KABANATA 43

380 16 8
                                    

"A-Anak halika na," paanyaya ni Mommy animo natatakot din sa maaaring gawin ng isang Harold Añorivas. Tumango lamang ang ina sa senyora animo humihingi ng pasensiya sa inasal ni Daddy bago ako hinatak palayo sa mansyon.

"Amanda!" iritadong singhal ni Daddy habang nakadungaw sa bintana tila nagsasabing igiya ako papasok sa loob ng dalang sasakyan.

Hindi matigil ang luhang pumapatak sa mata sapagkat hindi ganito ang pinangarap para sa sarili. I want a grand wedding for myself with the man I love not this kind of forcible marriage which is absolutely miserable situation in the future. He's already engaged for god sake!

"Mommy, m-maniwala po kayo sa'kin walang nangyari sa'min ni L-Lyndon. He's already committed to someone please..."

"Shut your mouth Samantha! Ikakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo kung ayaw mong makitang bumulagta ang lalaking iyan sa daan!" singhal ni Daddy na ikinatahimik ko.

Eventhough, I am already at the right age Harold Añorivas is still my father and I have to respect his words. The old man has still an authority over me therefore, I shut my mouth and silently cried on my mother's shoulder.

What shall I do?
**
"WHAT?!" eksaheradong reaksiyon ni Andy matapos ilahad ang mga nangyari sa buong dalawang araw na hindi sumipot sa opisina.

Hindi mapigilang maiyak sa kinakaharap na suliranin, rason upang mas tumindi ang paghikbi.

"Wait, wait, gosh! I can't breathe huh!" he blurted out again.

Pinaypay ng kaibigan ang dalawang kamay sa mukha animo kakapusin nang hininga sa mga ibinalita kay Andy. Nakapameywang din ang beki at pabalik-parito ang naging pagkilos tila ang kaibigan pa ang mas namoblema sa mga natuklasan.

"A-Andy what am I gonna do? They will judge me for sure! Hindi ako gano'n kadesperada para lamang sapilitang ipakasal sa'kin si Lyndon. I'd already told him that I will set him free..." sumbong kay Andy.

Humalukipkip si Andy sa dibdib habang hindi mapakali ang paa sa kakagalaw.

"Shit! I don't know what to advice..." he just suddenly hugged me to atleast appease my mishaps.

"Shh. Stop crying Sammy."

"N-Natatakot ako..."

Pinunasan ni Andy ang aking mga mata saka kinuhanan ng tubig galing sa water dispenser. He even gave me some tissue over my desk to literally fixed my applied make-up.

"Nakakaloka naman kasi 'yang si Lyndon! Anong ganap niya at naisipang sumiksik sa kama ha? Apakalandi!"

Naputol ang aming pag-uusap nang mayroong kumatok mula sa nakapinid na pinto. Nagkatinginan kaming dalawa bago dinaluhan ni Andy kung sino ang nasa labas.

"Sir, may naghahanap po kay Ms. Samantha sa labas. Medyo naeeskandalo na po ang mga customer dahil galit na galit po." imporma nang isa sa mga empleyado.

"Ha?" tili ni Andy.

"A-Andy anong nangyayari?" usisa ko sa kaibigan dahil bahagyang naulinagan ang sinasabi nito.

"My god! What do we expect from a gold digger bitch!" napahawak ang kaibigan sa sentido ngunit hindi napigilan ni Andy ang aking paglabas mula sa pribadong opisina upang harapin ang babaeng tinutukoy ng empleyado.

Pilit akong pinipigilan ni Andy subalit hindi makahuma ang beki lalo't desididong harapin ang babae sapagkat wala akong kasalanan sa mga nangyayari. Habang-lakad ay tanaw na tanaw kaagad ang nangangalit na reaksiyon ni Myla habang pinipigilan ni Lyndon na sadyang nakatayo sa bandang likuran.

"Palabasin niyo 'yang amo niyong maharot! Hoy Samantha lumabas ka diyan!" sigaw nito habang pinipigilan nang ilang crew ngunit imbis matinag ay lalong nagwawala.

HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"Where stories live. Discover now