Chapter 2

2 0 0
                                    

"Rowan?" natutuwang tanong ni Gio.

"Pare kamusta? Long time no see!" baling nito kay Gio na ngayon ay papalapit na sa pwesto namin para makipag kamay.

"Ikaw nga! Lalo tayong gumagwapo ah!" masayang bati ni Gio pabalik, at binungo ako ng pasimple para matauhan ako.

It's him! The one and only Rowan Valerio na sikat na sikat dahil sa mga kagaguhan at sa dami ng babaeng pinaiyak nuong High school. Isa na ako dun.

Natatarantang tumalikod ako sa kanila para sana pumasok sa kusina, pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na siya sakin.

"San ka pupunta? Okay kalang ba? Bat namumutla ka?" sunod sunod na tanong nito.

"Ha? Ah eh..sa kusina. May kukunin lang." palusot ko sabay tanggal sa kamay nyang nakahawak sa braso ko.

Pagdikit ng daliri ko sa daliri niya ay naramdamana ko nanaman ang kakaibang kuryente na iyon na akala ko ay matagal ng nawala. Napatingin ako sa mga mata niya at mukang ganun din ang naramdaman niya.

Agad naman siyang bumitaw at hinayaan akong makaalis. Nagmamadali akong pumasok ng kusina para uminom ng tubig.

Naririnig ko pa sila ni Gio na nag-uusap at nagkakamustahan, habang inaayos ko naman ang paghinga ko.

"Hindi tama ito. Tumigil ka, matagal na iyong tapos." kausap ko sa sarili ko.

Umayos ako ng tayo at nagbilang ng tatlo sabay hinga ng malalim. "kaya mo yan! Si Rowan lang yan. Wala kana dapat nararamdaman. Wala na."

Lumabas ako ng kusina na okay na ulit at nakangiti.

".....sana nga mapatawad niya ko." huling salita ni Rowan bago sila huminto sa pag-uusap dahil sa paglapit ko.

Nginitian ko ito sabay tanong " Oorder kaba?"

Napamaang sakin si Gio at sabay tapik sa balikat ni Rowan para bumalik na sa pwesto niya sa kusina.

"Uh..yeah. One black coffee and hotcake with blackberry." saad nito sabay dukot sa wallet para magbayad ng inorder.

"Okay sir, hatid ko nalang sa table niyo." sabay talikod. Wala akong pake kung tingin niya binabastos ko siya o ano.

Pagpasok ko sa kusina ay inabot ko na kay Gio ang order ni Rowan para maihanda na niya. Pero hindi ako lumabas habang hinihintay itong matapos.

"Bakit ayaw mo lumabas? Kamustahin mo man lang." udyok sakin ni Gio.

Tinitigan ko si Gio sabay iling. " Ayoko. Hindi ko trip makipag usap sakanya."

"Ano kaba naman parang wala kayong pinagsamahan..."

"iiiiiiihhhhhhh....!!!!" napatingin kami kay Mikey na papasok ng kusina na parang kinukumbulsyon.

"Anong nangyare sayo?" takang tanong ko.

"Ate ako magdadala ng order ni sir Rowan sa table niya ha!?" sabi nito na kinikiligkilig pa.

Napairap nalang ako sa kaartehan ni Mikey na akala mo naman ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Be my guest." sabi ko dito. Pasasalamatan ko pa nga siya dahil sa pagpepresinta niya.

"Ahem..." napatingin ulit kami sa pinto ng kusina dahil sa tawag atensyon na pag ubo ni Rowan.

"Ah pre paki balot nalang yung order ko, kailangan ko ng umalis agad. Pasensya na." napapakamot sa batok na saad nito.

Ginagawa niya lang iyon kapag nahihiya siya. "Marunong pa pala siyang mahiya" sabay irap ko dito.

"Sige pre paki hintay sandali ibabalot ko nalang." nagmamadaling binalot ni Gio ang order at sabay abot sakin.

Napatitig ako sa paperbag na inaabot ni Gio at nagtataka bakit sakin niya inaabot. Hindi ako gumagalaw sa pagkakasandal ko sa lababo habang inaabot padin sakin ni Gio ang paper bag.

Inagaw ito ni Mikey at siya na ang nag-abot sa nakatitig saking si Rowan. Bumuka ang bibig nito at sumara din naman agad na parang may gustong sabihin.

Yumuko naman ako at hinayaan na akayin siya ni Gio papalabas ng shop.

Jar of HeartsWhere stories live. Discover now