Prologue :

45 7 2
                                    








KENJIE'S POV.






"Bro, nandito na 'yung girlfriend mo sa office" bungad sakin ni Menard sa telepono.








"Paki-sabi sa kanya na hintayin nalang niya ako, i'll be there in 30 minutes" binaba ko na ang phone at agad na umalis nang matapos ang meeting tungkol sa bagong building na ipapatayo sa Laguna.









"Oh, babe, nainip kaba?" tanong ko sa kanya, dahil nakasimangot na s'ya pagdating ko sa may office.








"Hindi, ang saya nga maghintay eh" sarcastic nyang sagot. Natawa ako sa itsura nya, dahil halatang naiinis na s'ya dahil sa tagal kong dumating.










"Sorry na, babe," paglalambing ko sakanya, "tara na, libre nalang kita ng ice cream?" agad siyang napaharap sakin at kitang-kita ko yung excitement sa mga mata nya, sabi kona ice cream lang magpapaalis ng toyo nito eh, naalala ko tuloy yung ex ko dahil favorite nya din yung ice cream. Okay iwasan na yung topic na yan, nakamove-on na ako eh.











Papunta na kami ni Jonette, my girlfriend, sa supermarket para bumili ng ice cream at kung ano pang snacks, dahil nga magpipicnic date kami ngayon, kasi monthsary namin.








Habang nagdadrive ako, nagkwentuhan lang kami ni Jonette about sa nangyari samin ngayong araw. Siya nalang ang bumili ng mga kakainin namin, sa park lang kami magd-date ngayon dahil gusto niya lang daw magrelax at manood ng sunset.









Nagdrive na kami papuntang park, at di na mainit kasi 5 PM na, so mapapanood pa namin yung sunset. I don't know, pero nagustuhan ko nang manood ng sunset, dati naman wala akong pakialam sa mga ganyan, i think na-impluwensiyahan lang ako ng ex ko. Ano ba naman yan, Kenjie?! Ilang taon na ang nakalipas, may girlfriend kana, pero lagi mo pa rin siyang inaalala?








Habang nanonood kami ni Jonette ng apaka-gandang sunset, may nakita akong babae na parang pamilyar sa'kin. Hindi ko lang mafigure out kasi medyo malayo yung pwesto nila ng kasama n'ya sa pwesto namin. Hinayaan ko nalang yon at tinuloy ang pagkukwentuhan namin ng Jonette habang pinapanood pa rin ang sunset. After that, hinatid kona si Jonette sa bahay nila, dahil bukas, may trabaho pa kami parehas.









Nagising ako dahil tumunog ang cellphone ko, i checked it and received a text message,







From: Babe
Goodmorning, babe!!







To: Babe
Goodmorning<3







Pagkatapos ko magreply ay agad na akong bumangon at naligo. Nagluto ako ng Fried Rice, Egg and Ham for my breakfast. Konti lang ang niluto ko since ako lang naman ang mag-isa dito sa bahay. Nasa probinsya yung nanay ko, kasama yung kapatid ko para magbakasyon saglit. Nang matapos ako magbreakfast, nagbihis na ako at umalis papuntang trabaho.









"Goodmorning, Mr. Castillo" bati ko sa boss namin ng makasalubong ko siya sa may elevator.









"Goodmorning" he nodded, may tumawag sa kanya kaya agad niya itong sinagot, "Hello? Okay sige, magpapadala nalang ako ng tao dyan para magcheck diyan, okay, bye" binaba na niya ang phone kaya agad akong tumingin sa harapan. "Mr. Santos," tawag niya sakin, kaya tumingin ako sa kanya, "I want you to go to Laguna to check the location for the new project" banggit nya.









"Okay, Sir" sagot ko sa kanya, pagkatapos non, pumunta na ako sa Laguna para icheck yung location kung saan itatayo yung bagong project. Nagpark na ako sa tabi ng Black Porsche Macan at tumungo papunta doon sa may site. Nakita kong mayroong nagmi-meeting kaya agad akong tumungo sa kanila. I think sila yung mga Engineer na naka-assign sa project na 'to. Maya-maya pa ay may nakakita sa'kin kaya agad silang humarap sa akin para bumati.









"I'm Engineer Lopez the head Engineer" pagpapakilala niya, "And this is my team" he added, inintroduce niya ang mga kasama niya.








Habang nagdidiscuss si Engineer Lopez, may binulong sa kanya ng kasama niya kaya napalingon siya, napalingon din ako para malaman kung ano yung tinitignan niya.








Paglingon ko, parang napako ako sa kinatatayuan ko at parang bumagal ang takbo ng oras. Habang papalapit siya, parang mas lalong bumabagal ng takbo ng oras, nakita ko yung babaeng pinaka-minahal ko, 'yung babaeng walang ginawa noon, kundi ang mahalin at alagaan ako. Pero siya rin ang babaeng nang-iwan at nagbigay ng sakit sa'kin.







"Sorry i'm late, medj traffic kasi eh" sambit nya kay Engineer Lopez.






"Late ka nanaman" bati niya kay Louies, "Btw, Louies, this is Mr. Santos, from Castillo Group of Companies" pagpapakilala niya sa'kin, "Mr. Santos, this is Engineer Ramirez, child of the owner of Ramirez Group of Companies" dagdag niya.







"Goodmorning, Mr. Santos" bati niya sakin, na parang hindi kami magkakilala. Nakaramdam ako ng konting sakit pero di ko pinapakita yon, dahil parang kinalimutan niya nalang yung nangyari sa nakaraan.








"Goodmorning, Engineer Ramirez" malamig na bati ko sakanya.






Yes, you came back, but it seems like you didn't even know me, like you don't leave me behind.









--------------------------------------------------------------------------









Paano sila? Hanggang Dito nalang ba Talaga sila? Paano na Yung girlfriend Niya ngayong bumalik na yung Unang Babaeng Minahal niya.







Author's Note : Please Continue Reading Vote and Comment na ren kayo Kung ano Pa ang gusto niyo Iimproved sa Story na Ito Salamat readers Lablots <3

(BrigBring Series #4 ) Scared to Love Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz