PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

246 5 0
                                    

CHAPTER 1

ENJOY!!!

FINALLY, i'm now on the next chapter of my life. I'm now a Senior High School student. New life, new school, new friends, new classmates and culture.

Kaya ko ba?

I'm a bit nervous for tomorrow dahil papasok na ako sa bago kong school na Kingsford University! Yes, kung saan nag-aral si kuya Tay ng SHS at kasakalukuyang nag-aaral ng college sa kursong Achitecture at 2nd year college na s'ya sa susunod na pasukan. Maliban doon ay hindi ko na magiging kaklase ang mga nakasanayan ko ng mga classmates at malalayo na ako sa mga kaibigan ko at syempre sa parents ko.

In spite of that, masaya ako dahil makaeexperience ako ng panibagong buhay. I must not say na hindi ako magiging independent dahil kung gaano ka istrikto ni papa at mama sa akin ay mas lalo pa si kuya Tay. Yes, sobra s'yang istrikto, to the point na kakalkalin ang phone ko, social media at tinatakot pa ang mga lalaking magbabalak ligawan ko. Hay, kaya wala akong kawala sa kanya! Mas lalo ngayon, sa condo n'ya ako titira! Pero okay lang dahil gustong-gusto ko si kuya na makicuddle sa kanya. Binibaby n'ya ng sobra. Super love n'ya ako. He is always kissing my chicks, hugging me at palaging binibilhan ng kahit anong gusto ko; pagkain, at kung anong bagay na gusto ko.

Sweet n'ya no? Sana kayo rin!

I'm openly gay! And super tanggap ako ng family ko. Ni hindi ko kailangang itago ang pagkatao dahil sobrang mahal ako ng family ko.

"Gun, bakit tulala ka d'yan? Daydreaming? Miss mo na sina mom and dad?" Tanong sa akin ni kuya. Nakaupo kasi ako dito sa sofa habang yakap-yakap ang unan.

"Yes kuya i miss them so much. Pero okay lang, first day ko palang naman ngayon na malalayo sa kanila eh" sagot ko kay kuya. Umupo si kuya sa tabi ko at inakbayan ako. Ginulo naman n'ya ang buhok ko gamit ang kanyang isang kamay.

"That's normal Gun. Ganyan din ako nung first day ko dito. Nakakamiss at nakakapanibago. Pero dumaan ang maraming araw ay nasanay na rin ako. Pero don't worry my brother este sistr, kasama mo naman si kuya kaya di mo masyadong mamimiss sina mom at dad". Wika sa akin ni kuya.

"Ummm, sa una lang ito. Kakayanin ko ito!" Tugon ko sa sinabi ni kuya.

"Halika, may pupuntahan tayo!" Aya ni kuya.

"Saan naman kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Sa mall, bibili kasi ako ng gamit ko. At syempre, idedate ko ang aking napakacute na kapatid!" Sagot ni kuya sabay pisil ng aking pisngi. Naexcite tuloy ako sa sinabi ni kuya. Tumayo ako.

"Let's go kuya!" Aya ko sa kanya. Tumayo si kuya at inakbayan ako. Lumabas kami ng unit ni kuya para makapunta na ng Mall.

"May surprise ako sa'yo mamaya Gun. For sure matutuwa ka" nakangiting wika ni kuya Tay habang nagdadrive eto. Hay! Ano kaya yun?! Baka bibilhan ako ng mga colored pens na collection ko. Hay! Sana ganun nga!

"What is it kuya?!" Tanong ko sa kanya. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya sa sobrang galak ko sa sinabi n'ya.

"Lumayo ka nga sa akin! Nagdadrive ako oh! Basta mamaya malalaman mo! Actually nandun na daw s'ya sa mall naghihintay!" Sagot nito sa akin. So hindi ako bibilhan ni kuya? So tao ito? Sino? Sino ang isusurpresa sa akin ni kuya?! Ummm! OHHHH MMMMM GGGGGG! NO WAY! Di ako ready na makita si Kuya Oab! Hindi ako nakapag-ayos man lang?! Itong damit ko pambahay pa! Shocks!

"Wag mo sabihing si kuya Oab yun kuya?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya. Tumingin saglit sa akin si kuya st dinilaan ako. Kaya pinalo-palo ko s'ya kanyang braso.

"Stop it! Stop it! Nagdadrive ako oh!" Saway nito sa akin. Kaya tumigil ako. Bumusangot tuloy ako dahil sa kuya ko.

"Kasi naman kuya, di man lang ako nakapagready! Nakapagbihis man lang sana ako ng maayos! Nakapagliptint! Nakapagbihis ng maayos-ayos na damit! Baka maturn-off yun sa akin! Papaano na!" Pagmamaktol ko sa loob ng kotse.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLEKde žijí příběhy. Začni objevovat