SANDALAN LANG

11 4 2
                                    

Inialay ko sa'yo
Aking wagas na puso
Bakit siya ang gusto
Na mag-alay nun sa'yo

Napapangiti kita
Napapatawa pa nga
Ba't iba paring tuwa
At sayang dulot niya

Bakit palagi nalang
Merong palaging kulang
Laging nararamdamang
Ako ay sandalan lang

Ang sakit lang isipin
Anumang aking gawin
Siya ay lamang parin
Ang iyong pipiliin

Palagi sa likod mo
Lahat sinasalo ko
Ngunit masakit neto
Katabi siyang gusto

TULA ng bibig kabig ng dibdib Where stories live. Discover now