SALAMAT

9 4 1
                                    


Dumating ka sa panahong ramdam kong mag-isa
Sinalo mo ang bigat ng aking nadarama
Kahit sa kabiguan ay piniling sumama

Inaamin kong nag-alinlangan sa tulong mo
Tinantiya ano nga bang pakay sa buhay ko
Bakit ka ba dumating at dinamayan ako

Nang lumaon ay lubusang nakilala kita
Itinadhana ng Diyos na ika'y makilala
Kahit minsan malayo ay ramdam padin kita

Pasensiya kung di maibalik sa'yo lahat
Problema kong mabigat pasan mo rin at buhat
Kaya kahit man lang sa tulang ito, salamat

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULA ng bibig kabig ng dibdib Where stories live. Discover now