Chapter 43

1.2M 41.3K 73.5K
                                    


Last Chapter

R-18

"Gilbert! I told you, may boyfriend ako!" sigaw ko sa kanya nang makita na naman siya sa labas ng office.

"You're just saying that to reject me, Chin," he grinned.

"Kahit wala akong boyfriend, hindi kita magugustuhan. Why don't you get it?" inis na saad ko.

"I liked you for so long, tingin mo ba mapipigilan mo ako nang gano'n gano'n na lang?"

I rolled my eyes. Some women find it good that men will try their best to pursue them, but not in my case. Mas gusto ko pa ring irerespeto ang sinabi ko. I didn't give him the permission to court me. Kaya anong karapatan nitong magpumilit?

"Gilbert," I sighed. "Please, stop. Ayokong mag-away kami ni Troy dahil lang dito."

Dumaan ang bahagyang gulat sa mukha niya.

"Kayo?"

"Yes." I nodded. "So, if you really like me, I want you to respect my relationship with him."

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko ngunit wala akong balak na bawiin 'yon.

"You gave him a chance, tapos ako, hindi?" bitter na saad niya. I saw him shifting his weight and tilting his head because of annoyance.

"Pake mo?" hindi napigilang saad ko. "It's my choice. Aayawan ko ang gusto kong ayawan at mamahalin ko kung sinong gusto kong mahalin. At si Troy 'yon."

"I even left my work in Laguna for you, Chin," he said, guilt-tripping me.

"Sinabi ko ba sa'yong gawin mo 'yon?" naiinis na sagot ko. "Gilbert, just leave me alone! We have a good friendship pero kung mananatili kang ganito, I don't think I can stay friends with you!"

"What's happening here?"

Napatuwid ako ng tayo nang makita ko si Troy sa likod ni Gilbert. Lumakad siya papunta sa gilid ko at mabilis na iniikot ang braso sa bewang ko. That simple gesture made me shiver. Nakita ko ang pagbaba ng mata ni Gilbert doon pero magkamatayan na, hinding hindi ko tatanggalin 'yon.

I glanced at Troy who's looking at the guy using his dark piercing eyes. Nang mapansing nakatingin ako ay bumaba ang mata niya sa akin. He then kissed my temple.

"Let's have a dinner later," he whispered.

Tumango lang ako sa nakahihipnotismo niyang boses.

"Bro," bati ni Gilbert kay Troy.

Kumunot ang noo ng lalaki. "Wag mo akong ma-bro bro kung nilalandi mo ang girlfriend ko," he stated irritatingly.

Napayuko ako para itago ang ngiti. I missed hearing that.

Gilbert chuckled. "Liligawan ko siya."

Akmang sasagot na ako nang higpitan ni Troy ang hawak sa bewang ko kaya lalo akong napalapit sa kanya. I looked at him in shock but he just leaned over me and gave my lips a wet kiss! Mabilis akong kumapit sa kanya bilang suporta.

God, we're in a public place! It's just a peck but it lasted for seconds!

I can feel my knees wobbled but Troy held me in place.

Nakita ko ang pagngisi niya kay Gilbert na ngayon ay namumula ang mukha sa inis. Without a word, he went out of the place, feet almost stomping.

Humiwalay ako kay Troy at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit ka nanghahalik?" nakakunot ang noong tanong ko.

He smirked. "Ganoon na ang gagawin ko mula ngayon. I will kiss you in front of your boys."

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon