Chapter 3

2 0 0
                                    

"Hay!!! Makakauwi nadin! Nakakapagod, dami nating costumer ngayon ano!?" sabi ni Mikey na nag iinat-inat pa.

Inaayos ko naman ang bisikleta ko habang hinihintay namin si Gio na matapos sa pagpapadlock ng shop.

"Let's go!" aya ni Gio ng matapos ito.

"Pano! Dito na ko." sabay liko ko ng bisikleta papunta sa dereksyon kung saan papunta ang bahay namin.

"Sige ingat ka." kumaway naman silang dalawa habang pasakay sa sasakyan ni Gio.

Medyo madilim na ng mag sara ang cafe kaya naman medyo hirap na akong makita ang dinadaanan ko dahil sa papadilim na ang kapaligiran.

Ito ang pinakaayaw ko, kapag maraming costumer ay late na kami nagsasara kaya naman ako ang nahihirapan bumaybay ng daan pauwi.

"Beeeeeepppp!!!!" nagulat ako at napamura sa biglang pagbusina ng sasakyan na nasa likod ko.

"Fuck you!" huminto ako sabay mura dito. Gigil na gigil ako dahil muntik na kong sumemplang sa gulat.

Huminto ang sasakyan sa unahan ko at bumama ang driver nito. Lumapit naman ako para makita ko kung sinong sira ulo ang may ari ng sasakyan.

"Your mouth! Tsk!" palatak nito sabay halukipkip.

"Rowan!? Anong ginagawa mo dito!?.. Gusto mo ba akong maaksidente!? Ha!?" galit na tanong ko dito.

"Get in." sabi nito sabay agaw sakin ng bisikleta at sinakay ito sa pick up na dala nito.

"No way! Akin na iyang bike ko!" pilit kong inaabot ang bike na sinakay niya sa likod ng pick up niya.

"Sasakay ka o bubuhatin kita?" seryosong tanong nito.

Napalunok ako at napahinto sa pagkuha ng bike ng makitang seryoso siya sa banta niya. Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng sasakyan niya.

"kumalma ka! Wag ka mag isip ng kung ano-ano, naawa lang siya sayo kaya ihahatid ka niya! Eh paano ka naman nakasiguro na ihahatid kanya?" huminga ako ng malalim at pilit kinakalma ang sarili.

Pumasok si Rowan ng sasakyan ng makita niyang isara ko nadin ang pinto sa side ko.

"Dun sa dati padin ba kayo nakatira?" baling nito sakin habang nagkakabit ng seatbelt.

"Oo." nakahalukipkip kong sagot sabay tingin ng deretso sa harap.

Nagulat nalang ako ng biglang lumapit ang muka nito sa muka ko. "Anong ginagawa mo!?" tulak ko dito.

"Seat bealt." sabay ngisi nito. Hinayaan ko siyang matapos sa pagkabit ng seat bealt, ng matapos ay umayos nadin ito at nag umpisa na sa pagmamaneho.

Hindi pa kami nakakalayo ay bigla itong nagsalita.

"Breath Erica. Breath.." lumingon ito saglit sa gawi ko para tignan ako.

Sabay pakawala ko ng hininga na hindi ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan.

"Fuck!"

Jar of HeartsWhere stories live. Discover now