CHAPTER 2

0 0 0
                                    

CLYDE was with his friend. They are in crema bar where everything started. This place was full of memories when they are complete... Before... He knew how miserable his friend was now but even him. He feel sorry for what happened. Kung sana lang ay nakaresponde agad sila at hindi nautakan ng Killer na 'yun. Kung sana ay mas binilisan pa nila ang pagpaplano sana walang magbubuwis ng buhay. Pero nangyari na ang nangyari at kailangang tanggapin. Ang dapat gawin ay mahuli ang killer na 'yun pero mas maganda kung mapapatay nila para wala ng maghahasik ng lagim. He just laughed of what he thinks.

"Hey dude... Enough that."  clyde trying to stop his friend to be drunk. Naaawa na siya para dito dahil sa nangyari sa pamilya nito.

"Pwede, 'wag mo ko pakialaman." He ignore clyde and drink again.

"Please! Baka mapaaway ka na naman... Lasing ka na." Sabi ni clyde at kinuha ang bote ng iniinom ng kaibigan.

"What the?" Asik ng kaibigan nito.

"Please... Umuwi na tayo.." Nagmumukha ng bakla si clyde sa palagay niya sa pagmamakaawa  sa kaibigan.



"Kung gusto mong umuwi. Umuwi kana! Hindi kita kailangan dito. Gusto kong mapag-isa clyde. Just leave me alone." naiiritang sabi ng kaibigan niya.

Clyde has no choice but to go home. Siguro nga ay gusto lang nitong mapag-isa at kahit inaalala niya ito ay alam naman niyang kaya nito ang sarili. Sadyang naaawa lang siya dito. Kung may magagawa lang siya na maibsan ang sakit na nararamdaman nito. Pero wala. Tinapik niya ito sa balikat upang ipaalam dito na aalis na siya. Tango lang ang naging sagot nito...

Habang naglalakad siya palabas ng bar ay nag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha sa bulsa ng pantalon at sinagot ang tawag mula sa isa pa niyang kaibigan na si luca.

"May nakalap na kaming impormasyon" luca.

"Sige, pupunta na ako diyan." sagot niya at dali-daling lumabas ng bar dahilan para hindi niya mapansin ang babae na biglang sumulpot mula sa kung saan huli na para huminto siya kaya nabungo niya ito.

"Araay! ano ba hindi ka manlang tumungin sa dinadaanan mo!" naiirita nitong sabi.

"Pasensya na! mukhang hindi ka naman nasaktan eh. Paalam miss..." Umalis na agad siya kahit mukhang may gusto pang sabihin ang babaeng nakabungo niya pero narinig niya pa ang binulong nito napangiti nalang tuloy siya.

"Huh! hindi manlang nag-sorry."

+ + +

"WHAT the fuck are you saying?" Naiinis na tanong ni cecelia. They are in VIP room of crema bar.

"What the fuck I'm saying is you need to take this drug para malaman natin kung gaano kabisa ang Heaven in your side na 'to" pang-aasar ni love kay cecelia nagtataas baba pa ang mga kilay nito...

"Sino naman ang gumawa ng gamot na 'yan at ang panget ng pangalan?" Natatawang tanong ni Cloud.

"Si Gracious malamang. Siya lang naman ang mahilig mag-imbento eh." Sagot ni Lake.

"Tama." pagsang-ayon ni cloud.

"Let's talk about what happened last month cecelia." Sin said.

"Oh! come on sin... Di pa sapat ang one month break natin... Please lang naman ayaw ko pa mag work." Pagpapa-cute na sabat ni love. Na ikinairita ng lahat. Kahit kailan si love ang pinaka isip bata sa grupo at pasaway pa. Mas gustong nag rerelax kaysa sa magtrabaho.

"Ito na nga ang pinakamahabang pag-rerelax natin tapos napakareklamador mo...Satanas!" Naiiritang sabi ni lake na inirapan lang ni love.

"I heard babalik na si tanda." Sabi ni six.

CECELIA: THE NOTORIOUS KILLERWhere stories live. Discover now