Praning nga ba?

108 2 0
                                    

*EyeWithFire*

Part31

Mavis*
POV

Natahimik ako sa sinabi ni Clein.
Iba nga yata yung Malaking iniisip ko kaso bakit kailangan pa nilang maging Friends sa Facebook.

"Basta. Malay ko dun? Uhm. Paandarin mo na tong Kotse. Gusto ko ng Kumain." Sabi ko.

"Hmm. Change Topic ah? Nagseselos ka. Alam kong nagseselos ka kaso isipin mo Bakit ako papatol dun kung Straight Ako at Engage na tayo." Sabi ni Clein.

"Malay ko sayo? Pwedeng magbago ang nararamdaman ng Tao ah. Hmm. Tyaka bakit ikaw lang iaadd nya sa Facebook? Diba dapat pati Ako? Ako yung nagpa Tawas sa kanya tapos ikaw lang iaadd nya. Ano yun." Sabi ko.

"Malay ko din? Inientertain ko nga lang yung Tao para tumahimik e. Selos ka agad. Tyaka bakit kung anu-ano pumapasok sa isip mo hm? Kakaiba na yang Lagnat mo ah. Nagiging Praning ka." Sabi nito.

"Praning? Kahit sino na makakakita nung nangyare kanina iba ang iisipin sa inyo noh? Slowmo? Seryoso. Ang sweet ah. Sa mga Koreanovela o basta Telenobela ko nakikita yung Ganon. Ang Landi nyo." Sabi ko.

"Grabe sya? Teka nga... Telenovela ba ko." Sabi nito.

"Ay Ewan." Sabi ko.

Pinaandar na ni Clein tong Kotse tapos sumandal na ko.
Ikinakalma tong Sarili ko tapos gumapang ang Kanang Kamay ni Clein para i Holding Hands tong Kaliwang Kamay ko.

Mahigpit naming hinawakan ang Kamay ng isa't isa.

"Wag mo kong pag-iisipan ng kung anu-ano... Hindi kita lolokohin tandaan mo yan." Sabi nito.

Nangiti ako.
Pagtapos ng Kaartehan ko akala ko kase hindi na nya ko Papansinin at kakausapin ng patungkol dun.

"Hmm. Saan mo gustong Kumain?" Sabi nito.

"Uhm. Sa Shakey's." Sabi ko.

Tumango-tango ito.
Itinaas nito ang Kaliwang Kamay ko saka idinikit sa Labi nya para mahalikan.

Kinikilig tuloy Ako.

"Hmm. Sorry ah? Ang Landi kase nung Albularyo e." Sabi ko.

"Wag kang mag Sorry. Wala yun. Hmm. Basta pag may Mali or may hindi ka nagustuhan Talk to me First bago yang Magagalit ka agad saken. Nasa Public kase tayo kanina. As in maraming Tao sa Bahay nung Albularyo. Inaalalayan kita tapos ayaw mong magpahawak. Yung Image mo iniisip ko kase baka isipin nung mga Nakakita.. Maarte ka." Sabi nito.

Grabe.
Tagos na tagos sa Puso ko yung Sinabi ni Clein.
Napaka OA kung tawagin ng Kaartehan na ginawa ko.
Sa kabila nang Maling pagiging Praning ko e Ako parin ang iniisip ni Clein na wag masisira sa Paningin ng Iba.

"I love you Clein. I'm sorry. Promise hindi na mauulit yun." Sabi ko.

"Mmhmm. Wag mo nang uulitin yun lalo na sa Harap ng maraming Tao. I love you too." Sabi nito.

Umusog Ako saka niyakap ito habang nagmamaneho sya gamit ang Kaliwang Kamay nya.
Etong Kanan Kamay nya ka Holding Hands ko parin.

Makalipas ang ilang Minuto

Nakarating na kame dito sa Kainan.
Naupo kame ni Clein tapos may Waitress na lumapit para kunin ang Order namen.

"Hmm." Huni ko.

Maharot tong Waitress na may pahawi hawi pa ng Buhok nya habang nakikipag-usap kay Clein.

"Okay po Sher. Ano pa po." Malanding sabi nito.

"Hmm. Baby. Ikaw baka may Gusto ka pa?" Sabi ni Clein saken.

Nag Ubo Ubuhan ako tapos pinantatakip ko tong Kaliwang Kamay ko kung nasan yung Engagement Ring namen ni Clein.
Pinapakita ko itong Singsing sa Babaeng Waitress.

Eye with Fire (COMPLETE)Where stories live. Discover now