Chapter 21

22 0 0
                                    

“Iha ano nga pa lang kailangan mo?” tanong sa akin ni Mr. Ricardo Corpuz ng makabalik siya sa kaniyang kinauupuan matapos niya akong ginawaran ng yakap.

“Inihatid ko lang po itong folder na para raw po sa inyo.” nakangiti kong sagot.

“Yan na raw ho yung papeles na hinihingi mo kay Mr. Krux.” dagdag kong ani.

“Ah sige salamat sa paghatid nasaan ba ang batang yun at bakit ikaw ang naghatid?” balik tanong nito sa akin.

“Nasa faculty room po may ginagawa rin po yata. Mauuna na po pala ako sa inyo sir, may klase pa po kasi ako. Magandang araw po sa inyo.” magalang kong saad bago napagpasyahang umalis.

“Reign wait!” rinig kong saad nito ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng kaniyang office.

“Sorry po sir pero hindi po Reign ang pangalan ko, Angel po.” sabi ko ng humarap ako sa direksiyon niya.

“Yeah, sorry I just miss my daughter so much and you look like her so I really thought you’re my daughter.” natatawa nitong saad habang napapakamot sa kaniyang batok.

Kanina pa ito kung makatitig sa akin puno ng pangungulila. Nasaan na ba kasi itong si Reign! Hindi man lang naawa sa kaniyang ama at talagang iniwan ito.

“By the way can I talk to you later if you’re free?” alanganin nitong sambit.

“Please.” dagdag pa nito.

Nahiya naman ako sa inakto ng lalaki.

“Of course sir no need to say please. Sino ba naman ako para humindi sa request ng isang may ari ng school na ito." saad ko.

"Pupuntahan nalang ho kita rito mamaya sir. Mauuna na po talaga ako sa inyo. Sorry po talaga malapit na ho kasi yung klase ko. Hindi po ako pwedeng lumiban kasi late po ako kanina.” napapakamot sa ilong kong sabi.

“Oh sige mag ingat ka see you later." nakangiting sambit nito. Ngumite rin ako pabalik.

“Kayo rin po sir.” huling saad ko bago lumabas ng office.

Habang naglalakad ay naweweirduhan ako ng sobra kay Mr. Corpuz. Sino ba namang hindi kung tatawagin ka bigla sa ibang pangalan at yayakapin ka ng hindi ka pa ready hindi ba?

Pero nakakalungkot, ano kayang nangyari kay Reign at bakit wala siya sa tabi ng kaniyang ama? Ramdam na ramdam ko sa higpit ng kaniyang yakap ang isang matinding pangungulila niya sa kaniyang anak. Ang mas nakakaweird para sa akin ay nong kayakap ko siya ay parang ang sarap sa pakiramdam.

Parang pakiramdam ko alam ko ang yakap na iyon, na minsan na rin akong niyakap ng mga brasong iyon. Susmeyo marimar hindi naman siguro ako si Reign ano?!

Hindi naman yata ako ampon lang? Hindi naman siguro nagsinungaling sina Mommy and Daddy sa totoong mga magulang ko hindi ba? Gosh susmaryosep na yan!

Napapailing akong naglalakad papasok sa pangalawang klase ko dahil sa pumapasok sa isip ko. Pagkapasok ko ay wala pa ang instructor ko kaya kinalikot ko muna ang aking cellphone ng may bigla akong natanggap na text sa isang unknown number na minsan ng nagtext sa akin sa katauhan ni Axxel.

“Where are you? I've been waiting here for so long. Why aren't you coming back?"

#🥺

Nagsalubong naman agad ang dalawa kong kilay.

"Anong pinagsasabi mo diyan, Axxel. Wrong sent?" reply ko rito.

Maya maya pa ay nagreply naman ulit ito sa akin.

Purest-Tainted HeartWhere stories live. Discover now