2-Cassandrila

60 9 1
                                    

|•Cassandrila's POV•|

September 1, 1865

Masaya akong nag lalakad, pauwi ng bahay. Nanood ako ng isang magandang sarsuwela kanina. Bago umalis ang sundalong kaibigan ko na si Angelito, niyaya niya ako na manood.

Pauwi na ako sa tahanan namin ng kaibigan kong si Klara, kasama ang tinuring ko na ding ina. Si Inang Sinang.

Natigilan ako nang makita ko ang kapatid ni Klara na si, Kiko.
"Lira! Lira!" Tawag niya saakin, at nag mamadaling tumatakbo.

Napatingin ako sakaniya na nag tataka. Anong mayroon? Tinitigan ko siya na parang nag tatanong. Gusto ko mang magsalita, hindi naman ako puwedeng mag salita.

"Si ate!-" Natigilan sa pag sasalita si Kiko, nang makita niya si Klara.

Tumatakbo na di Klara papunta sa gawi naming dalawa, hawak hawak ang isang patpat. Bigla namang nag tago sa likuran ko si Kiko na kabadong kabado.

"Kiko! Maligo ka na!" Galit na sigaw ni Klara na onting hakbang na lang malapit na siya sa kinakatayuan ko.

Natatawang nilingon ko si Kiko, pero pag lingon ko, ay wala na akong nakitang kiko. Kumaripas na ng takbo si Kiko, papunta sa ilog na malapit lang saamin.

Isang pilyong bata talaga si Kiko. Mahilig lang siyang mag laro at matulog. Mahilig din siyang kumain, pero dahil sa kahirapan, hindi siya nakakain ng wasto.


Sabay kami ni Klara na humugot ng malalim na hininga. Nagkibit balikat na lang din ako, at tinitigan si Klara na natatawa.

Makulit at mapag laro din naman na gaya ni Kiko si Klara. Kasing edad ko lang si Klara, pero mas matanda siya ng tatlong buwan.


"May iku-kuwento ako saiyo, Lira!" Biglang sabi ni Klara na tila sabik na sabik.

Kung hindi ako, mag kakamali. Iku-kuwento na naman niya ang manliligaw niyang tsino.

Tinuro ko ang tainga ko na nakangiti. Ibig sabihin non, ay handa akong makinig sa mga sasabihin niya.

Hindi gaya ni Klara at Kiko, hindi ako nakakapag salita. Gustuhin ko mang mag salita, hindi ko pa rin magagawa iyon. Ipinanganak ako na hindi makapagsalita. Suwerte ko na, dahil nakakarinig pa rin ako kahit papaano.

Ito siguro ang dahilan, kung bakit ako iniwan ng kung sino mag magulang ko.


"Nag kita kami muli sa pamilihan ng tsinong nakita ko. Mukhang nakiki baka nanaman siya sa mga negosyante doon sa pamilihan." Kinikilig na kuwento niya saakin.


Napangiti ako ng bajagya doon. Inakbayan ako bigla ni Klara, at nag umpisa na kaming nag lakad lakad. "Hindi na bago ngayon, dahil may nangyarinh mas nakakakilig!" Nakangiting bigkas niya.


Tinignan ko ulit siyang nag tatanong. Gusto kong malaman kung ano naman ang sunod na nangyari. Palagi niyang kinukukwento na lagi silang nag ngingitian ng tsinong iyon.

Magkasing tangkad lang si Klara at ang tsinong iyon. Maliit ang mga mata, matangos ang ilong, sakto lang ang liit ng labi, at nagsak ang buhok. Isama mo pa ang pagka kutis porselana ng binatang tsino. Nakota ko na din iyon ng maraming beses. Ngunit, kung sino man ang pinaka natutuwa kapag nakita ang tsinong iyon, ito si Klara. Tila ba pabor sakaniya ang langit kapag nakita niya ang binatang Tsino na na iyon.

Hindi ako sigurado, ngunit alam konh ipinagbawal na ang mga tsino dito saaming lupain. Mabuti na lang, at hindi nahuhuli ng mga guwardya sibil ang Tsinong binata na iyon.

Cassandrila: When The Moon Will Be Beautiful Again? Where stories live. Discover now