Chapter 21

108 13 1
                                    

Chapter 21:



I sighed as I sat on the edge of my bed. Bakit naman ngayon pa tumawag sila Dad? Kung kailan pupunta rito si Ruby dahil semestral break na niya, tsaka niya pa ako kailangan sa London.

"Dad, my girlfriend's coming here."

I heard his disappointed sigh on the other line. "Harold, I've never asked you to come here if it's not important. Why can't you give me this one favour? You can bring Ruby with you."

I sighed again. "Pag-isipan ko, Dad."

"There's nothing to think of. I need you here and that's final, Harold. You need to come here. I only need a week from you."

A fucking week. That week was already set for my date with Ruby. Hindi naman ako sigurado kung papayag si Ruby o sasama sa akin sa London dahil mag-e-enrol pa 'yun.

Tanginang buhay, bakit naman ganito?

I put on my necktie in front of the mirror before going out of my condo. I still have projects to finish and thinking about this right now will never do me any good.

Nang makarating ako sa company ay binati ako ng guard at ng ilan pang empleyado. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang tamang floor para sa office ko. The door opened when I reached the 10th floor, and then I went out. Binati rin ako ng ilang mga Engineer at Architect sa floor bago ako tuluyang nakarating sa table ko.

Nakita ko si Anna na kausap ang ilang mga Architect sa floor namin na para bang nagpapaturo. I like the way she still wanted to know more about the field she is in. Kahit na licensed architect na siya, hindi niya hinahayaan na hanggang doon lang siya.

The thing that really captured my attention that time was the attention she's giving to the guest speaker of the seminar. Kitang-kita ko kung gaano niya kagusto ang pag-a-arkitekto at handa siyang matuto sa lahat ng paraan.

"Hi, Jin!" bati niya nang bumalik siya sa table niya malapit sa akin, dala ang tracing paper niya. "Ano? Magkaaway ba kayo ni Ruby?" Anna asked while raising her left eyebrows.

Lagi na lang nagkakampihan ang dalawang 'to kapag nag-aaway kami ni Ruby.

I chuckled. "Hindi, 'no. Good morning."

She smiled as she started moving her mouse as her eyes are directed on the monitor. "Good morning. Pupunta na si Ruby dito sa Sabado, ah?"

I sighed. 'Yun na nga, eh. Pupunta siya pero kailangan kong umalis.

"Sa tingin mo, makakasama siya sa akin sa... London?" tanong ko habang ino-on ang computer ko.

Kumunot ang noo niya. "Ang layo naman! Ano namang gagawin niyo do'n? Nawa'y lahat, ha!"

I laughed. "My daddy needs me there. His daughter wants me there, ayaw daw pumayag na mag-celebrate nang wala ako."

"Kapatid mo?" takang tanong niya.

I nodded. "Oo. Hindi anak ni Mommy."

Napaawang ang bibig niya. "Ohh, okay. Talk to Ruby, malay mo, sumama sa 'yo. Sembreak naman niya, eh. Hindi ko na lang sasabihin kay George para malaya kayo," she winked before she focused on her work.

Ginawa ko na rin ang trabaho ko at inialis na muna sa isip ang problemang 'yon.

Ngayon na nga lang pupunta rito si Ruby dahil start na ng sembreak niya, mauudlot pa dahil sa problema ni Daddy sa London.

Well, he has his own family in London and his daughter is celebrating her first year in teenage years. Gusto ng napangasawa niya ro'n na mag-celebrate si Macy ng 13th birthday pero ang gusto naman ng kapatid ko ay nandoon ako.

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Where stories live. Discover now