PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

58 4 0
                                    

CHAPTER 4

GUN'S POV

"Gun! Bilisan mong magbihis! Para makakain ka na!" Sigaw ni kuya Tay sa kusina. Nagmamadali na nga ako eh, dahil papaakyat na si Off dito aa building. Susunduin daw kasi n'ya ako para kumain kami ng breakfast sa labas. Dahil biglaan ay napakaripas tuloy ako ng galaw. Di ko alam kung bakit naisipan n'ya akong sunduin ngayon.

Kinuha ko na ang bag ko para makalabas na ng kwarto ko.

Dingdong! Dingdong!

Patakbo akong nagtungo sa may pinto para pagbuksan ang nagdodoorbell. Feeling ko si Off na iyon, hehehe. Excited na ako!

"Papii!" Masaya kong bungad nang makita ko s'ya nang pagbukas ko ang pinto.

"Let's go nagugutom na ako eh!" Sagot sa akin ni Off. Kinuha na n'ya ang bag ko nang biglang nagsalita si kuya Tay sa likuran ko.

"Hoy! Hoy! Hoy! Anong ibig sabihin neto?! Hah?! Diba nagluto ako Gun ng breakfast natin? Ngayon nagmamadi ka nang umalis? San kayo pupunta?! Maaga pa ah!?" Pagsusungit sa amin ni kuya.

"Kuya, i told you a while ago na hindi ako kakain dito. Kakain kami sa labas ni papii" sagot ko sa kanya.

"Ano?! Nakakahalata na ako ha! Gun, sa mga nakalipas na araw, si Off palagi ang naghahatid sa'yo dito pa uwi. Tapos ngayon, aagawin na n'ya ang oras ko sayo sa umaga. Abay, naiba na ang naging kapatid mo Gun ha?! O baka naman hindi na kapatid turing n'yo sa isa't-isa?! Baka naman nagliligawan na kayo!" Sabi ni kuya sa amin ni Off kaya nagreact ako.

"Kuya! Hindi ko s'ya boyfriend! Hindi s'ya nanliligaw sa akin! We're just friends. Si kuya talaga kung anu-ano iniisip. Sige na kuya, aalis na kami" sagot ko sa kanya.

"Teka lang! Atat?! Pinagpalit mo na ako sa Off na yan ah?! Di ka ba naaawa sa akin?! Ipinagluto kita tapos may iba ka palang ibang appointment. Off hah! Easy lang, ha! Baka hindi na ito pagiging kaibigan lang. Baka lumala, may masaktan pa. Sige, sige na. Ingat kayo!" Sabi ni kuya. Napayakap tuloy ako sa kanya dahil may tampo na pala siyang nararamdaman sa akin.

"Ikaw lang ang love ko kuya. I love you so much!" Paglalambing ko sa kanya.

"Hmmm! Ikaw talaga. Love ka rin ni kuya. Sige na, umalis na kayo ni Off. Bakit pala hindi kayo naka-uniform ha!?" Sabi sa amin ni Off.

"May activity kami mamaya kuya. Recruitment ng mga bawat club at organization sa school" sagot ko kay kuya.

"Ah, okay. Ano sasalihan ng kapatid ko?" Tanong sa akin kuya.

"I think, di ko pa alam kuya eh. Pero inform kita kaagad kapag nakasali na ako, promise" sagot ko kay kuya.

"Kuya, sorry pero we need to go na. Nagugutom na ako eh. Bye!!!" Sabi ni Off at agad ako hinila papalabas ng condo.

Nang makasakay na kami sa may kotse n'ya ay umalis na kaming dalawa. Sa kalagitnaan ng aming byahe ay biglang nagring ang phone neto. At napangiti ako dahil si miss Desiree ang tumawag.

"Miss Desiree is calling" wika ko kay Off. Pero ni hindi man lang n'ya kinuha ang phone n'ya para sagutin.

"Bakit di mo sagutin?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang kasama ko okay? Kaya hayaan mo s'ya. Magpapasama lang ulit yan sa akin." Sagot sa akin ni Off.

"Papii, it's your chance na makasama s'ya. Okay lang ako" sabi ko sa kanya.

"Mamii pwede ba?! Yan ka na naman eh. Kapag sinabi kong ikaw ang kasama ko, yun na yun okay?! May iba pang time para makasama ko s'ya" irotang sagot nito sa akin.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora