Lola Cristy

119 3 0
                                    

*EyeWithFire*

Part26

Mavis*
POV

Nagtataka si Clein.
Palingon lingon naman ako para maituro sa kanya yung Matandang Babae na nakita ko kanina tyaka yung naka-usap ko nung Madaling Araw.

"Ano bang sinasabi mo?" Sabi ni Clein.

"Kamukha nung Lola Cristy mo yung Matandang Babae na naka-usap ko kagabe sa Chapel. Hmm. Nagising pa nga Mommy mo e tapos Narinig ko silang nag-uusap. Mamaya tatanungin naten Mommy mo? Nag-uusap nga sila nung Matandang Babae e. Tapos pinupuri nila si Dlark habang nasa Kabaong. Basta nag-uusap sila kaya kilala ni Mommy mo yun. Alam ko sya yun e? Nung nasa Lapida na yan." Sabi ko.

"May Kamukha ang Lola Cristy ko? Seryoso? Ano bang sinasabi mo. Hmm. Gutom ka pa ba?" Sabi nito.

"Kamukha nya e? Yun yung nakita ko. Kagabe. Talagang Kaninang Madaling Araw pala. Tapos sabi pa nga nya magpahinga na dapat ako kase Umaga ililibing si Dlark e mga 3am na yun. Tapos nag CR ako. Umihi. Narinig ko sila nag-uusap ng Mommy mo? Tapos ayun lumabas ako sinabihan din ako ni Mommy mo
Ayun tumabi ako sayo. Natulog na ulit ako? Nakita ko pa sya kanina habang nagmimisa yung Pari. Ngumiti kame sa isa't isa." Sabi ko.

Hindi pa makapaniwala si Clein tapos hinipo nito ang Noo at Leeg ko.

"Oh God. May Lagnat ka yata e. Ang init init mo?" Sabi nito.

"Wala kong Sakit? Okay lang ako." Sabi ko.

"Halika na kaya sa Kotse. Magpahinga ka muna. Kung anu-ano na nakikita mo." Sabi nito.

Pinipilit ako ni Clein na magpunta sa Garahihan tapos dinidiin kong Nakita ko ang Lola Cristy nya.
Alam kong yun yon o Sya yun kase pareho talaga ang Hulma ng Mukha mapa sa Mata, Ilong at Labi pati Buhok.

Syang sya yun.

"Halika na. Please. Magpahinga kana muna. Alam kong nabibigla ka sa mga Nangyayare e. Ang init init mo." Sabi ni Clein at niyakap na ko.

"Baka Kamay mo lang yung Mainit?" Sabi ko.

"Kahit mainit to nararamdaman ko pag iba yung Temp. ng nasa Paligid ko." Sabi nito.

Hindi na ko sumagot.
Alam kong Mainit rin kase ko tapos Nahihilo.
Baka inaantok ako kaya ganito.

"Hays." Bulong ko.

Inalalayan ako ni Clein sa paglalakad tapos nagpunta kame sa Garahe saka Sumakay na dito sa Kotse.

"Hmm. Sasandal muna ko." Sabi ko.

"Go ahead. Magpahinga ka muna ah. Mamaya uuwi na din Tayo." Sabi ni Clein.

Sumandal na ko dito sa Kinauupuan ko tapos nagtanggal na ng Shades si Clein.
Nakatingin kame sa Pwesto kung Saan nililibing na si Dlark tapos nag-iiyakan sila Mommy Daffnie at iba pa.

Nakakalungkot.
Pumapasok din sa isip ko yung Matanda.
Ngayon dun sa Tabi ng Cristina"Cristy" Pujol Delo Santos nililibing si Dlark.

Patingin tingin itong mga Mata ko sa mga Bisita para makita ko yung Matanda na naka-usap ko kase alam kong yung nasa Picture ng Lapida ng Cristina ang Matandang Babae na nakita ko kaninang Madaling Araw.

Alam kong sya yun.
Ano kaya ang ibig sabihin nun tapos kung Hindi yun Kakambal posible kayang Multo yun pero naka-usap ni Mommy Daffnie yun.

Kailangan kong magtanong mamaya kay Mommy Daffnie pag-uwi namin sa Bahay.

"Hays." Bulong ko.

Wala.
Hindi ko na nga Makita yung Matanda tapos isa-isa nang nag-aalisan ang mga Bisita.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon