Kabanata 1

15.4K 380 76
                                    

✨✨✨
"Being positive isn't pretending that everything is good, it's seeing the good in everything"

✨✨✨

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Brittany De Salve, 28 years old. Walang trabaho, sariling bahay, sasakyan, sariling pamilya, ganda, at higit sa lahat, walang lovelife.

When God showered misfortune, misery, and stroke of bad luck, she was wide arms open and caught them all. How sweet could that be?

They say, when life throws you lemons, make a lemonade. Kaya lang, nagreklamo ang universe na mahal daw ang lemon, kaya calamansi na lang—maliliit pero mas masakit. Pero ‘pag naging calamansi juice naman ay sulit sa sarap, kaya inaabangan ni Britanny kung kailan sasarap ang buhay niya.

Pasalampak siyang umupo sa maliit niyang sofa, sa munti niyang sala, nakaharap sa TV niyang hindi 32” flat screen, wala pang cable. Hindi uso ang Netflix and chill sa buhay at bahay niya.

Tila tamad na tamad siya habang kumakain ng mainit-init pang mani. Kailan nga ba siya nagsimulang maging ganito?

Ahhh...

Isang buwan na pala siyang walang trabaho matapos umalis sa call center na pinapasukan. Nagtagal rin siya doon ng ilang buwan kahit nahihirapan sa pang-gabing trabaho. Tutal, nakaipon na rin naman siya kahit kaunti, minabuti niya na lang na mag-resign sa BPO industry. 

Totoo namang malaki ang sweldo, okay na sana, kaya lang ‘di kaya ng katawan niya ang palaging pagpupuyat. Isama pa ang isang sakong eyebags sa ilalim ng mga mata niya. Pakiramdam niya, tatanda siya ng ilang dekada ‘pag ipinagpatuloy niya ang pagiging call center agent.

Hindi naman siya choosy sa trabaho, sadya nga lang na mas priority niya ang kalusugan dahil ‘yon ang tunay na kayamanan. Wala siyang gold bar, pero ang health niya ay mas mahal pa sa ginto.

Tatagal pa naman siguro ang ipon niya nang ilang buwan when the battle of survival begins.

Buti na lang, naka-advance payment na itong nirerentahan niyang bahay. Pangkain at pansariling pangangailangan na lang ang iisipin niya. Kaso, hindi naman pwedeng ganito na lang lagi.

Kailangan niyang magbanat ng buto kundi nganga ang aabutin niya rito. Hindi pa sa ngayon, pero baka sa susunod na buwan, dilat na ang mga mata niya, bumubula ang bibig sa gutom. Idagdag pa ang gagastusin niya sa paghahanap ng trabaho at ang pangkuha ng sandamakmak na requirements. 

Juice colored. More gastusin is waving at your naghihingalong wallet.

“Kaya natin ito. Kapit ka lang nang maigi, ha. Makahahanap din ng trabaho si Mommy, mabubusog ka rin. Kaya kumapit ka lang,” parang nababaliw na pakikipag-usap niya sa wallet niyang naging mataba lang dahil sa dami ng gift card at discount cards.

May kaunting pera pa naman siya na minana nang maulila sa magulang na hangga’t maaari ay ‘di niya ginagamit. 

Second year college sa kursong Architect nang maaksidente ang mga ito na agad ikinasawi ng kanyang mga magulang. ‘Yon ang naging dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kursong minahal niya. Kaya kumuha na lang siya ng kursong secretarial.

Nakitira siya sa bahay ng tiyahing matandang dalaga. Ngunit, lahat ng kapaitang dinanas niya sa buong buhay ay doon niya naranasan. 

Araw-araw kung ipamukha ng tiyahin niya na utang na loob niya ang pagtira roon. Na lahat nang sinusubo niya sa bibig ay pinaghirapan nito. Itinuring siya nitong parang katulong at ni minsan, hindi pinakitaan ng pagmamahal. 

Kaya nang tumuntong siya sa edad na bente uno at nakuha ang may kalakihang halaga na pamana ng kanyang magulang, ibinigay niya ang kalahati sa kanyang masungit na tiyahin, bilang kabayaran sa pag-kupkop nito sa kanya, at hiningi ang kalayaan mula sa kanyang poder. 

Her Billionaire SPERM DONOR (Available On Goodnovel )Where stories live. Discover now