Thirtieth

5K 174 83
                                    

My body felt heavy when I woke up the next day. Still, I fixed myself and prepared to meet Vi. Paglabas ko, naroon na naman ang mga bantay sa bawat kwarto. Pagod ko silang tiningnan at saka dinaanan na lang.

"Are you okay?" Bungad ni Violet pagdating ko sa restaurant.

He cupped my face. Nagtagal ang titig nya sa akin at alam ko kung bakit. Magang maga ang mata ko na kahit ang concealer at make up ay hindi na kayang takpan. Malayong malayo sa itsura nyang fresh at walang stress.

Marahan akong tumango, kagat ang loob ng labi para pigilan ang nagbabadyang pangingilid ng luha.

"Hindi ka okay." Sya na ang sumagot.

Nanginig ang labi ko at hindi ko na napigilan. Yumakap ako nang mahigpit sa kanya at umiyak. Humagulgol. As if it's the first time I've ever cried.

My heart is aching as I tell him what my dad had told me. All our problems, I had vent it all out to him. Wala pa man, durog na ang puso ko pag-iisip na maghihiwalay kami ni Wilson.

Iyon ang desisyon ko. Susundin ko si Dad. Kung para iyon sa ikatatahimik ng lahat. Kung doon babalik sa ayos ang pamilya namin. Kung doon mawawala ang problema ni Wilson sa kompanya. Susundin ko si Dad.

Nagpapasalamat akong eksklusibong restaurant itong pinuntahan namin dahil kakaunti lang ang taong nakatingin sa akin habang umiiyak ako kay Violet.

He handed me a glass of water. I drank a bit just to calm myself after an hour of storytelling.

"Sorry for the word, Queen ha, but your Dad is so evil!" Nanggigigil na sambit ni Violet.

Maging sya ay uminom ng tubig dahil tumataas na rin yata ang presyon nya sa mga kwento ko.

"I know. I've told him that countless of times yesterday. He just... wouldn't listen."

Violet sighed tiredly. Bigla akong nakunsyensya na pati sya ay nadadamay sa problema ko.

"So ano ang gagawin mo? Pakakawalan mo nga si Kuya Wilson?"

"Ayoko...pero kailangan eh."

"Paano ka?"

"Sa US na lang. Babalik na lang ako kapag..." Lumunok ako at pinilit na ngumiti. "...kapag kahit paano ay naka-move on na ako."

"Tingin mo papayag si Kuya Wilson na magpakasal kay Ate Zoe?"

"Hindi rin siguro iyon papayag. Pero kilala ko si Dad. Gigipitin nya nang gigipitin ang FGC para mawalan ito ng ibang choice kundi lumapit sa kanya."

Kumuyom ang kamao ni Violet at ihinampas sa mesa. Nagtalunan ang mga kubyertos dahilan para mapatingin ang ilang tao sa amin sa gulat.

"That's so unfair!" He angrily said.

"I know, Vi. I know." Naihilamos ko ang palad sa mukha.

"How will you break up with Kuya Wilson?"

"Isa pa iyon sa problema ko. Hindi iyon papayag kahit ano pang dahilan ang ibigay ko."

Siguradong iyon. Ilang beses ko na bang ginawang panakot sa kanya ang pakikipaghiwalay? At ilang beses syang tumanggi at niresolba ang problema namin?

Ngayon, kahit ayaw ko, kailangan ko syang pakawalan. Kailangan kong manindigan. Dahil kung hindi, sira ako. Sira rin sila. Walang maidudulot na maganda kung ipaglalaban ko lang ito.

"I think the only way para mapapayag sya ay galitin mo nang todo. Galitin mo hanggang sa kamuhian ka nya." Iyon ang payo ni Violet.

Kaya ang mga sumunod na oras ay inilaan namin sa pagpaplano kung ano ang gagawin. Sa tindi ng pang-unawang ibinibigay sa akin ni Wilson, kinailangang matinding dahilan din para bumitiw sya ang gawin.

Chasing Unknown (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon