PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLE

61 4 0
                                    

CHAPTER 22

GUN'S POV

Krrriiiinnnnggggggg!

Morningggggggg! Morninggggggggg! Walang good sa morning! Dahil ngayon na ang alis ni Off. Malungkot ako dahil iiwan na n'ya ako.

Sabi naman n'ya sa akin, gagawin muna namin ang performance namin bago s'ya umuwi. Pero di ko pa rin talaga mapigilan ang emosyon ko. Ngayon palang ay namimiss ko na s'ya.

Mapipigilan pa ko pa kaya s'ya? Sa loob ng ilang araw na pagkakataong kausapin s'ya ay hindi ko nagawa dahil pilit n'ya akong hindi kinikibo. Kapag lalapit ako sa kanya ay nilalayuan kaagad ako.

Anong gagawin ko? Tila umuurong ako kapagsasabihin ko na ang dapat kong sabihin.

Oo na, kasalanan ko na ang lahat. Dahil naging matigas ako. Pero masisisi n'yo ba ako? Hindi naging madali para sa ang sitwasyon. Sa kabila ng pag-iwas ko sa kanya ay binibigyan kami ng tadhanang magsalubong ang landas.

It's all because of destiny. Parang ginawa sa amin ito ni Off para mas maintindihan namin ang tunay na pag-ibig kahit sa murang edad namin. I believe naman na kahit wala ka pang bente-singko pataas ay kaya mo ring maintindihan ang love ayon sa iyong karanasan.

And i can say that i truely love Off dahil kahit na sinaktan ako once. Kahit na naging mailap ako sa kanya. Kahit na masabihan ko s'ya ng masasakit, i still love him.

Ganito ba talaga kung first love. Nakakastress! Nakakabaliw?!

Sana nga magkaayos na kami mamaya. Sana hindi na ito umalis pa.

Tumayo na ako para makapagprepare na sa pagpasok ko. May performance pa kami ngayon kaya kailangan prepared na kami. Kumpleto na rin ang mga props namin ni Off para mamaya.

Naligo, nagbihis, kumain at kinuha ko na ang mga gamit ko bago lumabas ng bahay para maihatid ako ni kuya sa school. Maaga akong pumasok ngayon dahil kailangan kong makapagprepare ng gagamitin namin ni Off mamaya.

Wait, mamaya na pala alis n'ya?! Oo mamaya na! Halla! Ano gagawin ko? Bahala na!

Ilang sandali pa ay nagsipasok na ang mga kaklase ko. At saktong 8am ay pumasok na si ma'am pero si Off ay wala pa rin. Kinakabahan na ako dahil baka wala na akong partner. O baka naman ay ngayon na ang alis n'ya at iniwan akong mag-isa. How can i perform kung wala s'ya?! Heto na ba ang pagkawala ng koneksyon namin.

Nag-umpisa ng kumirot ang puso ko sa kaiisip sa pwedeng mangyari ngayong araw! Bakit kasi nagpakduwag akong kausapin s'ya noong nakaraang araw lang?! Tuloy ngayon, paiyak na ako!

"Good morning class. So let's start! Gun and Off kayo na mauna" wika ni ma'am kaya inabahan ako. Patingin-tingin ako sa kalawakan ng classroom pero wala akong makitang Off.

"Ma'am! Wala pa po si Off" nag-aalala kong sabi kay ma'am.

"Ha?! Bakit? Sabi n'ya, unahin ko na kayo dahil maaga ang flight n'ya" sabi naman ni ma'am.

"Or else, baka umalis na s'ya!" Dugtong pa ni ma'am. Sa pagkakasabi ni ma'am na iyon ay di ko na napigilang mapaiyak. Iniwan na akong mag-isa. Wala na talaga akong pag-asang maibalik ang dating kami.

Ang tanga-tanga ko kasi! Haaaaaa! Bakit kasi nag-inarte pa ako! Nakakainis!

---

OFF'S POV

"Ma, pasok lang po ako ha. Tutulungan ko lang si Gun sa project n'ya. Saka magpapaalam lang po ako sa kanya at sa mga kaibigan ko" paalam ko kay mama.

"Sigurado ka ba anak na kaya mong magpaalam sa kanya? Diba ikaw mahihirapang umalis kapag makita mo s'ya ngayon?" Pangambang sabi sa akin ni mama.

"Ma, buo na desisyon ko. Wala ng makakapigil pa sa akin. Sige po ma, alis na po muna ako" sagot ko kay mama at lumabas na ako ng bahay. Pinaandar ang kotse at pumasok na sa school.

PAPII AND MAMII: A TRUE LIE COUPLEWhere stories live. Discover now