🌹Chapter 30🌹

115 6 1
                                    

Chapter 30
☆Surprise Announcement☆

•Treyu's POV•

Maaga kong pumasok ngayon na may masakit na ulo. Aabsent nga sana ko kaso nakaka bored naman mag stay lang sa dorm kaya mas mabuti na'to.

"Hi Treyu.."

"Good morning baby Trey." Bati ng mga babaeng estudyante pero nilagpasan ko lang silang lahat dahil nakita ko na si beastly.

My smile automatically formed on my lips and run towards her direction pero nawala na lang agad ito na kinahinto't kinakusot pa ng mga mata ko.

"Saan na yon?" at nag palinga-linga dahil sigurado akong nakita ko sya dahil sya lang naman parang naka afro yung hairstyle rito.

"Hey, mukhang napaaga ka ngayon ah?" Agad akong napalingon sa nag salita and saw that It's just Alexis na as usual may bitbit na naman na libro pero napatitig ako sa envelope na hawak nya dahil kahit sino ay alam kung saan nanggaling ito.

"Lunaire?" I asked na kinatingin nya sa hawak nya sabay tango at balik ng tingin sakin.

"Ahh yea, I guess It's from Alexa. I need to give it to the principal since Iniwan lang kasi to sa desk ng student councils office." Napatango-tango naman ako at nag lakad na kaming dalawa ng sabay dahil doon din naman daan papunta sa classroom namin.

While following Alexis ay hindi ko mapigil na mag palinga-linga.

"Saan na kaya yon?"

"Searching for someone?" Alexis asked na nakalingon na pala sakin.

"Ahh Oo, si beastly kasi parang nakita ko sya kanina pero wala.. Hehe namalikmata lang ata siguro ako." sabay kamot sa batok.

"May gusto ka ba kay Crimson?" Direct to the point na tanong ni Alexis na agad kong kinatigil dahil hindi ko yon inaasahan.

"Do you like her? Napansin ko kasi madalas kayong magkakasama." dugtong pa nya and it took me awhile to process the question at awkward na natawa.

"D-dre, friends lang kami no–" Agad akong napahinto at napaisip.

'Friends? Friends ba talaga kami non? Baka sabihin non napaka assumero ko.'

"I…I mean seatmate.. Seatmate kasi kami kaya ganon." pag kumbinsi ko na maski ako ay parang litong-lito na kung ano bang label namin ni beastly. Wait, label? Anong label na naman pinag-iiisip ko, ni hindi nga ata kami friends non?

I heard Alexis chuckled at yan na naman tinuktukan na naman ako ng libro pero mahina lang naman na parang sinasabi na gumising nako sa katotohanan.

"Mukha kang sira ulo dyn, seatmate kayo pero hindi mo sure kung friends kayo?"

"Ha? Paano mo alam nasa isip ko?"

"Hahahaha yung mukha mo kasi dre, mukha kang nag sosolved ng math problem." Natatawa at naiiling na sagot ni Alexis at nag patiuna na na mabilis ko rin kinasunod then we talked about random stuffs dahil ang hirap nyang ka bonding most of the time since busy sya palagi dahil honor student rin kasi.

"Kitakits nalang dre." Sabi ko kay Alexis na kinatango lang nya at pasok na sa office ng mommy ni Augustine and speaking of him….

"Oyyy September!!" I called loud na kinalingon nya pati na rin ng katabi nya na si Sebastian.

They both stopped when they saw me kaya agad akong tumakbo roon at nakipag fist and shoulder bump kay Seb at ganoon na rin sana kay Augustine ng ambaan ako ng suntok nito na agad kong kinalayo.

"Sira ulo, isa pang tawag ng kung ano-ano macocomatose ka ng tatlong linggo." banta nya na kinatawa lang namin ni Sebastian hanggang sa sabay na kaming nag lakad papunta ng classroom.

Vampire Crimson's CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon