Kabanata 2

9.9K 322 48
                                    

🧡🧡
"What you think of yourself is much more important, than what other people think about you"
🧡🧡

Baon ang lakas nang loob. Isang pakete ng Skyflakes at isang bote nang minute maid, na hangang ngayon ay hindi niya pa nabubuksan. Dahil sa subrang kaba.

Pinipilit ni Brittany na pigilin ang pangangatal ng katawan dahil sa nyerbyos, kanina niya pa pinipiga ang mga kamay na nanginginig.

Nasa opisina na siya ngayon nang Montejo Development Corp. Isa sa pinaka sikat na construction company hindi lang locally but internationally. Grabe ang pag hanga niya kanina noong nasalabas pa lang siya nang naturang gusali, isa sa matayog na building sa Makati ang Montejo Corp. Kaya hindi na siya naligaw kahit sabihing first-time niyang pumunta dito, dahil sa labas palang nang building nagsusumigaw na ang matayog na  kompanyang pag tatrabahoan niya.

Oo inangkin niya na magiging secretary siya ni Eng. Jonathan Montejo kahit nanginginig na siya sa nyerbyos.

Kaya mo yan! Lahat nang ito may hanganan may kataposan may ending Edishing!!

At ngayon nasa final interview na siya at ang balita'y si Mr. Jonathan Montejo mismo ang mag sasagawa ng final interview. Na mas lalong nag pa dagdag nang kaba niya. Mag kaka-nervous breakdown na yata siya.

Damn!!!! Si pantasya nang mga keps pa talaga!! Kung sinuswerte ka nga naman...

Simple lamang ang hitsura ni Brittany De Salve. Ang mahaba at makapal at itim na itim niyang buhok na abot hangang baywang niya na ngayon ay naka perfect bun. Maputi siya ngunit pressed powder at liptint lang ang lagi niyang ginagamit. At lagi siyang may soot na makapal na salamin sa mga mata, dahil medyo may kalaboan na ang kanyang paningin. Kung titingnan, mas mukha siyang librarian kaysa secretarya. Dahil sa suot niyang simpleng white long-sleeved blouse na nakasara lahat nang butones at palda na lampas-tuhod ang haba.

Perfect Miss Tapia na outfit niya, dahil sa pagiging old fashioned nang tiyahin niyang matandang dalaga. Pinamana sa kanya ang pamamaraan nang pananamit nito na hangang ngayon ay dala-dala niya.

Kabadong hinihila niya ang laylayan ng palda na bahagyang napataas sa tuhod. Kinakabahan talaga siya. Sakit na ata niya iyon or kahit sino naman siguro bibigwasan niya kung sinoman ang taong magsasabing hindi kinabahan sa interviews. Na kahit lumaklak pa ata siya nang sang katutak na pang palakas nang loob. Lagi parin nangunguna  kaba niya sa tuwing may job interview. Lalo na at final boss ang makakaharap niya nangingig na talaga siya.

Buti nalang talaga si Tita Cynthia ang nag interview sa kanya kahapon, kaya kinaya niya ang bawat tanong nito easy as 123 lang ang tanong ni Tita Cynthia kaya madali siyang naka pasa kaagad. Pero ngayon mas malaki ang tsansang hindi siya matanggap.

Bumukas ang pinto ng opisina ni Mr. Montejo at tumatawang lumabas ang babaeng nauna sa kanya. Matangkad ito at sexy. Nakalugay ang mahabang buhok at bright red ang suot na formal business suit.

Napakagat labi si Brittany... Hindi na niya yata makukuha ang trabaho at sa itsura nang babaeng ito mukhang nag kakaigihan na yata sila ni Boss.

Pantasya nang mga keps talaga...

Langya! May nanalo na yata!! Bat hindi ko pa kasi sinunod ang advice ni bakla na mag paganda...grabedad talaga., eh sa ganitong itsura ako komportable,.nakakapanghinayang ang trabahong ito!.. Usal niya sa sarili.

"Expect a call from my secretary, Miss Janoras," sabi ng isang baritonong boses ng lalaki. Hindi niya pa ito nakikita kasi nakaharang ang isang malandutay na nilalang.

"I will, Sir. Thank you," humagikgik pa ring turan ng magandang aplikante.
Nang humarap sa kanya ang babae at ngumiti sabay lakad paalis, hindi alam ni Brittany kung tatayo rin ba siya at sasabay sa babaeng palabas ng opisina. Pinanghinaan na talaga siya nang loob. Kaya tumayo siya at humakbang na sana palabas nang opisina, nang marinig ang pangalan niya mula sa lalaking nasa pinto.

Her Billionaire SPERM DONOR (Available On Goodnovel )Where stories live. Discover now