Chapter 1

2 0 0
                                    

                         CHAPTER 1

Nag-mumuni muni't nakatulala. Nag-tatanong kung bakit nang-yari ito sa akin. Karapat-dapat ba sa akin ang masaktan? Wala akong makapitan. Dahil lahat ng taong nasa aking paligid ay alam kong nasasaktan din. Ayaw kong dumagdag pa sa sakit at problema na dinaramdam nila.

"I'm sorry for your loss." Loss. Sa pag-kawala niya ay pati ang sarili ko ay parang nawala na din. Paano ako makakabangon ulit? Ang taong nag-silbing sandalan ko sa lahat ng laban ko ay wala na.

"Krishianna, kumain ka na. Hindi ka pa kumakain." No. Hindi ako aalis sa tabi niya. Hindi ko siya iiwan ulit. Hinawakan ni Mama ang aking kamay ngunit wala parin akong maramdaman. May taong nag-aalala ngunit wala parin akong maramdaman. "Anak, please kumain ka na. Maawa ka naman sa sarili mo. Hindi ka na nga natutulog, hindi ka pa kumakain." Maawa. Paano ko kaaawaan ang sarili ko? Ako ang dahilan kung bakit siya nawala. Ako ang dahilan kung bakit wala na siya ngayon. Ako ang dahilan!

Dumampi ang mga kamay ni Mama sa aking mukha. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Tinignan ko ang mga taong nasa paligid pati sila'y umiiyak din. Tinignan ko ang aking Ina at siya'y umiiyak din habang nakatingin sa akin. Tinignan ko ulit ang mga tao at nakita ko ang mga pinsan ko ang iba'y pinipigilan umiiyak at ang iba ay pinunasan na ang kanilang mga luha.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Anak. Wala kang kasalanan. Anak, maaawa ka sa sarili mo. Huwag ka naman ganito. Wala na siya, anak. Wala na tayong magagawa dun." Sabi ni Mama habang umiiyak.

"Buhay pa sana siya. Buhay pa sana siya kung umuwi ako. Buhay pa sana siya kung pinili kong umuwi at ibigay nalang sa ibang Doctor yung pasyente. May magagawa pa sana ako. Buhay pa sana siya, Ma. Buhay pa sana siya." Hagulgol ko habang nakayakap na sa kabaong niya. Nararamdaman ko na may tao na sa aking likod may nakahawak na sa akin braso upang aluin. May nakikipagsabayan sa aking pag-iyak.

"Krishianna, tama na. Stop blaming yourself. Wala kang kasalanan." Sabi ng aking pinsan at hinarap ko siya.

"How could I stop blaming myself? Tell me how?! Doctor ako, Serenity. Doctor ako ngunit hindi ko man lang naisalba ang buhay niya! Habang isinasalba ko ang buhay ng iba ay hindi ko naisalba ang buhay niya!" How? Tell me how? Paanong hindi ko sisisihin ang sarili ko? Madami na akong buhay na naisalba ngunit hindi ko manlang siya naisalba.

"Tama na, Krish. Walang dapat sisihin dito, Krish. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Walang dapat sisihin? Paanong walang dapat sisihin? Patay siya. Wala na siya! Bakit walang sisisihin sa pag-kawala niya? Ako. Ako ang dapat sisihin.

"Krishianna, hindi lang ikaw dito ang nasasaktan sa pag-kawala niya pero pinipilit naming maging matatag. Sana'y ganun ka din." Sabi ni Ace at niyakap ako. Paano ako magiging matatag? Ang nag-silbing lakas ko ay wala na. Paano ako mag-kakaroon ng lakas upang makabangon ulit kung ang taong nag-silbing lakas ko ay wala na? Iniwan na ako. Patuloy pa rin ang iyakan namin sa harap niya hanggang sa biglang umiikot ang paningin ko at ang huling narinig ko lamang ay ang boses ng mga taong natataranta.

End GameWhere stories live. Discover now