PROLOGUE

5.5K 130 21
                                    

A/N: I changed this to Tagalog na dahil na rin sa request ng nakararami. Salamat po. 

**********

Napasinghap ako pagpasok ng upisina niya. Alam kong CEO siya ng isang napakalaking kompanya kaya in a way ay inasahan ko nang malawak at grandioso ang kanyang opisina sa Milan, pero nagulat pa rin ako sa aking nakita. Naisip ko agad, kung ganito ang estado niya bakit kailangan pa niyang mamilit ng babaeng magpapakasal sa kanya? It doesn't make any sense at all!

"Maupo ka," sabi niya agad sa akin sa Italian at sinenyasan ang sekretarya niyang nagdala sa akin doon an iwan na kami.

Napalingon ako sa papaalis na secretary. Nakaramdam ako ng kaunting takot. Though we had a few encounters before this, Alessio Conti's presence could still make me nervous. Kakaiba pa rin ang dating niya sa akin. Kapag tumitingin ako sa asul niyang mga mata para pa rin akong hinihigop ng mga ito. Idagdag pa roon ang powerful physique niya. Alam ng kahit sinong tumingin na sa loob ng mamahaling suit na suot niya'y isang katawang alaga sa gym. Hindi naman siya ang tipong mamasel talaga, sakto lang. Enough to weaken any woman's knees.

"I knew you know why I asked you to come here," sabi nito sa English. Kahit iyong tono ng boses ay makalaglag-salawal. Parang lahat yata ng gawin ng lalaking ito ay nakakabasa ng panties. Naiinis ako sa aking sarili dahil kahit na wala namang sekswal na pakahulugan ang mga sinasabi niya'y tila natu-turn on akong hindi maintindihan. And it's the last thing I want to feel right now.

"Si (Oo)," pakli ko sabay tango.

"Brilliant. Ang ibig bang sabihin nito'y pumapayag ka na sa proposal ko?" sagot nito agad.

Sinikap kong salubungin ang kanyang mga mata. Gusto kong makita kung ano ang reaksiyon niya sa isasagot ko sa kanyang tanong.

"Kung tatanggi ba ako'y payag ka sa kagustuhan ko?'

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. He then squinted at me. Wala siyang imik. Siguro'y hindi niya inaasahan iyon.

"Perche (Why)?"

Pinanuyuan ako ng laway. His tone was almost flat or devoid of emotion, but then I felt that he was seething with anger. Siguro'y hindi siya sanay na tinatanggihan.

"I have always believed that marriage is only for two people who are in love. I cannot marry you knowing I do---do n-not l-love you. And you also do---do not l-love me."

Tiningnan niya ako na para bagang may sinabi akong kakatwa. Bigla na lang siyang napangisi. Ang ngisi niya ay nagkaroon ng tunog. Before I knew it, he was already laughing hard. Nalito ako sa naging reaksiyon niya. Wala naman akong sinabing nakakatawa. Ang hinayupak na ito!

Ako naman ngayon ang napangiwi. Pinaningkitan ko pa siya ng mga mata.

"There are a million other reasons why people get married," sagot niya nang makabawi.

Bago ko pa mahulaan ang ibig niyang sabihin ay nakadukwang na siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang aking baba saka siniil niya ako ng halik sa labi. Nagulat ako, but then I couldn't make myself push him away.

**********

PAALALA:  Baka malito po kayo. Kapag nagsasalita po ng Tagalog ang mga bidang Italyano, ibig sabihin Italian po ang gamit nila.  :) Hindi na po ako magpapakahirap sa pag-translate no'n dahil nakakadagdag lang ng word count, distracting lang for most of you.  :)

ENJOY READING

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat