19. Choice

16.3K 986 53
                                    

Apat na oras ang tinagal ng byahe ko mula sa Rosa hanggang sa Naeyo, ang bayan kung saan nakatira si Ethan at ang asawa niya.

Hindi ko namalayan ang panahon at mag-iisang taong gulang na pala si Scarlet, ang anak nila ni Prisma.

Wala rin naman kasi akong balita tungkol sa kanila dahil masyado akong naging busy sa Academy. Sunod-sunod nagsilabasan ang mga Dark Guilds ngayon.

Huminto ang sinasakyan kong kalesa sa tapat ng isang mansyon. Kaswal akong lumabas at may hawak-hawak na tasa ng tsaa. Kapansin-pansin ang mga nagkukumpulang tao sa labas. May kani-kaniya silang mga buhay at ginagawa.

Isa pa sa mga nakaagaw ng pansin ko ay halos lahat ng tao rito ay kulay pula ang buhok. One of the things that shows that they're Portugals.

"Principal Helena!" nakangiting bungad sa akin ni Cael nang mapansin ako nito.

Nagsitigilan sa kani-kaniya nilang mga ginagawa ang mga tao. Napunta sa akin ang mga tingin at atensyon nila.

Hindi ko sila masisisi.

Kakaunti lamang ang mga nakakakilala sa akin at ang mga nakita ako sa personal.

Now they know that the rumors were true.

Helena, the Principal of Lunar Academy, was a little girl with a blonde hair who likes teas.

Tanging mga piling tao lamang ang nakakaalam na isa akong Portugal.

"Wahh!! Helena!!!" masiglang sambit ng isang batang babae.

Nawala ang tensyon sa paligid nang masigla akong binati ni Xilah. Muling bumalik sa mga kani-kaniyang ginagawa ang mga tao.

Hinila ako papasok ni Xilah sa mansyon. Malapit ng magsimula ang pagdiriwang ng kaarawan ng unang anak nina Ethan nang lumapit sila sa akin ng asawa niya. Buhat-buhat ang batang may birthday.

Agaw pansin ang pula niyang buhok. Nakuha niya nga ang palatandaan ng pagiging Portugal.

"I'm glad you made it," nakangiting sambit sa akin ni Ethan.

"Of course. Wala na akong magagawa pa kung napagplanuhan na ng sekritarya ko ang lahat," walang gana kong sagot.

Tinapunan ko ng tingin si Cora na dukot nang dukot ng mga handa. Nakasunod siya sa kalesa na sinasakyan ko kanina upang masiguro na pupunta ako rito.

"Pero salamat pa rin sa pagpunta, Helena. It's nice to have the whole family here," muling sambit ni Ethan.

"Scarlet, say hi to Principal Helena!" masiglang dagdag ni Prisma habang buhat-buhat ang anak niya.

Nagtama ang mga tingin namin ng bata.

For a moment, I thought that I was looking at Scarlet's eyes.

The first Scarlet I met.

Bumuka ang bibig ko at akmang magsasalita na 'ko nang pare-parehong naagaw ang mga atensyon namin.

Hingal na hingal na pumasok si Cael sa loob ng mansyon. Inilibot nito ang tingin sa mga tao.

"N-Nasaan si Principal Helena?!" nauutal na sambit niya.

Nagtama ang mga tingin namin at bumagal ang pagtakbo ng oras. Bago niya pa nagawang sabihin sa akin ang sasabihin niya ay may pumasok na sa isipan ko.

A scenario.

My Academy.

It's being surrounded by Gifteds.

Thousand... of them.

Muli akong bumalik sa kasalukuyan at naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko.

"P-Principal-" pagtawag sa akin ni Cael.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now