Kabanata 17

1.5K 26 0
                                    


ONE WORST WEEK




XINE'S POV

We're here na sa hospital at papasok na kami sa kwarto ni Clara nang makasalubong namin ang doctor ni Clara. Bumati kami at tumuloy.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin nakita na namin agad ang nakakunot na noo ni Sir at ang nakapuot na mukha ni Lara.

"Hey, guys!" agad na sigaw ko kaya napabaling sa 'min ang atensiyon nila.

"I'll just go out,"  paalam agad ni Sir at linagpasan kami. Hindi man lang bumati.

Nako, naturingang teacher, walang manners.

"Hi Lara/ Hi Clars," sabay na bati namin ni Jared.

"Hi, " mahinang sagot niya.

"Why do you look miserable?" Natatawang tanong ko at lumapit sa kaniya.

Hindi siya sumagot pero tiningnan niya ang suot niya na hindi ko napansin kanina. Napaawang ang bibig ko sa nakita ko.

"Hala? Ano 'yan? Bagong buhay ka na?" suri ko sa damit niya.

"Tss. New life mo mukha mo. Si Sir ang nagpasuot sa 'kin nito dahil kabastos-bastos daw 'yong shorts at spaghetti na suot ko kanina." Nakapuot na reklamo niya na nagpatawa sa 'kin ng sobra.

"Si Sir Gin, napasunod ang isang Clara Shaira Guzman?" pang-aasar ko sa kaniya.

Kilala ko si Clara, kay Tito at Tita lang siya tumitiklop pero ngayon, heto na nga't narinig kong tumiklop kay Sir Gin.

"E,  ano naman? Kita ko kasing nas-stress na sa 'kin si Sir kaya sinunod ko na." Ngumuso pa ang loka.

"Bagay naman sa 'yo kaya okay lang." Ngiti ko, pinapagaan ang loob niya. Sabihin pabg masama akong kaibigan kapag 'di ko pinuri.

Ngumiti naman siya bago tumango, sumasang-ayon. "Sabi nga ni Sir."

Napangiwi ako. Nakangiti siya habang sinasambit ang mga katagang 'yon. Nagmukha siyang totoong loka.

"Siya nga pala Lara, anong sabi ng doctor at naabutan namin kayong  parang nagtatalo ni Sir?" singit ni Jared na nagbabalat ng orange.

"E, 'yon nga raw. I'll be staying here for one week para ma monitor nila 'yong ulo ko."

"Bakit lagi pa rin bang sumasakit 'yong ulo mo?" alalang tanong ko kaagad

"Hindi naman kapag sumisigaw lang ako."

"Bakit ka naman kasi sumisigaw?" si Jared.

"Si Sir kasi,  nakakainis." Ngumuso pa siya ulit.

"Bakit na naman?" tanong kong muli, kuryuso ako hindi chismosa. Magkaiba 'yon.

"Sabi niya one week din daw akong magsusuot nang ganitong damit niya kasi ayaw niyang gano'n 'yon suot ko."

Napatanga ako sandali. Sure ba 'yon? Bakit tunog bossy 'yon? O sa 'kin lang? Pero ano ba sila oara maging gano'n si Sir ka-conservative para kay Clara?

"I'm sure that's gonna be one worst week for you."

"For sure."







CLARA'S POV

Umuwi na sina Jared at Xine kasi hapon na pero hindi pa rin bumabalik si Sir Gin.

Mabuti na lang at pinakain ako nila Xine at Jared kanina. Sabi pa naman ng doctor hindi na raw muna ako pwedeng mag gagalaw-galaw kasi baka lumala 'yong pagsakit ng ulo.

Wedded To A StrangerWhere stories live. Discover now