Twenty-ninth

4.4K 126 43
                                    

Mabilis na isinarado ko ang pinto ng kwarto sa takot na makita ako ni Daddy. Nanginginig ang buong katawan ko at muntik akong hindi makaabot sa kama. Nanghihinang umupo ako doon, sapo ang dibdib.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ito ang unang beses na narinig kong ganoon kagalit si Dad. He was never violent despite his bad temper. But hearing how hard he slapped my sister... a different level of fear crept into me.

Sigurado akong ang trespasser kanina ang pinag-uusapan nila. Ipinakulong ito ni Dad kung ibabase sa pakiusap ni Ate na palayain ito. Halos tumindig muli ang balahibo ko habang naaalala ang huling salita ni Dad kanina. Kaya nyang ipapatay ang lalaki.

I'm sure the man is Ate's boyfriend. No doubt about it. Iyon ang ipinaglalaban nya at gustong pakasalan. Hindi si Wilson. Kung bakit ayaw na ayaw ni Daddy, hindi ko maintindihan.

Paanong ipapahiya namin sya sa magiging choice namin sa mamahalin? Nakakahiya bang pakasalan ang totoong mahal? Hindi. Kailanman ay hindi ka ipapahiya ng totoo at tapat na pag-ibig. Hindi ba nya alam iyon?

He should know better! He's a lawyer. He's married. He has experienced marriage himself. That a marriage lasts only if love is the foundation. I'm sure he knows that.

Unless...his experience taught him otherwise.

Maaga akong bumangon kinabukasan. Umaasa akong makasabay si Ate Zoe sa agahan bago sila tumulak patungong planta. Kailangan ko talaga syang makausap.

Paglabas palang sa kwarto ko ay nagulat na ako sa dalawang unipormadong bantay na nakatayo sa labas ng pinto ko. Mabilis na kumunot ang noo ko.

Paglingon ko sa ibang kwarto, ganoon din. May dalawang bantay sa kwarto ni Ate Zoe at Zavier. Hindi na naman naging maganda ang kutob ko. Lalo pa sa hindi maipaliwanag na katahimikang bumabalot sa mansyon.

Bumaba ako. Pilit kong inaalis ang nakakatakot na naiisip. Sa kusina ako pumunta para sana magtanong kina Manang Cita pero ibang kasambahay ang naabutan ko roon.

"Sina Manang Cita po?" Tanong ko sa hindi kilalang kasambahay. Kasing tanda ito ni Ate Lorna at medyo pamilyar. Tingin ko ay kasambahay ito ng mga Aragon sa Bulacan.

Parang nataranta pa ito nang makita ako. Hindi malaman kung haharapin ba ako o ang niluluto.

"Nalipat po sa Bulacan, Ma'am. Nag-shuffle si Attorney." Sagot nito.

Nag-shuffle. Bakit? Ngayon pa talaga kung kailan nagkakagulo ang pamilya? I wanted to chuckle. Alam kong marami na ring alam ang dalawang kasambahay at tingin ko, takot si Dad na isiwalat ng mga ito iyon.

"Kain na po." Anyaya nito sa akin nang nanatili akong nakatayo malapit sa pinto.

Pinatay nito ang kalan. Hindi pa rin ako gumalaw.

"Ang mga kapatid ko po ba, bumaba na para kumain?"

"Si Madame Carmela pa lang po ang bumaba at umalis." Sagot nito sa akin.

Tumango ako. It means my siblings are still here. Hindi pa sila umaalis. I should talk to my Ate. I need answers to all of my questions right now!

Naglalapag na ng mga plato ang kasambahay. Maaga pa naman at hindi pa ako gutom kaya pinili kong huwag na munang kumain.

"Sige po. Mamaya na rin ako kakain. Sasabay ako sa kanila. Salamat." Iyon ang sinabi ko bago umalis at umakyat muli sa kwarto.

I have noticed that even the main door of the mansion was guarded by armed men. Hindi ko alam kung bakit. The last time this happened was during the shooting incident in Miss Campus. At tao pa iyon ng mga Francisco, hindi ni Dad.

Chasing Unknown (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon