Prologue

709 30 6
                                    




I am a free woman.

Those were the words running through my mind as I walked towards the gate that would finally take me to where Nel was waiting.

Ang sarap ng pakiramdam.

Ganito pala ang malaya.

Puwede kang pumunta sa lugar na gusto mong puntahan dahil wala ng tao o papel na pipigil sa'yo.

Ang gaan ng dibdib ko dahil magsisimula ako sa bagong lugar kasama ang tao na matagal kong pinangarap.

Ang tao na nagpalaya sa puso ko at naging daan para tunay akong maging masaya.

When I finally made my way to immigration at pinakita sa officer ang mga documents ko, may konting kaba akong naramdaman.

Kahit legal ang pagpunta ko sa Canada, hindi maialis na makaramdam ng nerbiyos.

Bago ako umalis, sinabi ni Nel na nalampasan ko na ang mahirap na proseso kaya wala akong dapat ipangamba.

"What if hindi ko masagot ng maayos ang tanong ng immigration officer?" Tanong ko habang kausap siya sa Skype.

"Babe, just think of this as a formality." Kalmado at nakangiting sabi niya.

"May nagsabi sa akin sa office na may kakilala siya na nasa final stage na ng immigration eh pumalya pa."

"Lise, we don't know what happened to that person. Bakit mo ikukumpara ang sarili mo sa kanya?"

Pero kahit anong effort ang gawin ni Nel, hindi matapos-tapos ang kaba ko.

Daig ko pa ang humaharap sa napakalaking challenge.

Bawat level na nalalampasan ko, mula ng magpasa ako ng application form hanggang sa makatanggap ng sulat sa embassy para I-confirm na approved ang application ay hindi pa din sapat para magcelebrate ako.

I kept telling myself that it's not over until it's over.

Hangga't hindi natatatakan at napipirmahan ang confirmation of permanent residence form, ayokong maunsiyami by celebrating prematurely.

Parang may batong nakadagan sa dibdib ko habang naglalakad papalapit sa unipormadong officer.

Bago ko iabot sa kanya ang papeles, ngumiti ako at binati siya ng good afternoon.

Sa ganoong paraan man lang ay maitago ko ang kaba.

Hindi ngumiti ang officer na Anderson ang nakalagay sa name badge.

Light brown ang kulay ng buhok na crew cut ang gupit.

Matipuno ang pangangatawan niya at namimintog ang biceps.

Tinanong niya kung ano ang dahilan ng pagdating ko.

Sinabi ko na sa I'm a new immigrant to Canada at dito na ako titira.

Tumango siya at di pa din ngumiti.

Dahil sa passive na expression sa mukha niya, pinagpawisan tuloy ang kamay ko.

Hindi naman mainit sa loob ng airport.

Nang tanungin niya ako kung first time ko sa Canada, matipid na yes lang ang sagot ko.

Wala naman sigurong explanation na kailangan ano?

Tumungo si Anderson tapos pinirmahan ang papers ko.

Sa isip ko, slow motion ang paggalaw ng ballpen sa papel.

Nakamagnify sa isip ko ang bawat movement ng kamay niya.

Totoo ba ito?

Is this really happening right now?

"Welcome to Canada." Naputol ang pagmumuni-muni ko.

Ngumiti si Anderson ng iabot sa akin ang papel.

Nagthank you ako.

Kinakabahan pa din ako kahit pirmado na ang document ko.

Habang naglalakad papunta sa exit sign kung saan nakatayo ang security, doon lang nagsink-in sa isip at puso ko ang lahat.

Doon lang natunaw ang kung anumang nakadagan sa dibdib ko.

This is it!

Gusto kong tumalon sa tuwa.

Pero dahil maraming tao at ayoko namang magmukhang tanga, hindi ko ginawa.

Tahimik akong nagdasal para magsalamat sa Diyos sa paggabay niya.

Totoo nga na if something is meant to happen, it will happen.

Kahit harangan man ng sibat, kung talagang para sa'yo ang isang bagay o tao, ibibigay.

Ngayon ko lang ulit naalala na kahit noong umpisa pa lang ng pag-aasikaso ng mga papeles ko, smooth sailing naman ang lahat.

Palatandaan siguro iyon na para sa akin talaga ito.

Hindi ako nagkumahog o nangarag.

Dahil may proseso sa bawat papeles na kailangan, sinabi ko sa sarili ko na habaan ang pasensiya.

Kahit pagod pagkagaling sa work, kapag may kailangang I-submit, ginagawa ko pagdating sa bahay.

Imbes na regular mail, express at may tracking ang pinipili ko para makasiguro na safe makakarating ang documents.

Di na baleng gumastos ng malaki as long as secure ang mga papeles.

Lagi din akong nagdadasal bago ihulog ang sulat.

Sabi nga, prayer can move mountains.

At sa awa naman ng Diyos, umaabot ako sa deadline na binigay ng embassy.

Magaan ang bawat hakbang ko habang naglalakad kasabay ang ibang pasahero.

Tulad ko, mabilis ang hakbang nila.

Minsan ay naaagaw ang atensiyon ko ng mga murals sa pader.

Tumigil ako sa tapat ng brass sculpture ng isang stallion.

It was standing on its hind legs.

Kahit sculpture, kita sa depth ng muscles nito ang strength ng kabayo.

Habang hinihintay ang text ni Nel, hindi pa din ako lubos makapaniwala sa nangyari.

Parang panaginip lang ang lahat.

Ang puso ko, parang ang laki-laki dahil sa magkahalong excitement at nerbiyos na naramdaman.

In a few minutes, makakasama ko na din si Nel.

Magsisimula kami ng bagong buhay.

Kaming dalawa.

Sa ibang lugar malayo sa alaala ng mga pinagdaanan ko dati.

A clean slate.

A fresh start.

New place, new life.

It felt unbelievable.

Sino ang mag-aakala na after all those years na hindi kami nagkita, dito pala ang bagsak naming dalawa?

Kami pa din pala ang tinadhanang magkasama.

6ix Days Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon