Kabanata 46

177 10 0
                                    

"Gising ka nga. Nagbalik ka na." napaka-emosyonal ng boses niya. Minsan niyang sinapo ang mukha ni Ada at maiging pinakatitigan bago niya ito muling yakapin.

Gusto kong ipagkaloob sa kanila ang pagkakataon. Kaya kahit na gaano ko kagustong yakapin si Ada ay ipinagpaliban ko muna. Natutop ko ang bibig sa nasasaksihang kasabikan at pagkapawi ng nalulugmok na damdamin ni Master Gustave.

Tahimik mang lumuluha ay napangiti rin ako. Yakap yakap niya si Ada, kahit hindi ako ay dama ko ang higpit niyon.

Nakikita ko ang mukha ni Ada na hindi pa nakabawi sa gulat, marahil ay nabigla. Bahagyang nakakunot ang noo niya ngunit hinahayaan ang aking Hama na ikulong siya sa bisig nito. Inangat nga rin niya ang mga braso upang gantihan ang yakap ni Master Gustave.

Saka unti-unti ay umangat ang tingin niya sa kinaroroonan ko. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Anong ginagawa mo riyan, mahal ko?" baling niya sa akin.

Si Master Gustave ay tumingin din sa gawi ko. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha.

Ngumiti ako at umiling, "Kay sarap silayan ng tanawin, Ada." matamis kong sagot.

Gusto kong matawa sapagkat natanto niya yata ang ibig kong sabihin. Magkayakap pa rin kasi sila kaya madali niyang inayos ang sarili at bahagyang dumistansya kay Master Gustave.

"Gabing-gabi na. Bumaba ka riyan at baka mahulog ka." 'ayun muli ang kanyang tinig na nang-uutos. Parang normal, parang hindi siya natulog sa loob ng ilang araw.

"Kanina ka pa riyan, Arden?" umayos rin si Master Gustave nang harapin ako.

Napaglapat ko ang mga labi at pigil na pigil ang malawak na ngiti. Hindi niya nga talaga naramdaman ang presensya ko. Umiling ako.

"Ano sa tingin niyo, Hama?" kinindatan ko pa siya. Natawa ako ng tuluyan sa reaksyon niya.

Upang hindi siya mabagabag ay tinapat ko ang hintuturo sa aking labi. Senyales na ako'y mananatiling tahimik. Tumalon ako sa barandilya at tinakbo si Ada. Ginantihan niya ang mahigpit kong yakap.

"Salamat at gising ka na, Ada. Napakasaya ko."

"Matagal ba akong nakatulog?" mahinhin siyang tumawa. Ngumuso ako nang lumayo sa kanya.

"Matagal. Kaya matagal ding nalulungkot si Hama." kaswal kong sabi.

Natigilan siya sa ginagawang paghaplos ng aking buhok, saka niya nilingon si Master Gustave. Ngumiti siya at bumalik sa akin ang tingin.

"Patawad kung kayo ay nag-alala." aniya sa akin ngunit sumulyap kay Master Gustave. Sa tingin ko'y sa kanya naman talaga nais iparating iyon subalit ayaw niyang tiyakin.

"Siya ang gumising sa 'yo, Ada!"

"Arden.."

"Ano?"

Masama na ang tingin niya sa akin at si Ada naman ay nagtataka. Ngumiti ako ng matamis.

"Ginising ka ng aking Hama." binulong ko sa tainga niya upang hindi marinig nung isa.

Tumahimik siya at napatitig sa akin ang mga berdeng mata. Nasisiyahan ako sapagkat hindi niya sinisita ang pagtawag ko ng Hama kay Master Gustave. Tila nag-isip pa siya bago balingan si Master Gustave. Kinikiliti ang kalooban ko sa titigan nila.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Where stories live. Discover now