Chapter 21

238 19 0
                                    




Sumagi na sa isip ko dati ang mag-aral.

I know that a career in a coffee shop is not something I will do forever.

Bukod sa may mga physical manifestations na nararamdaman ko like shoulder and back pain, gusto ko ding I-expand ang buhay ko.

Pero hindi ko pinursue ang pangarap na iyan dahil bukod sa tamad akong mag-aral, I was enjoying my work.

Bukod sa naging comfortable na ako sa routine to the point na kaya ko ng gawin ang mga tasks without even thinking, harmonious naman ang relationship ko with my co-workers.

That was until I was forced to quit.

Bumalik ulit ang idea habang nagmumukmok ako.

One afternoon, I opened my account to check kung meron bang nagrespond sa mga application letters.

Wala.

Dalawang linggo na since I quit my job.

Naiinip na ako sa kahihintay.

Hindi ako sanay ng walang ginagawa.

Pero ano nga ba ang magagawa ko kung hindi ang magpasensiya?

Hindi pa tuluyang nakakabangon ang ekonomiya ng bansa.

Back in 2020, our deficit reached almost 400 billion.

Hindi lang dahil sa Covid-19 kundi na din dahil sa dami ng tao na umaasa sa CERB.

Ang government assistance program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Kaso, pati ang mga hindi dapat mabigyan tulad ng mga tao who were earning more than $100,000 per year, nakinabang din.

I mean, it was totally unscrupulous of them to do so dahil tulong para sa mga low-income families ang CERB pero nangyari ang ganoon.

I was mad when I learned that.

Kasi hindi ako nag-apply ng ganoong benefit.

Hindi naman kasi ako nawalan ng trabaho during the pandemic.

At hindi ko din ugali ang manamantala lalo na sa ganoong sitwasyon.

Besides, makakatakas ba kami sa Canada Revenue Agency?

Isa pang dahilan kung bakit hindi ko tinuloy ang planong mag-aral ay dahil sa sponsorship ni Lise.

I have to be able to prove to the government na kaya ko siyang suportahan.

One way to do that was my proof of employment.

Hindi ko na matandaan ang specific line sa application na nagsasabi na I have to be able to support her for at least a number of years.

Paano ko gagawin iyon kung nag-aaral ako at walang income di ba?

Pero sign na din siguro ang nangyari sa akin sa work.

Kahit pa malakas ang kutob ni Maricar na si Alyssa nga ang nagcomplain kay Tyler dahil bigla daw itong napromote as a supervisor, ayoko ng ipaglaban pa ang karapatan ko.

Naisip ko na baka gamiting reason ni Tyler ang sinabi niya sa akin na hindi niya naman ako sinisisante.

Ako ang nagdesisyong umalis kahit hindi niya naman ako tinanggal sa trabaho.

My decision puts me at a disadvantage.

Pero ang pinakamabigat na dahilan kung bakit hindi na ako nagsampa ng reklamo ay ang utang na loob ko kina Tyler.

We were okay before this thing happened.

Malaki ang tiwalang binigay niya sa akin.

Binigyan niya ako ng opportunity to grow sa company niya.

6ix Days Book TwoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora