September Two

44 0 0
                                    

"Saang club ulit 'yon?"

Tinatanong ko kay Thyle kung ano 'yong club na sinasabi niya at sino ang tinutukoy niya. Pinag-uusapan namin ang regional athletic association.

"Sports. Sa soccer kay Jhazer. Nakalista na siya at kasama sa RAA. Sa volleyball yata si Lincoln. 'Di ako sigurado kung sasama siya sa RAA. Nakita kong nirecruit ni Cheya at Aki noon."

Aki? She's also a volleyball manager? Napakunot ang aking noo at napatingin kay Thyle. Tumigil naman siya sa paglaro ng bola ng sepak takraw.

"Si Aki, volleyball manager?"

Hindi lang ako makapaniwala dahil wala naman sa kaniyang appearance ang ganoong role. Umiling na lang ako dahil baka ako lang ang nagkakamali sa pagtingin sa kaniyang karakter.

"Hindi. Volunteer assistant lang sabi raw ni Alas. Nalaman ko kay Lily."

Napantig ang tainga ko nang marinig ko ang pangalan ni Lily. Hindi ko naman sobrang pinahalata kay Thyle. Baka mapansin ng sira, asarin pa niya ako kapag nalaman niya.

"Ah."

Kailan pa sila naging close?

Itinuloy ko ang pag-ayos sa mga chess boards ng sports club. Isa akong chess player. Simula elementary ay naglalaro na ako ng chess.

Ipinagpatuloy ni Thyle ang paglalaro sa bola ng sepak at napapatingin sa mga dumadaan sa hallway.

"Si Maggi ba 'yon? Kasama ni Lincoln oh."

Lumingon ako kay Thyle na nakatanaw sa gitna ng campus. Tinignan ko ang tinitingnan niya at nakita si Lincoln na kausap si Maggi sa harap ng auditorium. Iniwas ko na lang ang tingin ko.

Minsan talaga may lahing tsismoso 'tong si Thyle. Kahit sino, napapansin niya.

"Knock knock."

Nakita ko si Jenn na nasa pintuan at kinatok pa niya ang pinto. Tumango lang ako sa pagdating niya dahil siya rin ang head ng chess player sa mga babae.

"Who's there?"

Siraulo ka, Thyle.

Mabuti na lang ay mabait si Jenn at hindi madaling napipikon. Si Cheya lang talaga ang mabilis na mapikon kay Thyle. Palagi niya kasi siyang inaasar.

"Joke lang. Tapos na kayo sa Journalism?" tanong ni Thyle sa kaniya.

She nodded. Itinali niya ang kaniyang buhok bago tumulong sa paglagay ng chess boards sa cabinet. Tumayo naman ako at nagsimulang magligpit ng ibang boards.

"Oo. Ang hirap. Madaming pinagawang articles. Halos magkasunod lang naman kasi ang mga events. Interhigh noon tsaka RAA na naman ngayon. Tapos training para sa competition na naman sa September. Napre-pressure tuloy ako."

Halata namang napapagod siya dahil sa pagkakaalam ko ay nagkaroon sila ng mga overtime sa mga nakaraang araw. Bakas din ang maliit na bilog sa baba ng mata nila dala siguro ng puyat.

Umupo si Thyle sa bakanteng upuan.

"Nakakaya niyo 'yon? Grabe naman 'yong preparations niyo."

"Kailangan eh."

Habang nag-uusap sila ay umupo ako sa desk ng officers. Binuksan ko ang cabinet at inilabas ang listahan ng mga dating chess players. Pinagkumpara ko 'yong mga data ng mga estudyante para sa kasalukuyang enlistment.

Inaayos ko na rin ang listahan ng mga magkakaroon ng try-out. Lumalaki ang bilang ng gustong sumali dahil nadadala namin sa regional ang chess team.

"Hindi halata kay Cheya pero siya 'yong pinakamaraming gagawin. Siya ang susunod na magiging editor-in-chief. Tapos sumasabay pa 'yong pagiging temporary volleyball manager niya at paghahanda niya sa RSPC."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEPTEMBER LOVE IS NOT FOR MEWhere stories live. Discover now