Prologue

1 0 0
                                    

"Life is the greatest gift that we received from our Creator."

                        PROLOGUE

"Doc, how's my son?" Tanong sa akin pag-labas ko sa operating room. I saved his life. We saved  his life. That's my job, to save the life of people.

"Ginawa po namin ang lahat ng aming makakaya." Paninimula ko ngunit biglang umiyak ang ina ng pasyente. "Ililipat na po siya sa room niya. Your son is a fighter, Ma'am." Sabi ko at dun na siya tumigil sa pag-iyak.

"Akala ko wala na ang anak ko. Salamat, Doc. Maraming salamat." Sabi niya at niyakap ako.

"It's our job, Ma'am." Sabi ko at nag-paalam na ako. Nag-mamadali akong pumunta sa locker ko upang mag-bihis. I'm so excited. Uuwi na ako. After long tiring day. Finally makakapag pahinga na rin. I was about to change nang biglang nag-ring ang phone ko.

"Krishianna, patay na siya." Bungad sa akin. Nanghina ako sa aking narinig? Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Pinagdarasal na sana panaginip lamang at hindi iyon totoo.

"That's not a good joke, Anton. Nag-promise siya sa akin. Hihintayin niya ako. Sabi ko aalis lang ako dahil may emergency sa hospital e. Sabi ko hintayin niya ako. Sabi niya mag-hihintay siya." Sabi ko habang nag-uunahan ang aking luha sa pag-buhos.

"Krish, wala na siya." Sabi niya.

Paulit-ulit kong naaalala. Wala na siya. Hindi ko manlang siya nasagip. Habang sinasagip ko ang buhay ng iba ay binawian na siya. Habang sinasagip ko ang buhay ng iba ay hindi ko man lang nagawang masagip ang buhay niya. Habang sinasagip ko ang buhay ng taong hindi ko kaano-ano ay hindi ko nasagip ang buhay ng mahal ko.

Doctor ako. Pero hindi ko nasagip ang buhay niya. Hindi ko nasagip ang buhay ng taong minahal at tinanggap ako ng buong-buo. Ang taong sumuporta sa akin sa lahat lahat ay wala na. While I'm busy saving someone's life.

End GameWhere stories live. Discover now