Linlangin si Mavis

86 3 0
                                    

*EyeWithFire*

Part13
Warning!!

Mavis*
POV

Hindi ko tuloy alam ang Gagawin ko.
Nagsasalita si Lola Nathalie ng Matatamis na Salita at pina bubuksan saken ang Pinto nitong Apartment ko.

"Mavis. Apo namiss kita. Pasensya kana kung Masakit akong magsalita sayo. Nalulungkot lang ako kase nawala ang Mama mo pero hindi kita sinisisi. Nalulungkot lang talaga ako. Buksan mo na tong Pinto para magka-usap pa tayo ng Harap harapan." Mahinahon na sabi ni Lola.

Lumapit ako sa Pinto bilang Respeto sa Lola ko na Nanay ng Mama Misty ko.
Kahit papano inalagaan naman ako ni Lola.
Pinalaki at Pinakain tapos pinag-aral pa Noon.

Ako lang tong hindi kase matanggap ang Trabahong pinasok nya kaya naglayas ako at napunta sa Lugar na to.

"Mag-usap tayo ng harap harapan para maintindihan mo ko." Sabi ni Lola.

Binuksan ko tong Pinto tapos nag-aalala ang Reaksyon nito ng Makitang galing Ako sa pagkaka-iyak.
Sinalubong nya ko ng Yakap na mahigpit.

"Anong nangyare!!! Sinong nanakit sayo?! Sino?" Sigaw nito.

"W'Wala po." Iyak ko.

Naupo kame dito sa Sofa tapos yakap-yakap nya ko ng Mahigpit at pinapakalma.

"Anong nangyare? Bakit ka umiiyak. Sinong nanakit sayo? Sabihin mo saken para makaganti tayo." Sabi nito.

Umiling iling ako.

"Hays. Mavis, uuwi kana saten sa Laguna ah. Wag na wag kanang maglalayas. Sobra kong nag-aalala. Nakailang balik na ko kila Cassy ayaw nilang Sabihin saken kung nasan ka. Kung saan ka nakatira. Inaalala kong maigi kung nakaka-kain ka ba ng Maayos? Nakaka-tulog ka ba ng Maayos. Ako kase hindi. Hindi ako makakain at hindi makatulog ng maayos kase iniisip kita. Ngayon uuwi kana saten ah?" Sabi nito.

Tumango-tango ako.
Hinalikan ako ni Lola Nathalie sa Noo ko tapos inaya na nya kong mag Empake ng Gamit ko.

**
Pagkatapos mag Empake magkatulong kame ni Lola sa pagsasakay ng mga Gamit ko dito sa Kotse nya.

"Itetext ko po si Cassy na hindi na ko makakapasok sa School tyaka iiwan ko na tong Apartment ko." Sabi ko.

Inagaw ni Lola saken tong Cellphone ko.

"Wag na. Tsk. Hayaan mo silang mag-alala. Sumakay kana sa Kotse at babyahe na tayong Dalawa." Sabi nito.

Wala na kong nagawa.
Sumakay nalang ako tapos sinira ni Lola yung Cellphone na galing pa yun kay Clein na napanalunan namin Last Year sa Laruan sa Mall.

"L'Lola!" Sigaw ko.

"Hindi mo na kailangan to." Sabi nya.

Sumakay na sya dito sa Kotse tapos sinilip ko dito sa Bintana yung Cellphone kong Basag basag na ngayon.
Wala na kong Extra kase binenta ko yung Lahat ng kasamahan nun sa School.

Pano na nyan.
Hindi ko matetext si Cassy para malaman nyang Kasama ko ang Lola ko Ngayon.

"Oh ang Cellphone ko." Bulong ko.

Pinaandar na ni Lola tong Kotse tapos sinabihan nya kong Sumandal at Umidlip.
Gigisingin nalang raw nya ko pagdating namin sa Laguna.

*
Makalipas ang ilang Oras ng Byahe.

Tinatapik tapik ako ni Lola sa Kaliwang Hita ko.
Idinilat ko ang mga Mata ko tapos nandito na kame sa Garahe ng Bahay namen.

"Gising na Apo. Tara na sa Loob." Sabi ni Lola.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon