Chapter 14

5.7K 93 0
                                    

Papasok na ang sinasakyan namin dito sa kung saan ang party. Ang ganda ng lugar. Nasa isang resort ang ganapan ng party. Di talaga maipagkakaila na mayaman talaga ang pamilya ng celebrant which is pinsan ni sir.

Tumigil ang sasakyan at lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni sir, "Don't go out yet."

Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Nagulat ako sa ginawa niya. Siguro dahil nasanay akong ako lang nagbubukas para sa sarili ko kapag hinahatid niya ako. "Salamat po sir."

Inilahad niya ang kamay niya habang papalabas ako at hindi ko naman alam kung tatanggapin ko ba o hindi pero sa huli ay tinanggap ko naman ito kahit medyo naiilang ako sa magkahawak naming kamay.

Hinawakan niya ang kamay ko at nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Naglalakad kami papunta sa kung saan ginaganap ang main event.

"Diana?" He called my name.

"Bakit po sir?"takang napatingin ako sa kanya.

"Please call me, Ethan. Tonight you are my girlfriend and not just a mere employee. Let's just enjoy tonight as lovers.." Sabi niya sa akin habang patuloy kami sa paglalakad.

Tumango ako sa kanya. Yung mga sinabi niya parang iba yung dating sa akin. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Nakapasok na kami at tulad ng inaasahan ay mga mayayaman at maimpluwensya ang mga bisita. Hindi ito ang unang beses na nakaattend ako ng party since daddy is also well-off at nakakapaghold din kami ng formal parties, but not as fancy as this. Well, noon iyon.

May biglang lumapit sa amin na magandang babae. Niyakap niya si sir.

"Ethan, buti at nakarating ka. I thought you won't be able to make it and just send me your gift like what you did last year. Nakakatampo ka tuloy." Lumabi siya. Bigla naman napukol ang atensyon niya sa akin at ngumiti. "Oh my gee! Are you... are you Ethan's girlfriend?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Ah eh, hmm." Nahihiyang tumango ako sa kanya.

"Kyaah! Ang saya saya ko naman. Akala ko bakla si Ethan kasi di siya nagpapakilala ng mga babae niya, now's the first." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at parang bata na tuwang tuwa. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. Nagulat ako nang sabihin niyang ako ang unang babaeng ipinakilala ni sir sa kanila. Akala ko marami ng babaeng nadala at napakilala si sir sa kanila dahil lahat ng babae magkakandarapa talaga sa kanya.

"Shut up, Danica. Huwag mo nga akong ipahiya sa girlfriend ko." Lumingon ako kay sir at umiwas siya ng tingin.

"Whatever." She rolled her eyes. "Basta mag-enjoy na lang kayo, lalong lalo ka na Diana. Welcome to the family." Giliw na wika niya sa akin.

"H-ha?" Medyo nahihiyang tanong ko. 'Welcome to the family?'

"What? You're Ethan's girlfriend kaya parte ka na ng pamilya namin. Diba?" Lumingon siya kay sir.

"She's right Diana. Parte ka na ng pamilya namin." Hindi ko mawari kung anong klase ng tingin iyon, pero yung sinabi niya parang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Anyways, aalis na ako at marami pang dumadating na mga bisita. Aasikasuhin ko muna sila." Umalis na si Danica. Nakalimitan ko man lang na bumati. Iba kasi ang napag-usapan.

"Let's get a table." Pagyaya ni sir sa akin.

Umupo na kami ni sir sa isang vacant na table. Pinaghila ako ni sir ng upuan. Dati naman ay ako lang. Siguro ay pakitang tao lang dahil sa ngayon, marami ng mga mata ang nakatingin sa akin. Medyo naiilang din ako sa mga titig nila.

Napansin ata ni sir ang pagkailang ko kaya pinagsabihan niya ako. "Don't mind them."

"Ah, okay po sir."

"I told you, wag mo akong tawaging sir. Call me Ethan." Titig na sabi niya sa akin.

"O-ok Ethan." Hindi ako komportableng tawagin siya sa pangalan niya.

Nagsimula na ang party at marami ng mga tao ang nasa paligid. Marami na rin ang mga taong nakatingin sa amin. Hindi ko naman alam kung bakit. May mali ba sa akin? O baka naman sa suot ko? Hinanap naman ng mga mata ko si Margaux dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nagpapanggap bilang girlfriend ni sir ngayon, pero mukhang wala ata siya.

Biglang may kumuha ng atensyon sa stage at nakita ko roon si Danica. Nagsimula na siyang magsalita...

"Goodevening ladies and gentlemen. I am really grateful to all of you. This really is a great birthday party for me, lalong lalo na dahil dinala at ipinakilala ni Ethan sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang girlfriend." At tinuro ang table namin.

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Bakit napasama kami sa speech niya? Yung spotlight naman ay lumipat sa amin. Mabilis na hinawakan ni sir ang kamay ko na nasa mesa. Hindi ako kumportable sa mga nangyayari. Pinisil ni sir ang aking kamay at ngumiti sa akin. Medyo napagaan naman niya ang pakiramdam ko kaya kimi akong ngumiti.

Marami pang sinabi si Danica sa stage pero di ko na naintindihan ang ilan sa mga sinabi niya dahil nakatuon lang ang pansin ko sa kamay naming magkahawak ni sir. Dapat ay kakabahan na ako ngayon at bumabalik ang masamang alaala, pero parang mas naging panatag ang loob ko.

Nagtoast para sa celebrant tapos nagsimula na ang kainan tapos sayawan naman.

"May I have this dance?" Tanong ni sir habang lahad lahad ang kanyang kamay sa akin.

"Uhh..." nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Ilang segundo rin siyang naghintay para sa sagot ko kaya tinaggap ko na lang ito.

He led me to the dancefloor at hinapit ako sa bewang. Medyo napaigtad ako sa ginawa niya.

"Just relax."

"Uhmm, hindi po kasi ako marunong sumayaw." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Just follow my lead." Nagsimula na siyang sumayaw habang ako ay nakayuko at sinusundan ang mga paa niya.

Bigla niyang hinawakan ang baba ko at itinaas ito upang magtama ang mga tingin namin. Nalulunod ako sa mga tingin niya.

"Just look at me and trust me."

Tumingin lang ako sa kanya habang nagsasayaw. Nadadala ako sa mga galaw niya at lalong lalo na sa mga titig niya. Natapos ang kanta at bumalik na kami sa aming mga upuan na magkahawak ang kamay.

Hindi niya binitawan ang kamay ko at pakiramdam ko ay unti unting nagiging kumportable ako.

"Ahmm E-Ethan, pupunta lang muna ako sa washroom." Sabi ko sa kanya habang di siguradong babanggitin ang pangalan niya.

"Okay." tipid niyang sagot sakin

Lumakad na ako papuntang washroom. Inayos ko lang ang sarili ko at lumabas na. Habang papalakad ako papunta sa table namin ni sir ay nakasalubong ko si Margaux...

"Hi, girlfriend ni Ethan." bati niya sa akin and looked at me from head to foot

"Uh, hi..." maganda naman talaga si Margaux. Kung tutuusin ay mas maganda pa siya sa akin dahil makikita mo ang kanyang pagiging fashionista.

"So, you're with Ethan?" Tanong niya sa akin

"Ah..." sasagot na sana ako nang may tumawag sa kanya

"Margaux! Andyan ka lang pala.." lumingon siya sa tumawag sa kanya at pati ako ay napalingon... nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si...

"A-anthony..."




AQUEOUS KATE

His Father Raped MeWhere stories live. Discover now