PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

30 3 0
                                    

CHAPTER 27

GUN'S POV

"Baby! Do you want to play basketball?" Tanong ni Off kay Chimon na nakasampa sa balikat ni Off. Nasa labas na kami ng building ng college namin at pauwi na rin kami. Pero hindi pa siguro dahil nag-aayang magbasketball si Off. Okay na rin yun para makapag enjoy pa ng mas mabuti si Chimon.

"Yes! I want! I want to play basketball with my papii!" Masayang wika ni Chimon kaya napangiti kami ni Off.

"Kung ganun, mauna na kayo sa gym! Dahil bibili muna ako ng maiinom natin" wika ko naman.

"Sige mamii. Wait ka nalang namin dun ni Chimon. Chimon, let's go!" Sabi naman ni Off kaya nagsimula ng maglakad si Off papuntang gym. Ako naman ay umiba ng direksyon papuntang cafeteria uoang bumili nga ng maiinom naming tatlo. Bumili na rin aki ng pwedeng kainin incase magutom ang mag-ama ko. Feel na feel ko na talaga ang pagiging asawa at magulang. Sabi nga nila hindi nasusukat ang pagiging magulang sa lahat ng aspeto. Isa lang ang alam kong standard ng isang magulang, yun ay ang pagmamahal at buong pagtanggap mo sa posisyong pinasok mo yun ay ang pagiging magulang.

Hindi ko naman ito makakaya kung walang tulong ng pamilya ko at laling lalo na ang live-in partner ko na si Off. Napakaresponsableng tao, ama at partner ni Off. Ang laki ng pinagbago simula nung naging kami at sa pagdating ni Chimon. Nagustuhan ko naman iyon dahil mas naramdaman ko ang pagmamahal n'ya kahit may kahati na ako.

Sapat na sapat na ang buhay ko ngayon. Masaya ako sa tinatakbo ng buhay ko na sana wag ng guluhin ni Bianca. Natatakot ako sa mangyayari. Baka ikababaliw ko ang paglayo sa akin ng anak ko. Hindi ko man kadugo si Chimon pero inialay ko na ang kalahati ng buhay ko. Kung malalayo s'ya ay magiging kulang na ang buhay ko. Ayokong mangyari yun! Di ko kaya! Kaya gagawin ko ang lahat kasama ni papii manatili lang si Chimon sa amin. Ganun ko s'ya kamahal.

Nang makabili na ako ay pumunta kung saan nagpunta ang mag-ama ko. Nang makarating ako ay nakita ko ang mag-ama kong masayang naglalaro ng basketball kasama ang dalawang ninong ni Chimon na sina Earth at Arm. Hindi maalis sa mga labi ni Chimon ang galak habang naglalaro s'ya. At yun ang nagbibigay kulay sa aking mundo.

Pagtingin ko naman sa may bench ay nandun si Desiree chinicheer ang anak ko. Tuwang-tuwa ito sa tuwing nakakahawak si Chimon ng bola at bubuhatin ng kung sino man sa tatlo para magshoot ito.

Lumapit ako sa kanya para may kasama akong manood sa apat. Nandun din naman ang mga gamit ng dalawa kaya mas mabuting dun nalang ako.

"Gun, tignan mo si Chimon oh. Sobrang saya n'ya! Nakakatuwa s'yang panoorin" bungad na wika sa akin ni Desiree. Umupo ako sa tabi n'ya.

"Kaya nga eh. Hay, sana maging kagaya s'ya ni papa n'ya na magaling magbasketball" sagot ko kay Desiree.

"Hay, sana nga. Pero alam mo Gun, i'm so happy to the both of you and Off. Finally you've found your true love. Salamat din dahil ikaw ang nagpabago kay Off na hindi ko nagawa nung ako pa ang nililigawan n'ya. Alam mo, kaya ko lang naman pinatagal ang panliligaw sa akin ni Off dati dahil gusto ko s'yang magmature. Pero hindi pala ako ang makakagawa nun kundi ikaw.

Ngayon, kitang-kita ang malaking pagbabago niya lalo na nung dumating si Chimon. Yung dating childish ngayon, father figure na. Di ako nagsising binitawan ko si Off. Dahil sa ginawa ko ay nahanap n'ya ang one great love n'ya. At wala rin sana s'yang cute na Chimon kung nanatili s'ya sa akin.

Gun, alagaan mo ng mabuti ang mag-ama mo ha. Dahil kayamanan mo na yan. Don't let anyone to destroy your family. You're string enough, ang kailangan n'yo nalang gawin ay imaintain iyon" wika sa akin ni Desiree.

"Yes, tama ka. Pero salamat din sayo ha. Kung hindi ka nagpaubaya wala siguro akong papii ngayon. Thank you." Wika ko kay Desiree.

"Ano kaba, you are destined to each other girl. Mahal n'yo ang isa't-isa" sagot sa akin ni Desiree.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLEWhere stories live. Discover now