ろく

123 11 85
                                    

"Hindi sa nangingialam ako, pero anong nangyari sa inyo nong Yumi?" Tanong ko sa kanya. Hindi lang talaga ako mapakali, hindi matahimik ang kuryusidad ko. Nandito kami ngayon sa mini court sa loob ng bahay nila. Ngayon ko lang din kasi napansin 'to. Mahilig nga talaga siya sa basketball, kaya pala may pagka-mambobola.

Tinignan niya lang ako, saka ngumiti at nag-dribble. Nanonood lang ako sa kanya, hinihintay ang sagot niya. Sa pagkakaalam ko kaya number 10 ang jersey niya kasi he was born on June 10. Ang sarap niyang panoorin, pero wala naman akong gusto sa kanya, eh. Pinupuri ko lang naman ang mukha niya.

Pagkatapos niyang makashoot, lumapit siya sa akin saka umaktong nag-iisip. Nag-iisip kung sasabihin niya ba sa akin o hindi. Duh, mapagkakatiwalaan naman ako. Hindi naman ako mukhang kriminal eh, ang ganda ko nga.


"Hindi niya ako mahal. Naging kami lang kasi alam niyang sikat ako sa school. 'Yon lang. Okay na?"


Tugon niya saka uminom mula sa tumbler niya. Mariin ko lang siyang tinignan, saka pinangsingkitan ng mata.

Posible naman talaga na ginamit lang siya ni Yumi, pero sinayang niya lang talaga si Ivan. Okay naman siguro siya sa isang relasyon, siguro nga magseseryoso na siya.

"Minahal mo ba?" Takang tanong ko. Imposible naman kasi na hindi niya 'yon minahal. Sabi nga niya 'di ba, hindi siya ang nagloko and the way na makikita sa mukha niya ang sakit, alam kong nasaktan siya dahil don.

Hindi naman sa naranasan ko ng magmahal, pero ang tunay pag-ibig kasi walang rason. Mararamdaman mo na lang siya out of nowhere. 'Yong tipong walang preno sa pagtibok ang puso mo, at parang manghihina ka sa tuwing nandiyan siya.

Tinignan niya ako bago siya naglakad palayo. Halatang affected ang halimaw. Hinabol ko naman siya agad. Gusto ko ding malaman 'yon, 'no. Sinabi ko nga na curious ako.

"Sagutin mo nga ang tanong ko, halimaw." I said saka humakbang ng mabilis para mapantayan ang hakbang niya. Ang haba naman kasi ng mga biyas ng lalaking 'to. Saka ko lang din napasin na nandito na pala kami sa pool nila. Oo, may pool sila at ilang beses na akong naligo dito.

Naningkit ang mga mata niya, at bahagyang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? May sayad nga talaga 'tong lalaking 'to.

"Halimaw talaga?" Natawa siya don, kaya napangiti na rin ako. 'Yon na ang tawag ko sa kanya. Ang creative, 'di ba. "Oo, minahal ko nga siya, pero noon lang 'yon. Ayoko sa taong ganon. Happy ka na?"

Tumango lang ako saka hinintay na magsalita siyang muli. Wala na akong maisip na topic at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako affected sa mga sinasabi ni Ivan eh. Masaya nga ako para sa kanya kasi nakalaya na siya sa babaeng 'yon. Ang peke nung babaeng 'yon, sobra. Ang taray pa, eh manggagamit naman.



"Ikaw ba Shaira, may minahal ka na?"



Sa wakas hindi na din kami tahimik. Tumingin ako sa kanya, bago umiling. Kailangan kaya ako maiinlove, 'yong alam kong magiging masaya ako sa piling ng taong 'yon. 'Yong alam kong kapag kasama ko siya hindi ako mapapahamak at masasaktan.

Alam ko naman na hindi puro saya ang buhay, alam kong masasaktan ako sa kung anong bagay, pero mas mabuti naman na maghangad ng mabuti kaysa sa masamang pangyayari. Hindi natin malalaman kung ano ang nilalaman ng kinabukasan kaya kailangan muna nating pagtuonan ng pansin sa kung ano man ang meron tayo ngayon.


"Hinahanap ko pa kasi si Mr Right." Tanging sambit ko, saka tumingin sa kawalan.

"Paano naman kung nasa harapan mo na siya?" Nagulat ako sa sinabi niya pero tumawa lang ako. Akala siguro niya papaniwalaan ko siya. Knowing Ivan, alam kong binibiro niya lang ako.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon