Ch 7 Rizal Studies

23 1 1
                                    

Muntikan na rin ako malate sa klase pagkatapos kong maipit sa usapan namin ni Maika kanina. Hehehe, sulit na rin. Sinapian ako ni Lapulapu para tulungan tumakbo. Umabot naman ako. Ang problema lang, di naman nagbago yung katawan ko kaya yung pagod sa pagtakbo, sakin din ang punta pagkatapos. "Taglay mo ang katawan ng isang nakatatanda," ani Lapulapu. Sorry na. Pwede ka pala magbuntong hininga habang hinihingal. Onga pala, Rizal studies yung subject ko ngayon.

"Ay, walang Bonifacio studies?" sambit ni Rizal sa tonong mapang-asar.

"Di ko kailangan aralin ng mga tao yung mga life experiences ko. Di yun ang hinabol ko sa pagtulong sa pagpapalaya ng bayan," sagot naman ni Bonifacio.

"Pero wala nang Bonifacio studies no? Hirap din pala pag di ka pambansang bayani." Medyo nangungulit pa rin si Rizal.

Pilit ko na lang makinig sa propesora namin si Ma'am Rose. Medyo cute sya. Kulot saka nakasalamin, at mukhang medyo bata pa. Strikto lang talaga. Ansama na ng tingin nya sakin kanina pagpasok ko na mukhang basang sisiw dahil sa pawis. Naamoy din nya siguro yung amoy mandirigma ko.

"Wag mo ikahiya ang pagiging mandirigma, Jon," sabi ni Lapulapu, habang binabasa ang iniisip ko at tinatapik ang balikat ko. Putcha, ang hassle din talaga ng may nakikinig sa utak mo. Para kang naka livestream maya't maya. Actually, mas ok pa yung livestream kasi pag nagsstream ako ng games sa youtube walang nanonood. Dito guaranteed may 3 followers lagi ako.

Mga akdang tula ni Rizal ang topic kahit first meeting pa lang. Snorefest. Mas lalo ko nararamdaman yung pagod na naging antok habang mas pinipilit kong makinig kay Ma'am. Kung alam lang nya na andito yung subject. Baka pwede sila na lang yung magusap. Unti-unti nang napapapikit ang aking mga mata. Parang hele with matching 2 shots ng tanduay yung boses sa harap.

"Jonathan Veloso!" Bigla ko nadinig ang aking pangalan na tinawag ni Ma'am. Nagising yung dugo ko eh. Pati yung dalawa na nagtatalo, biglang natahimik. "Kung masyadong nakakaantok ang lecture ko, baka pwede mo naman ikaw na lang ang magturo dito sa harap?" Nagtawanan yung buong klase.

Napatayo ako. "Ma'am sorry po," na lang ang nasabi ko. Napatingin ako kay Rizal. Kasalanan din naman nya to kaya kami natagalan kay Maika kanina. Pero ginusto ko pa rin naman na kausapin sya, pero syempre kailangan may sisihin ako. Nagkibit balikat si Jose. "Need help?" tanong nya. Nakatingin na yung buong klase sakin kaya dahan dahan ako tumango. Ngumiti sya na parang may binabalak. "It's showtime!"

Naramdaman ko nanaman yung malamig na buhos ng tubig na nangyayari tuwing may sumasanib sakin. Pero ok na rin yun. Pampahulas. Nakita ko nanaman ang sarili kong katawan pagkatapos kong ma-evict sa bahay-ni-kuya/katawang lupa ko. Biglang nagiba yung sarili kong tikas. Parang umangas ng onti? Taena, anong balak gawin nitong si Rizal?

"Ah, que es hermoso dormer la eternidad en su encantada tierra!" sabi ko sa buong klase, "O kay sarap humimbing ng sangpangkatapusan sa hiwaga ng iyon lupain, o Filipinas."

Nasindak si ma'am. Tumahimik din ang buong klase. Take that, normies!

Derederecho kong pinaliwanag rather, ipinaliwanag ni Rizal ang mga layunin at paglalagom ng kanyang mga gawa, habang nirerecite din nya ang mga tula na kanyang sinulat word per word. Ang galing. Lumabas ang pagkahenyo nya. Alam mo, kung di lang maangas, babaero at siraulo tong si Jose, pwede na talaga syang Pambansang Bayani eh.

Nakalimutan na ata ni ma'am ang galit nya sakin habang nakikinig. Di ko na rin napansin na umalis na sa upuan ko si Rizal. Nilakad nya yung katawan ko papalapit kay ma'am. "Liban sa mga tula na para sa bayan, marami din ako -erm- si Rizal na tula buhat ng kanyang matinding pagibig sa kanyang buhay."

Nagspanish nanaman sya, this time, parang may halong romansa na. Nakatitig lang sya kay Ma'am Rose. Putcha, di rin kumukurap si Ma'am Rose. Teka. Yun ata talaga gustong gawin ni Rizal kanina pa. Hinayupak, ginamit pa akong proxy sa pangtitsiks nya. Pagkatapos nya ng isang tula, tahimik ulit ang klase, at ang susunod lang namin na nadinig ay yung buntong-hininga ni ma'am rose. Epektib?

Napansin din ng klase kaya mabilis na sumunod ang hiyawan. Dikit na yung mukha ko kay Ma'am Rose na parang hipan na lang ng hangin e halik na. Shet, ayaw ko mapunta sa discipline office. Pero parang gusto rin naman ni Ma'am Rose? Haha. Shet.

Tumunog ang bell. Buti na lang. Napahinga ako ng maluwag. Parang natauhan na rin si Ma'am at kusang lumayo at bumalik sa harap ng klase. Dinuro ako ni Ma'am pero wala naman din syang sinabi. Ano kaya nasa isip nya? Di ko na masyado pinansin yun habang pilit kong hinahaltak kaluluwa ni Rizal sa katawan ko. Lumabas din naman sya ng kusa.

"O, pano ba yan?" sabi ni Rizal sakin.

"Sige na nga," sabi ko, "Salamat sa pagligtas sakin Rizal."

"Dr. Rizal."

"Doctor Rizal."

Umiling si Bonifacio. "Kaslanan mo naman talaga na inantok ka sa klase. Dapat nagsori ka na lang. Muntikan ka pa masampal ng di oras tuloy."

"O mahalikan, di mo masabi,", dagdag ni Rizal.

"Kaya ko rin naman tulungan si Jon kung talagang kinakailangan," biglang bumangka si Lapu-lapu.

"tsk, kung pwede lang ba Lapu-lapu , wag ka nang dumagdag?" sabat ni Andres.

"Nung kasing tanda mo ako, ininsulto din ako ng aking guro," tinuloy pa rin ni Lapu-lapu ang kwento, dahil syempre, sino nga ba naman kami para pakinggan nya kahit minsan no?

"Pinaibig mo rin ba siya?" tanong ni Rizal.

"Hinamon ko sya ng inuman at ako ang nagwagi. Pinalatigo ko sya sa aking ama pagkatapos nya matalo," kwento ni Lapu-lapu na parang nagkukwento lang lang ng pagbili ng suka.

O-kay. "Salamat sa payo, Lapu-lapu," sagot ko. "Pagiisipan ko yan kapag kailangan ko ng research material tungkol sa pagiging kickout at pagkakakulong."

Alas tres pa lang ng hapon. Pakiramadam ko handa na akong magunaw ang mundo, kung yung paggunaw ng mundo ang magpapalayo sakin sa tatlong to.

Maharlika Club : Ako, Si Gat, Si Pepe, At Yung Pumatay Daw Kay MagellanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon