September One

54 2 2
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas noong opening program. Our new classmates were quick to adjust. Lily seems comfortable with everyone in the class while Aki only hangs out with Lily, Cheyah, Aly and Eisha. Pansin kong ilag siya sa iba.

"Sember, saan tayo kakain ng lunch?"

Umakbay sa akin si Thyle. Inalis ko naman ang akbay niya sa akin saka siya sinamaan ng tingin. 9:45 pa lang ay lunch na agad ang iniisip nito.

"Mukha mo lunch."

Pinagpatuloy ko ang pagsusulat sa notes kaninang English subject namin. I couldn't finish it because we were out of time.

"Bro, alam kong gwapo ako pero huwag mo namang gawing lunch ang mukha ko."

Tumawa si Lincoln at Jhazer dahil sa sinabi ni Thyle. I looked at him disgusted. Hindi na ako nagtaka na siraulo ito noong simula pa lang kaming magkakilala.

"Guys may quiz daw tayo sa math mamaya!"

Napatingin kaming lahat sa kakapasok lang na si Jane. Kasama niya si Lily at Rio. Nanggaling yata sila sa canteen dahil sa hawak na lumpia.

"Beke nemen mga math quizzers."

Pare-pareho kaming umiwas ng tingin nina Aly at Cheyah dahil kaming tatlo ang tinutukoy nilang math quizzers. Anne started to look at each of us while smirking. Looks like we're in trouble. Akmang lalabas kami nang bigla nila kaming dumugin. Aly and Cheyah shouted.

"Hinay-hinay lang naman! Pumila kayo o bumuo ng circle!"

Pilit hinahawi ni Aly ang nagkakagulong classmates namin. Imbes na makinig ay  mas lalong gumulo sila.

"Ah! Rape!"

Nabigla ang lahat ng isigaw iyon ni Cheyah. Natigilan pa ang lahat na para namang nagkaroon ng time freeze. Napailing na lang ako nang ngumisi siya sa kanilang lahat. Napabuntong-hininga na lang ako. Heto na naman siya.

Ilang saglit lang ay humagalpak na si Marc at Joshua sa tawa. Nakisama rin ang iba habang napapasimangot si Cheya.

"Bakit ba kahit kailan ang assumera mo?"

Kinurot ni Cheya si Marc sa braso dahil sa sinabi niya. May pahampas hampas naman ng lamesa si Joshua.

"Walang interesado sa'yo. Ang feeling mo naman, ate."

Hindi ko na rin napigilang tumawa dahil naghahalakhakan na sina Thyle, Lincoln at Jhazer sa aking likuran.

"Kahit kailan talaga si Rhis, nagpapatawa."

Pagkatapos na sabihin ni Lincoln iyon ay biglang napalingon sa amin si Cheya at sinamaan kami ng tingin. Narinig niya pa iyon?

"Leche kayong lahat. Huwag kayong magpapaturo sa akin, mga bwiset."

She stormed out of the room. Some of our classmates were chasing her. Alam ko namang hindi siya nagalit. Nainis lang siguro ng kaunti.

Agad na rin akong pinalibutan ng mga kaklase ko kaya wala akong choice kung hindi manatili at magturo sa kanila. Kung bakit pa kasi ako pa eh hindi ako marunong magturo.

"Hindi ganiyan, baliktarin mo 'yan. Oo. Ayan."

After I showed them the examples and taught them how to solve, I gave them few problems to practice solving. Naglilibot ako sa kanila dahil nakaupo sila sa kaniya-kaniyang upuan.

"Should I divide this?"

Napalingon ako kay Lily na mukhang tinuturuan ni Aly. Napakamot si Aly sa ulo at kapag ginagawa niya iyon ay alam kong  nahihirapan siyang i-explain ang solution ng equation.

SEPTEMBER LOVE IS NOT FOR MEWhere stories live. Discover now