Ang storyang ito ay walang 'PAGLALARAWAN' (or description kung hindi mo na talaga malaman kung ano ang meaning ng paglalarawan o sadyang bobo ka lang!) dahil sa angkop na kagandahan, napakarilag at makamandag na karisma ng ating bida. Magsisimula ang storya sa napaka-klisey na sitwasyon. Mala-'Wild Flower' na sinamahan ng 'Ika-anim na Utos' na binudburan ng 'Marimar' ang bawat detalye at mabusising inalam ang bawat linya ng karakter sa storya. Kung iniisip mo na magsisimula agad ito sa mala-'Legal Wife' na sampalan ang storya, nagkakamali ka dahil dapat maghihirap muna ang bida ( 'yun kasi ang palagi kong nakikita sa mga pilikula). Kung iniisip mo na hindi ko pa nalalagay ang pangalan ng bawat karakter... "BITCH PLEASE!"
8 parts