Chapter 3

34.9K 1.1K 130
                                    

'Hi, sorry sa walang update nitong nakaraang araw. Ini-edit ko kasi si nicket at blade. Huhu, so here is the update, thank you for previous comment i really do appreciate it.🤗

...
Dahan dahan kong nakikita ang pag igting ng panga ni Vix. Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, unti-unti sumisilay ang masamang awra niya. Tumaas ang kanyang isang kilay habang seryoso pa 'rin siya sa pag titig sa 'akin.

Nag iwas ako ng tingin, bakasakaling hindi na niya ako kausapin.

"Wala ka bang sasabihin?" He was calm. Ano ang sasabihin ko? Wala akong alam na sabihin. Pumikit ako at kinagat ang pang ibabang labi. Ako naman talaga ang unang nang-storbo sa kanya. Bigla bigla nalang ako pumasok sa buhay niya, habang nagpapahinga siya.

Lumunok ako ng dalawang beses at nahihiyang nag angat ng tingin. Mas lalo ako umatras ng kumuyom na ang kamao.

"M-may gagawin pa talaga ako, p-pasenya n-na." Tumalikod ako at aakmang aalis ng maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko at hinila ako. I gasped a bit when he locked my both hands at sinandal sa tabi ng pintuan ng banyo.

Habol ko ang hininga at takot ko, umigting muli ang kanyang panga habang matalim na nakatitig sa aking mga mata. Bumaba iyon sa aking labi at bumalik sa aking mukha. Hindi ko kailangan maramdaman 'to, hindi ko siya kailangan lapitan. Kailangan kong lumayo para sa pag-aaral ko. Ayokong masira ang pangalan ko, ayoko.

Napapikit ako ng itukod niya ang isang kamay sa tabi ng pader at kinagat niya ang pang ibabang labi. He looks calm, pero nakikita ko pa 'rin sa mga mata niya ang kakaibang galit. Nanatiling seryoso ang mukha habang tinitigan ako. Pero hindi ko kayang makita siya, kaya nag iwas nalang ako ng tingin.

"V-vix.." bulong ko, pinipigilan ko ang sariling hindi siya titigan. Pinipigilan ko ang sariling mag salita, dahil baka kapag binuka ko ang aking bibig hindi ko na macontrol 'to.

"M-may gagawin p-pa talaga ako." Maliit na boses ko. Hindi ako nakatingin sa kan'ya, nanatili ang mga mata ko sa sapatos namin. Naririnig ko ang tibok ng puso niya.

Para ba sa 'akin 'yan?

At anong ginagawa niya dito? Pumunta ba siya dito para kay Joan? Di 'ba nililigawan niya iyon? Bakit pa siya nandito at ginugulo ako?

Gusto kong itanong lahat ng iyon, kaso nanatili ang aking bibig na tiklop. Kagat ko ang labi habang hinihintay ang gagawin niya.

Narinig ko nalang ang malakas na buntong hininga niya at umatras sa pagkaka locked sa katawan ko. Nanatili pa 'rin ang katawan ko sa pader, dahil sa kaba hindi na ako gumalaw. Maski pag hinga ko, hindi ko na marinig.

Napansin kong tinignan niya ang silver na rolex sa kamay, nanatiling madilim ang mga mata sa 'akin.

"I will wait you on your last period," hindi ko pa 'rin siya tinignan. Kumakabog ng mabilis ang puso ko, parang gusto ko na ngang pumunta sa ilalim ng puno para makasama siya.

"Under the tree, again." Matigas na sabi niya. "Hihintayin kita roon," tapos suplado siyang umalis at walang paalam.

Nakatingin lang ako sa kaniyang likod, tapos dahan dahan akong napa-daosdos ng mawala na siya sa paningin ko. I bit my lips so hard, hindi ko alam ang gagawin ko. Napasapo nalang ako sa aking mukha. Dahil sa frustration, sa stress at dahil kay Vix.

It's lunch time, wala akong imik habang  binubuksan ni Larry ang kanyang lunch box. Ginawa ko naman ang akin, pero natutulala lang ako. Napansin kong nakatingin si Larry sa akin, pero mukhang wala na siyang balak na tanungin ako.

"Anyare?" Tanong niya at nagsisimulang kumain. Nasa loob kami ng room at kami lang dalawa ang natira.

Karamihan kasi sa canteen na kumakain, at ayoko ng pumunta roon. Binalingan ko si Larry at tumigil naman 'to sa pagkain.

Alligators 2: Burning desireWhere stories live. Discover now