Chapter 29

438 17 0
                                    


"Don't trust everything you see, even salt looks like sugar"

______________

Ashley's POV

Biyernes na ngayon at 9 ang pasok namin. Maaga akong nagising dahil sa katok ni mommy.

"Mom, dad"-Tawag ko sa kanila ng makababa na ako.

"We're here, princess"-Naabutan ko silang naka-upo sa sofa. Ang aga-aga naglalambingan, dina na awa sa akin.

"You wake me up too early, mom. 9 pa naman ang pasok ko ngayon."
-Tumingin ako sa wall clock and it's fvcking 6:30 in the morning. Baka sa school na ako makatulog neto.

"Ano ka ba naman anak, aalis ulit kami mamaya kaya gusto ka naming makasama kahit ilang oras ngayon. Matatagalan ulit kami ng balik"-Bigla akong nalungkot sa sinabi ni mommy. Aalis na naman sila. Maiiwan ulit akong mag-isa dito sa bahay.

"Mom, Dad. Dalawang araw palang po kayo dito tapos iiwan niyo kaagad ako?"-I said sadly at lumapit sa kanila. Binigyan nila ako ng espasyo sa pagitnaan nila kaya umupo ako duon.
Yinakap agad ako ni mommy kaya napahilig ako sa dibdib niya.

"Babawi kami sa susunod, anak. Kailangan lang naming pumunta sa L.A. atsaka malapit na ang graduation niyo diba?"-Oo nga pala, dahil sa mga nangyayari diko na namalayang 1 month nalang maggra graduate na ako. Tumango ako sa kanya

"Kapag naka graduate kana pwede ka nang magstay duon sa L.A. at dun ka narin maghanap ng trabaho para magkakasama na tayo."-Gusto ko pero mas gusto ko dito sa pilipinas magtrabaho. Ayoko din namang iwan si Xander.

He's my life, my everything.

"And for sure you also want to be with us princess? After your graduation we will immediately fly to L.A."-Sabat naman ni daddy. I sit straightly.

"I want to. But mom"-bumaling ako kay mommy. "Dad"-baling ko din kay dad "Gusto ko ding manatili dito sa pilipinas. I will be the one to visit you there if i'm missing you."-I said and pouted while playing my fingers.

"We won't disagree with your decision princess, we are just saying this kase gusto ka din naming makasama."-Sumilay ang ngiti sa labi ko. I really love my parents. They are the best.

"Kung hindi kayo makakabisita dito, ako na ang pupunta sa L.A. para bisitahin kayo."-Malambing na tugon ko.

"Alright Princess, I'm sorry if I disturb your sleep. Mamimiss ka talaga namin."-Yinakap ako ng mas mahigpit ni mom, yumakap nadin si dad.

Perfect family.

"O we need to go na, we're going to be late. Don't forget to call us princess. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang."-Nauna akong tumayo bago sila.

Tumango ako kay mommy.

"I will mom. I will miss the both of you. Uwi kayo agad kapag tapos na ang work niyo."-Sabay silang tumango.

Kinuha ni dad ang kanilang maleta at naunang naglakad palabas. Sumunod kami ni mommy.

"Oh, bye na princess. We love you always. Mag-iingat ka palagi."

"Yes mom. Kayo din ni dad. Alagaan niyo sarili niyo."-Lumapit ako sa bintana ng sasakyan para halikan si dad sa pisngi, umikot din ako para kay mommy bago bumalik sa labas ng gate namin.

Kumaway si mommy ng umandar na ang kotse ni dad, kumaway na din ako hanggang sa mawala na ang sasakyang sa aking paningin.

I sighed before entering the house. Tumingin uli ako sa orasan. Saktong 7:30 na so kailangan ko nang maghanda ng pagkain.

Dementedly Inlove (completed- not edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon