PRUWEBA

12 4 1
                                    

Kokomprontahin na dapat sana kita
Tungkol sa nangyayari sa'ting dalawa
Marami na kasi akong naririnig
Gusto ko ay galing mismo sa'yong bibig

Biglang nakita kita't napakasaya
Pero iba naman ang iyong kasama
Parang kandilang bigla nalang lumuha
Sana'y bula nalang at maglahong bigla

Bakit ako lang ang tanging nagdurusa
Habang walang paglagyan ang iyong saya
Mas masakit bang di kana mapasaya?
O masaya sa piling naman ng iba

Saktong may malapit na camera pala
May pruweba lahat ng inyong eksena
Kapitan pahingi namang kopya niyan
Para paulit-ulit kong masilayan

Kung paano niyurakan at sinaktan
Yun nalang ang natatangi kong paraan
Pruweba ng inyong kawalang hiyaan
At baka magising sa katotohanan

TULA ng bibig kabig ng dibdib Where stories live. Discover now