Chapter 22

232 20 0
                                    




"How's Chanel?" Tanong ni Skylar habang pinagmamasdan ako sa pagliligpit ng mga gamit.

In two days, uuwi na kami sa Pilipinas.

Prior to this, walang tigil sa pagsasabi si Skylar na mamimiss niya daw ako.

Kahit daw nasa Pinas ako at meron akong kailangan, huwag daw akong mahiyang magsabi sa kanya.

Kung hindi siguro kami nagkakilala bago niya ako binigyan ng trabaho sa Lavender Rose, ang mga comments niya would be misinterpreted.

She is my boss pero kung maglambing sa akin, para ko siyang kapatid.

Minsan, nahiwa ang kamay niya ng dumaplis ang cutter.

Takot pala siya sa dugo.

Habang nililinis ko ang sugat, daig pa niya ang batang paslit sa pag-iyak.

Pagkatapos eh humirit sa akin na i-kiss ko daw ang boo boo.

Natawa lang ako tapos sinabi na unhygienic kung hahalikan ko ang daliri niya.

Sa akin din siya humihingi ng advice.

She confessed to me na mas open pa siya sa akin kesa sa mommy at Ate niya.

Sa akin niya din sinabi na she broke up with Maricar.

When she went to Edmonton dati, nakita pala niya ito  sa mall na may kasama.

When I asked Sky to describe the person, tugma sa itsura ni Ely.

This was also during the time na hindi sinasagot ni Maricar ang mga tawag at text ni Sky.

Dahil ayaw niya daw mag-assume ng kung anu-ano, sinubukan niyang tumawag ulit para makapag-usap sila ng maayos.

Nang sumagot si Maricar, niyaya niya ito to go out for lunch.

Pumayag naman.

Nang mag-usap sila, sinabi ni Maricar kung sino si Ely sa buhay niya.

They've reconnected kasi namatay pala ang tatay ni Ely.

Si Maricar ang una nitong tinawagan para sabihin ang nangyari.

Pero nilinaw nito na hindi sila nagkabalikan.

Dinadamayan niya lang ang ex niya kasi wala naman itong pamilya dito sa Canada.

Dineretso niya si Maricar kung mahal pa ba nito ang ex.

Hindi na daw.

Pero ang sabi ni Sky, dama niya na hindi pa totally nakakapagmove on si Maricar.

Ayaw niya daw maging rebound kaya mas pinili niya na huwag muna silang magkita.

Habang nagkikuwento siya, nakikita ko na she was hurt.

Pilit niyang pinoproject na she understood the situation but in her eyes, I saw that she was in pain.

Alam ko na gusto niya talaga si Maricar.

When they were dating, akala mo ay laging nasa cloud nine si Skylar.

Kahit stressed sa work, kapag biglang tumunog ang phone niya, alam ko na si Maricar ang nagtitext dahil iba ang smile niya.

Kapag may misunderstanding naman sila, daig pa niya ang nalugi.

Kahit masakit ang ginawa niyang desisyon, ayaw niya ng hang-ups at complications.

Gusto din daw niyang bigyan si Maricar ng time to heal from her Ely.

"One of these days, I hope to see the Philippines." Inabot niya ang water bottle na regalo niya sa akin after I passed my third month probation.

"The next time we go back on vacation, I'll take you." Sinara ko ang zipper ng purse.

6ix Days Book TwoWhere stories live. Discover now