Chapter 4

0 0 0
                                    

"Cecelia!"

Bungad na tawag ng isang lalaki na nakaupo sa mahabang sofa. Nakatingin sa kaniya si cecelia at lumapit dito. Ngumiti siya sa lalaki. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa lalaki na ito ay hindi parin ito sumusuko. Napapahanga na siya sa katatagan nito.

"Alam mo ba tito mark... Nakapatay ako ng tatlo kanina... Pinagsasaksak ko sila at ginilitan na parang manok tapos napakaganda sa paningin ang dugo nila na unti-unting umaagos sa malamig na kalsada... Ang saya diba?" masaya niyang kwento. Nakatitig lang sa kaniya ang lalaki na para bang naaawa ito. Kumunot ang noo ni cecelia sa nakikita niyang awa sa mga mata nito.

"What does it mean?" she ask.

"Nakakaawa ka cecelia." sagot nito.

"Anong sabi mo? sino kaya ang mas nakakaawa sa atin ang kalagayan ngayon?" tiim bagang niyang tanong.

"Ang pagpatay ng tao nalang ba ang nagpapasaya sayo? cecelia may oras pa para magbago ka hindi pa huli ang lahat... pakawalan mo na ako." sabi nito.

"Pakawalan? para ano? ipapapatay mo ulit ako?" sarkastiko niyang tanong.

"Cecelia may iba pang paraan para makuha mo ang hustisya na gusto mo. Susuko ako sa mga pulis at magpapabilanggo." paliwanag nito na ikinatawa ni niya.

"Hahahaha! nababaliw ka na ba tito? ngayon mo pa iyan naisip kung kailan 10 taon na ang nakalipas? at kung kailan unti-unti ko ng nakakamit ang hustisya na gusto ko." Umupo siya sa kaharap nitong sofa na mahaba din at idinipa doon ang mga kamay.

Pinagmasdan niya ang tiyuhin na nakaupo sa mahabang sofa na nakatali ang kamay at paa gamit ang mabibigat at malalaking bakal na mas lalong humihigpit kapag ito ay gumagalaw na pwedeng maging dahilan upang maputol ang kaniyang mga kamay at paa. Ang mukha nito na bakas ang pagod at mga pasa dahil sa mga nagdaang pagpapahirap niya dito. ang katawan nito na matipuno noon ay parang nalantang gulay dahil sa pagkakauntos nito. Puno rin ito ng pasa. Ang mga hita nito na nagmamaga. ang paa na patuloy na nagsusugat dahil sa hiwa ng kutsilyo.

"Ikaw ang baliw cecelia. Ako ang may kasalan ng lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay mo pero anong ginawa mo? isa-isa mong pinatay ang mga taong nakapaligid sa akin... Dapat pinatay mo nalang ako hindi nandamay ka pa ng iba." sigaw nito.

"Nagagalit ka ba tito?" biglang nanubig ang mga mata niya. Ito ang reaksyon niya lagi noon sa tuwing nagagalit na ang tiyuhin niya sa kaniya.

"Nasasaktan ka ba kasi pinatay ko sila? Alam mo na ba ngayon ang sakit at paghihirap na naranasan ko noon? Pakiramdam na walang mahingian ng tulong?" umiiyak niyang tanong.

Tumuwid siya ng upo at inabot ang remote ng tv. Binuhay niya ito at nagplay na ang napakagandang video. Napangiti siya sa nakikita at muling bumaling ng tingin sa tiyuhin. Ngunit purong kalungkutan lang ang nakikita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa tv.

"Tito, hindi ka dapat nalulungkot. Naalala mo pa ba noon buhay pa ang mga magulang ko? sinabi mo sa akin na lagi mo akong susuportahan sa kahit anong gagawin ko. Ito na iyun tito, Masaya ako na nagawa ko 'yan sa pamilya mo..." nakangiti niyang sabi rito. Dahil ang video ay ang brutal niyang pagpatay sa pamilya ng tiyuhin niya. Bumaling ito sa kaniya at tinitigan siya. Puno ng galit ang mga mata niya.

"Wala ka ng pag-asang babae ka. Baliw kana! Sa oras na makatakas ako dito... Ako mismo ang papatay sayo!" pagbabanta nito.

"HAHAHAHHAHAHAHAHA!!" napuno ang kwarto ng napakalakas at nakakabaliw na tawa niya.

"Mas gugustuhin mo naman siguro na maparusahan ngayon kaysa sa parusahan ko ang pinakamamahal mong bunso... Tandaan mo nag-iisa nalang siyang pamilya mo dahil alam ko naman na kinasusuklaman mo na ako." Dugtong pa niya na ikinalaki ng mata nito sa takot na may gawin siyang masama sa anak nito.

"HAYOOOP KA! 'WAG MONG HAHAWAKAN ANG ANAK KO... PAPATAYIN TALAGA KITA!" Sigaw nito at pinipilit na kumawala sa pagkakatali dahil sa ginawa niyang paggalaw ay biglang humigpit ang mga bakal sa kamay at paa niya.

"Aaaaaah! Aaaaaah!" sigaw nito dahil sa sakit at tumulo na ang dugo sa sofa at sahig. Nakatingin lang siya. Pinapanood ang mukha nitong nakatingin sa kaniya na puno ng sakit. Nagbago ang emosyon niya at napalitan ng pagkaawa sa tiyuhin agad siyang lumapit dito at hinawakan ito sa mga kamay.

"Sinabi ko na sayo tito na 'wag kang gagalaw. Gusto mo bang maputol ang mga kamay at paa mo? Sino ba kasi ang nagtali nito?" mahinahon niyang sabi.

"Baliw ka talaga! Ikaw ang may kagagawan nito!" galit na sambit nito.

"Ako?" naguguluhan niyang itinuro ang sarili saka dahan dahang napangiti.

"Hahahaha! oo nga pala..." Tumayo na ulit siya at lumapit sa isa sa mga cabinet doon at binuksan ito. nakakita siya doon ng isang pliers. Sinubukan niya ito kung gumagana pa. Kinakalawang na ito pero magagamit pa. Nakangiti siya habang naglalakad pabalik sa tiyuhin niya. Umupo siya ng naka-indian seat sa sahig sa harapan nito.

"Tito masyado na atang mahaba ang mga kuko mo sa paa... Bawasan natin ng kaunti..." nakangiti niyang sabi at pinagmasdan ang mga kuko nito sa paa na kulay dugo na rin dahil sa dugo na umaagos dito mula sa mga sugat sa katawan niya. hinawakan niya ito isa-isa. Napapangiti siya sa naiisip niya. Tumingala siya sa tiyuhin para makita ang reaksyon nito sa gagawin niya at iisa lang ang nakikita niya.

Takot. Takot na muling maramdaman ang sakit na gagawin niya sa dito.

"Don't move tito. Hindi ito masakit."

Yumuko na siya at nagfocus sa mga kuko ng tiyuhin. Inilagay na niya sa kuko nito ang pliers na parang nail cutter lang na puputulin ang kuko pero iba ang ginawa niya. Dahan dahan niyang hinihila ang kuko nito para mabunot. Naglalabas na ito ng dugo.

"Napakagandang tingnan." bulong niya.

"Aaaaaaaaaaaah!"

"cecelia tama na!"

"aaaah!"

"please!"

"Stop!"

"aaaaaah!"

"aaah! parang awa mo na"

Napakagandang musika sa pandinig niya ang sigaw ng tiyuhin. Bawat kuko na natatanggal niya sa bawat daliri ng tiyuhin niya ay inilalagay niya sa ibabaw ng lamesang malapit sa kaniya. Nang mabunot na niya lahat ay pinagmasdan niya ang walang awat na pagbulwak ng dugo mula sa mga daliri nito. Nagkalat na din sa kamay at binti niya ang dugo na mula sa paa ng tiyuhin. Tumayo na siya at tinignan ang tiyuhin. Hindi niya namalayan na tulog na pala ito dahil sa sakit at pagod. Masyado siyang naging abala sa pagbawas sa kuko nito pero masasabi ba itong pagbawas kung nabunot niya pala ang mga kuko nito.

"Masyado na kasing mahaba tito kaya binunot ko nalang kasi kung babawasan ko ay tutubo din agad 'yan... Atleast diba hindi kaagad 'yan tutubo. Hay, makaalis na nga lang." Ipinunas niya ang mga kamay niya sa kaniyang damit. Ang white longsleeve niya ay nagkulay dugo na. Lumabas na siya sa kwarto na iyon ay agad bumungad sa kaniya ang tauhan niya.

"What's that?" nakataas kilay na tanong nito.

"Blood." plain niyang sagot.

"You do it again." sabi nito.

"Yes! and i'm doing it again and again... No one can stop me. No one." she tell.

"I know. Okay, i get it." sagot nito at pumasok sa kwartong nilabasan niya. Umiling lang siya at naglakad pababa sa hagdan at nagtungo sa napakalawak na sala. Nasa gitna ng sala ang nakakaagaw ng atensyon ng isang grand piano. Lumapit siya doon at umupo para tumugtog ng napakagandang musika. Ipinikit niya ang mga mata at sinimulang na ang pagtugtog. Moonlight sonata composed by Beethoven. That was suit to her life that's why she likes to play this. She feel loneliness. No one is there for her. No one understands her. No one believes her. No one trust her. No one loves her. No one.

"I really love this to play." and memories bring her back to her past.


Darkus_Gracious

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CECELIA: THE NOTORIOUS KILLERWhere stories live. Discover now