang mga tukmol na yun? Mamaya bigla akong gahasain nitong lalaking ito dahil sa taglay kong kagandahan at baka mawala ang bergineti ko yoko muna maging nanay noh!
Maya-maya pa ay biglang kumulog nang malakas at nagsimula nang umambon tapos na rin itong si lalaking ito na gumawa ng tent niya sinubukan kong buksan ang dala kong bag at bigla na lang akong napahampas sa noo ko nang bigla kong naalala na naiwan ko nga pala sa kama ko ang tent na binigay sakin ni kuya Pat. Siguro naawa itong lalaking ito at tinawag ako para pumasok sa tent niya di na ako nagpatumpik-tumpik pa noh palakas na ng palakas ang ambon baka maglasakit pa ako wala naman dito si Bebi Menard para alagaan ako!

Unknown Guy; Miss! Tara na baka mabasa ka nang ulan Diyan ( Pasigaw nutong sabi)

Dating with the JejemonWhere stories live. Discover now