Chapter 1

10 3 3
                                    

"Ma, Pa!!!" sigaw ko habang palabas ng bahay.

"Ano ba iyon Rica!? Makasigaw ka naman diyan!" sigaw ni mama pabalik.

"Alis na po ako, late na ko sa trabaho." sabi ko, sabay halik sa pisngi ni mama.

Habang paalis sakay ng aking bisikleta, ay nakasalubong ko ang kababatang si Duke. Kinawayan ko lang ito at nagmamadali ng nagpedal dahil siguradong mapapagalitan nanaman ako ni Gio na may ari ng Cafe na pinagtatrabahuhan ko.

Napakaganda sa lugar namin, tahimik at maaliwalas ang kapaligiran, paraming puno at halaman kaya naman sariwa ang hangin na dumadampi sa akin balat.

Itong pakiramdam na ito ang sobrang namiss ko, kaya ako nagpasiyang bumalik dito sa probinsya.

Nagmamadali kong pinarada ang aking bisekleta sa parking ng cafe, at humahangos na naglalakad papasok habang inaayos ang nagulong buhok at damit.

"Goodmorning Gio!!" nakangiwi kong bati sa may ari at dating kaklase na si Gio.

"Erica...Erica...late kananaman!" natatawa ko itong tinapik at humingi ng dispensa.

" Pasensya na alam mo naman na nalasing ako kagabi, at sino ba may kasalanan nun?" sabay kami natawa sa alaalang nangyari sa nagdaang gabi.

Nagdaos kasi ng party si mayor sa plaza, para sa nalalapit na kapistahan ng aming lugar. Maraming inuman at kainan ang pumuwesto sa plaza para kumita at syempre para makisaya.

Maliit lang ang bayan namin pero bihira ang negosyong nagsasara, dahil madalas dayuhin ng turista ang aming lugar.

"Rica, nabalitaan mo naba!?" tanong ni Mikey na kasamahan ko sa trabaho habang naglilinis kami ng mga lamesa at naghahanda para sa araw na iyon.

"Anong balita? Sobrang lasing ko kagabi wala na akong maalala sa mga nangyari." kibit balikat ko rito.

"Ano kaba naman, ilang araw ng usap-usapan sa bayan at kahit sa mga kapit bahay ko, yun anak ni Mayor!" sabi nito na parang kinikilig pa.

" Oh? Ano naman ang gagawin ko sa anak ni Mayor?" simangot kong sagot.

Napatingin ako kay Gio na ngayon ay nakikinig nadin, nagkibit balikat ito ng mapansin na nakatingin ako sakaniya.

"Dadating daw ngayong araw si Rowan at magtatagal daw dito!"

Napairap ako sa kawalan ng gana sa pakikinig kay Mikey. "Eh ano naman ngayon kung uuwi siya? Eh taga dito naman siya talaga!" pagbulyaw ko dito na may kasamang irap.

"Eh diba may past kayo nun?" inosenteng tanong nito.

Napahinto ako sa ginagawang pag aayos ng lamesa sa tanong na iyon ni Mikey.

"Tama na iyang pagdadaldalan." awat ni Gio, napansin niya atang hindi na ako kumportable sa tinatakbo ng usapan. " Mikey may costumer na." sabay turo nito sa labas.

Nagkanya-kanya na kami ni Mikey ng balik sa puwesto namin para sa pagdating ng costumer.

"Mukang bagong costumer, " sabi ko kay Gio na malapit sakin " ngayon ko lang nakita yun sasakyan eh."

"Oo nga, baka turista sa beach." sabi naman nito.

Sabay baba ng isang lalaki na naka t-shirt na plain white, maong pants, Jordan 1 at sun-glass. Matangkad ito at moreno, makikita mo rin ang pag-galaw ng muscles sa braso dahil sa pagtanggal nito ng salamin.

"Fuck!" tulalang sabi ko habang pinagnanasahan ang papasok na lalaki sa shop.

"Goodmorning Sir! Table for one?" natauhan ako ng marinig ang boses ni Mikey na kausap ang costumer.

"Yes please." sa baritonong boses na sabi nito.

"Laway mo." Sabi ni Gio sa akin sabay sara ng bibig ko.

Hindi ko maaninag ang muka ng lalaki dahil sa liwanag ng araw na nanggagaling sa likod nito.

Napapalunok ako ng laway habang papalapit siya sa kinaroroonan ko sa harap ng kahera, lalo kong napagmamasdan ang itsura niya, malalim na mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong. Lalaking lalaki ang dating.

Huminto ito sa harap ko at nakatitig na nagsalita.

"Kamusta kana Erica?"

Jar of HeartsWhere stories live. Discover now