Prologue

103K 1.3K 144
                                    

Naririnig ko na noon ang pangalan nila. The Alligators? Mga sikat sila sa school kung saan ako nag aaral.

Skolar ako, gamit ang apyeledo ng mga Kleron. I'm one of their scholar. Isa ako sa mga napili para mag aral ng kolehiyo roon. Malayo ang paaralan na 'yon sa kung saan talaga ako nakatira.

"Halika, nagsusuntukan na naman ata sila," hinila ako ni Larry. One of my closes friend sa unibersidad na 'to.

"Girl, balita ko kasi may nagtangkang kalabanin ang Alligator."

I still don't get it, ba't ba sila sikat? Wala naman ata silang talent bukod sa mayabang at pagwapo lang.

Nasa may canteen naganap ang suntukan, nagsiksikan pa ang bakla para makita kung sino ang binugbog. I gasped and saw two versus  one. Nasa sahig ang lalaking binubogbog.

"They are bullies, nako kaya ako distance tayo r'yan baka mapatalsik tayo sa university. Heto pa naman ang dream school ng mga parents ko sa akin." Larry said, he's gay and kind. Kaya kami lang dalawa ang nagkakaintindihan dahil iisa kami ng pangrap.

Ang Makapagtapos.

Larry is rich, pero galawan niya pang skwater. Di ko nga gets, ba't hindi siya nagpapahatid sa driver niya. Sa tuwing pupunta lang siya 'rito nakapag taxi.

Mabuti pa siya taxi, ako traysikel.

Biglang may kumuha ng attention ko, sa lalaking umiinom lang ng lemonade. Naka-upo at prenteng nakasandal sa upuan habang ang mga kaibigan kinukuhanan ng video at picture ang dalawang nambugbog sa lalaki. Tahimik siya at hindi 'rin palangiti, napakurap kurap ako dahil tulalang tulala ako sa kanya.

He's like a god.

Napalunok ako ng dumako ang tingin niya sa akin, agad na nagulat dahil tumingin siya sa gawi namin ni Larry. Agad na hinila ko ang kaibigan at umalis sa naturang insidente.

Nahihiyang yumuko ako at napahawak sa aking puso, ba't ganon ang tingin niya?

Sino ba siya? Kabilang 'rin ba siya sa mga kalalakihang mambugbog roon? Isa ba siya sa grupo na tinatawag na alligators?

He could be one of them?

After ni Larry maki-chismis hinila niya ako palabas at kakain daw kami sa jollibee. Iyon lang daw ang kaya niyang ilibri, apaka kuripot naman  pero ang yaman yaman.

"Girl, narinig ko kasi na kick out sa school ang binubog. Imagine iyong binugbog?"

"G-grabe naman." Kumakain si Larry habang nagku-kwento about nga sa mga nangyayari. Hindi daw dapat kinukunsinti ang ganyang mga studyante, pero ano naman ang laban ni Larry?

Sila daw kasi ang mga elite student, bukod sa sobrang bullies, may ipagmamalaki naman daw.

Matatalino 'raw sabi nila.

"What year ba sila?" Tanong ko. Uminom muna ito ng float bago ako sinagot.

"1st year, ka batch natin sila."

Tumango ako, ang dami naman palang mag sa-suffer na studyante dahil may tatlong taon pa sila.

Natapos kaming mag lunch ng bumalik na sa room namin. Pareho pala kami ni Larry ng course, nasa architektura kaming pareho.

Sinabi ko na noon pa sa nanay ko na gusto kong kumuha ng ganoong kurso. Dahil bukod sa libre, iyon ang pangarap ko balang araw.

Mahilig si Larry ng mga drawings, designs at iba pa. Kaya bagay na bagay sa kanya iyon.

Natapos ang klase at sabay na 'rin kaming umuwi ni Larry. Minsan hinahatid niya ako sa nire-rentan kong appartment. Iisang kwarto lang, nanduon na halos ang kusina, sala at bed room. Sakto naman ang laki, at sanay na ako.

Saka nalang ako uuwi sa bahay namin pag bakasyon.

Kinabukasan no'n maaga akong gumising, naligo at naghapunan. Sobrang traffic sa edza pag di ka naging maaga.

Nagbayad ako sa traysikel at nakita ang malaking gate ng universidad. Para lang ba talaga sa mayayaman 'to? Pangarap ng lahat na mag aral sa mamahaling school, pangarap ng lahat makapag tapos 'dito.

At isa ako sa binigyan ng pagkakataon para maabot ko ang pangarap na 'yon. Napa iling iling ako, tuluyan ng pumasok sa gate.

Wala pa halos mga studyante, ang aga pa naman kasi. Nag pasya nalang akong tumambay sa bench kung saan kami tumatambay ng bakla.

Umupo ako roon at nagbasa naman ng books, may quizes pa kami mamaya. Masyado na ako busy ngayon, dahil college life na nga. Hindi gaya noong higchschool at dami mong free time.

"Miss.. miss.." dahil sa gulat ko napa-angat ako ng tingin sa tumawag. Napangiti ako ng hilaw.

Ba't niya ako tinawag?

"P-po?"

"Here, nahulog mo ata." Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Agad na chineck ko ang bag ko, nahulog ko nga ata 'yon.

Agad na inabot ko. "M-maraming salamat, kailangan namin 'to mamaya e." Nahulog kasi ang mga plates na ipapasa ko mamaya. Kailangan din namin mag double time, dahil sobrang busy ng schedule.

"It's okay, are you alone?"

Tumingin ako sa tabi ko, sa isa pa. Wala naman akong kasama?

Ba't niya tinatanong?

"Ahm, mag isa lang ako." I smile. Halata naman kasi.

Nag angat ako ng tingin sa lalaki, mapupungay ang mata. May isang hikaw sa kaviang tainga. He looks like badboy, at playboy. Pero sa way ng mga ngiti niya parang di naman siya gano'n.

Para siyang bathalang nahulog sa lupa.

Pantay pantay 'rin ang mga ngipin, perpekto ang ilong at sobrang haba ng pilik mata. Parang ang sarap niyang maging kaibigan.

But he's one of that group right?

Napansin ko 'rin na wala siyang uniporme, pero ang neat ng pananamit. He wore black t-shirt at maong pants.

Matangkad din siya at sobrang tikas ng pangangatawan.

Totoong tao pa ba 'to? O hinulog ni god para mahalin ako?

Charr!

"S-salamat ulit, pasenya na sa abala." Hingi ko ng paunmanhin.

Tumango lang siya at seryosong nakatingin din sa akin. Ilang ulit akong nagpasalamat at bigla nalang tinalikuran ako ng walang paalam.

Sino ba naman ako para mag paalam pa siya? Ni hindi nga alam ng taong 'yon na nag e-exist ako sa school na 'to.

Nakatingin lang ako sa likod niya, kahit ang likod sobrang gwapo.

"Hoy, Astrea Wind."

Napakurap kurap ako, dumating si Larry na may ngiting multo sa labi.

"Ano 'yon huh? Ano 'yon?"

"A-anong ano 'yon?" Pumiyok pa ako.

"Nako I saw that huh, I saw you with Vix."

"Vix?" Napalunok ako. Iyon ba ang pangalan niya?

"Oo, siya ang eldest son ng mga Tibble. Vixiven ang pangalan niya." Umupo si Larry sa inuupuan ko kanina.

"T-talaga.." pumiyok ako.

"Malayo pa lang nakita ko ah, namumungay iyang mata mo bakla. Baka may crush ka na sa kan'ya.."

"W-wala.. ano ka ba naman." Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo. Feeling ko namunula na ang aking mukha, dahil sa tukso ni Larry.

"Sige nga bakit ka namumula? Aber?"

"W-wala 'to. Tayo na nga." Iniwan ko siya pero agad naman sumunod.

"Teka lang, Wind. Ayan na nga heto naman binibiro ka lang eh."

"I-ikaw kasi eh."

Hindi na nangusisa pa si Larry ng dumating kami sa 4th floor ng school namin.

Vixiven?

Iyon ba ang pangalan mo?

A small smile escape on my lips, kinagat ko ang labi habang papasok sa room namin.

Ang ganda ng name niya, bagay na bagay sa kanya.

Alligators 2: Burning desireWhere stories live. Discover now