Chapter 2

322 26 1
                                    




Nakabili ng bahay sina Jackie sa mas bagong community.

Dahil malulugi sila kung ibebenta ang luma nilang bahay lalo na at hindi sellers market sa real estate, naisip ng parents niya na paupahan na lang ito.

Kaya pala kinausap nila si Nel.

Inalok sa kanya ang upper suite bago magpost si Jackie ng house-for- rent online.

Kinausap niya muna ako.

Gusto niya daw marinig ang opinyon ko.

Ito ang isang bagay na gusto ko sa kanya.

Hindi siya nagdedesisyon ng hindi ako kinokonsulta.

Doon ko nararamdaman na magkasama kami sa decision making kahit sa maliit or malaking bagay.

Ang una kong tinanong ay kung magkano ang upa kung lilipat kami.

Money will be the ultimate deciding factor lalo na at siya lang ang kumikita sa aming dalawa.

When she told me na tataas ng one-hundred fifty dollars ang upa, my first thought was to tell her no.

May kasama na din na pride sa part ko dahil wala akong naiaambag financially.

"I know you're worried about the money pero think of it this way, hindi na tayo titira sa basement."

Kumakain kami ng hapunan.

Pinagluto ko siya ng pritong tilapia at pritong talong na may itlog na may sawsawang toyo at lemon.

Ang mahal kasi ng kalamansi kaya naghanap na lang ako ng substitute.

Namimiss niya daw kasi ang isda kaya ng mag-grocery kami, ito ang binili namin.

"Okay lang naman sa akin kung dito tayo nakatira."

"Lise, I want you to be comfortable. Isa pa, meron akong good news sa'yo."

Natigilan ako sa pagsubo ng kanin.

"Good news?"

"Oo, babe. Kinausap ako ng franchisee namin kanina. He promoted me to assistant manager." Ang laki ng ngiti niya.

"Talaga? Ba't di mo agad sinabi sa akin?"

"Kasi naharang tayo ni Jackie."

I could see the pride in her eyes.

Matagal na siyang nagwowork sa coffee shop at malaki ang tiwala sa kanya ng boss niya.

"So, ano? Payag ka na? I would get a three dollar raise per hour."

"Will that be enough sa amount of stress at responsibilities mo?"

Natahimik si Nel.

Biglang lumamlam ang liwanag sa mga mata niya.

"Babe, I'm just being realistic. Alam mo naman na ayaw kitang nahihirapan. Isa pa, wala pa akong work. Kung ako, I would rather na huwag tayo masyadong gumastos."

"Alam ko naman. Pero I promised myself na kapag nandito ka na, I will make your life as comfortable as possible. Look around us," Binaling niya ang tingin sa maliit na sulok ng basement, "this was not how I imagined our life to be. Gusto ko bumili ng bagong bahay. I want to give you the luxury you enjoyed."

"Di ba pinag-usapan na natin ito?"

Hindi siya kumibo.

"Nel, I don't want to recreate the life I used to have. I want to start a new life with you. Eh ano kung nandito tayo sa basement? Masaya naman ako. This is our home and that's enough for me."

She wasn't convinced.

"Ano ba talaga ang issue? Is it really just about comfort or is there something else?"

Binitawan niya ang hawak na kutsara at tinidor.

"Naguguilty ako, Lise." Lumungkot ang itsura niya.

"Saan?"

"Noon, akala ko, sapat na iyong magkasama tayo. Pero noong sinundo kita tapos dinala kita dito, narealize ko na hindi ko plinano ang lahat."

"Alin ang hindi mo plinano?"

"Ito." Tinuro niya ulit ang maliit na tirahan namin.

"Sana man lang, naghanap ako ng mas maayos na tirahan at hindi iyong dito kita pinatira."

"Di ba sabi ko naman sa'yo, okay lang sa akin?"

"Pero hindi okay sa akin. You deserve more than this."

"Why do you keep saying I deserve more? Mukha ba akong nagrereklamo?"

"Iyon na nga eh. Napakabuti mo. Dahil diyan, lalo akong nakokonsensiya."

"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Walang kaso sa akin if we start small. Naguumpisa pa lang tayo."

"This was not how I imagined our life." Ulit niya.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.

"Babe, we've only just begun. Hindi ako nagmamadali. Ako nga ang dapat na makonsensiya dahil wala akong naiaambag sa'yo. Kargo mo lahat ng gastos. Kung merong dapat mahiya, ako iyon."

Later that night, I made love to Nel.

I whispered kind words to appease her insecurities.

Sinabi  ko sa kanya na siya ang mahal ko at hindi ang mga materyal na bagay na puwede niyang ibigay sa akin.

I showered every inch of her body with butterfly kisses, the gentleness making her skin tingle.

When her body was on fire from the teasing, I brought her home.

While she slept, I was wide awake.

Iniisip ang napag-usapan namin during dinner.

Gusto niya talagang lumipat kami.

As much as I want to be practical, kapag meron siyang gusto, hindi siya titigil.

Bago siya natulog, she mentioned the move again.

That's how I knew that at this point, I have to concede.

She needed this victory.

When we woke up the next morning, I told her na payag na ako na lumipat na kami.

Bigla niya akong niyakap.

Before we got out of bed, she made love to me.

6ix Days Book TwoWhere stories live. Discover now