🌹Chapter 21🌹

131 9 2
                                    

Chapter 21
✭Betrayal✭

•Empress Crimson Von Soleil's POV•


When I arrived at Lunaire ay agad nag si yukuan ang lahat ng makita ako na alam kong hindi ako inaasahan na darating lalo na sa ganitong itsura pero nag patuloy lang ako sa pakay ko.

"Welcome back Empress.." One of the council greeted na kanang kamay ni Luis.

"Where's Luis?" I asked habang patuloy ang lakad na kinasunod nya.

"The president is not here in Lunaire your highness." sagot nito pero focus ko ay sa paligid dahil halatang may matinding labanan na naganap base sa mga nasira at sa mga dugo na nagkalat.

"We got intruder last night your highness." Napahinto ako at sinulyapan sya kaunti habang salubong ang kilay.

"Intruder? You mean... All this mess was caused by just one intruder?" I asked in disbelief.

"Yes your highness." He replied na mas nagpakulo ng dugo ko kasabay ng maraming katanungan na paano natalo nito si Luis at iba pang nandito gayung mag isa lang naman pala 'to.

Muli kong pinapagtuloy ang lakad habang nakasunod ito hanggang sa makarating kami sa kwarto ko at nilibot ang tingin sa kabuoan dahil gaya ng suspetya ko ay dito nag simula ang laban nila Luis dahil mas magulo at maraming dugo ang nag kalat rito.

"So just one enemy invaded our territory and this is all the damages?" I asked and still can't believe at nag tungo sa harap ng dugo at yumuko para mahawakan ito at amuyin na nag pakunot ng noo ko hanggang sa sinubo ko nalang daliri na may dugo para matikman ito.

"Is that intruder still alive?" I asked.

"We're not sure your highness. We didn't find any leads to know if the intruder died after the fight or not. We're still searching around the area if there's any clues left." saad nito kaya muli akong tumayo at nilibot muli ng tingin ang paligid dahil wala talaga kong maamoy na nag mula sa naka laban ni Luis na maski dugo nito ay para bang blangko ng tikman ko since I also have this ability na once na natikman ko na ang dugo ng kung sino ay kaya ko ng malaman agad kahit saan man to.

Nilingon ko yung kanang kamay na tauhan ni Luis.

"Kamusta ang kalagayaan ni Luis Von Soleil? At isa pa, bakit hindi mo sinagot ang tanong ko kung nasaan na sya?" tanong ko at agad pinadama ang bloodlust na mas kinayuko nito at nahihirapan ng huminga pero pinilit pa rin akong sagutin.

"H-Hindi pa rin maayos ang.. Ang kalagayan nya kamahalan." sagot nito at nag angat ng tingin at sinalubong mga galit na tingin ko ng walang takot kaya pinakalma ko muna sarili ko para hayaan syang makasagot sa isa pang tanong ko.

"Mahal na emperatris, napag utusan ako na h'wag ng h'wag sasabihin sayo kung saan sya ngayon kaya ipagpaumahin nyo na hindi kita nagawang sagutin dahil ginagawa ko lang ang utos ng presidente." sabi nito at muli ng tumungo sabay luhod ng isang tuhod.

"I'll accept the punishment even death that you will bestow Empress Crimson Von Soleil." buong tatag na sabi nito na kinangisi ko.

'Kahanga-hanga na sya pa nag sabi nyan ng walang alinlangan knowing na ako ang kinatatakutan ng lahat...Isang tunay na mapagkakatiwalaan kanang kamay ng isa sa mataas na ranggo.'

"Stand up.." I said na ginawa rin agad nito.

"Just do what you need to do, tell me if you found any leads that we can use." I added at mabilis na itong naglaho.

I sighed at naglakad-lakad sa kwarto ko, nag babaka-sakaling may mahanap man lang na makakapag bigay sa'kin ng impormasyon pero wala talaga na maski dugo nito ay wala ring kwenta para kuhanan ng impormasyon maliban kay Luis na mapagtatanungan since naka harap nya 'to.

Vampire Crimson's CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon