Bitch Please 4

17 5 0
                                    

KABANATA KUWATRO


Mirasol's POV

Painda-indayog akong rumampa sa sentro ng Silangang Asya patungong NAIA. Taas-noong tinahak ko ang loob ng NAIA ng masigurado ko na wala ng tao.

"Madam, nakahanda na po yung jet plane niyo!" Nakangiting pagsalubong niya sa akin.

Tila ba'y kina-irita ko ang pagbungisngis niya ng harap-harapan sa akin. Tiningnan ko siya ng matatalim kong mga mata.

"Sinong nagbigay ng payo sa'yo na ngumiti ka?"

Biglaang nawala ang bakas ng pagiging masayahin niya at namutawi ang gulat at pangongonsensiya niya sa sarili.

"E-eh sorry po ma'am."  Nakakabobo kausapin ang mga ganitong tipo ng tao. Mawalang-galang na pero tinabig ko siya palayo sa'kin na siya namang kina-dapa niya. Maluha-luha siyang bumangon at pinag-pag ang palda niya.

"Sa susunod na haharang-harang ka pa, hindi ako mag-aatubiling ipatanggal ka sa pwesto. Ngayon na ako na ang bagong may-ari nitong NAIA eh dapat ako na ang masusunod. GETS MO?"

"O-opo" At biglaang tumakbo papalayo.

MY GOD. 'Yan ang nakukuha ng mga feeler. Akala mo naman, makapag-asta flight stewardess. DIYOS KO, kung hindi ko pa sinasabi sa inyo eh siya ang janitress namin dito. Nakaka-gaga lang at nakuha niya pang bumati sa akin.

Biglaan akong pumunta sa nakabantay sa aking flight stewardess ng ma-irita ako dahil hindi pa dummadating ang piloto.

"Nasaan na ang piloto?!" Naiirita talaga akoa kapag pinag-hihintay ako ng mga maralitang pilipino!

"Paparating na po siya Ma'am." nahihiyang sabi ng stewardess. Nahihiya siya? DAPAT LANG!

"Ihanda mo ang Celebe Sea, make sure na walang katao-tao d'un. Doon ako mag-s-swimming, NAITITINDIHAN MO?"

"O-opo!" Wala sa oras niyang pagbati.

Ilang segundo na ay dumating na ang piloto. W-wait, ganyan ang itsura ng piloto namin?!

"Pinagloloko niyo ba ako?! Bakit kabayo ang piloto ko?!"

"Eh kabayo naman po yung piloto niyo."

"Hindi kabayo ang piloto ko!"

"Kabayo po siya Ma'am!"

"HINDI!!"

"KABAYO PO SIYA MA'AM!"

"HINDI SIYA KABAYO!!"

"HINDI! HINDI! HIN-"

"GUMISING KA MIRASOL, BINABANGUNGOT KA!" Wala sa timing akong napabalikwas at sa sobrang taranta ko, nasunog ang buhok kong pinapainit pa.

"MAX, NASUSUNOG ANG BUHOK KO!!"

Nagkagulo ang nasa loob ng parlor. May nagkabungguan, nag-iiyakan, nagtatakbuhan, nagsisigawan. AY, OA LANG?

Ngali-ngaling inabot ng hair stylist ang mini fauntain nila at pinaligo sa'kin. Nagpalakpakan naman ang mga katauhang naroroon dahil nasalba daw ang parlor. So mas importante pa pala ang parlor kesa sa buhay ko ganon? Ang babait niyo po!

At kung ano mang nangyari sa'kin ngayon, lahat FAILED! Ambisyosa kasi ako masyado kaya 'yan tuloy, imbis na gumanda e lalo pang pumangit

Sa bahay ni Tiya Ursula...

"Anong nangyari sa'yo? SAAN KA GALING?!" Sasagot na sana ako ng biglang makisampid sa usapan si Maribella sa usapan.

"Hay naku mommy, tinanong mo pa. Siyempre lumandi naman 'yang gagang 'yan!"

Excuse me lang po ha PERO HINDI AKO LUMANDI! Nakaka-irita lang. Naiinis talaga ako pagmali-mali ang mga hinalang sinasabi nila sa'kin.

"Tingnan mo mommy 'yang buhok niya, sa sobrang paglalandi niya sigura 'yan nakuha. Pakarat kasi." Atungal naman ni Maribelli. At bigla naman silang humalakhak ng maala-demonyo. Wala talagang patutunguhan tong usapan na 'to kung makikisali pa ako. Palagi naman akong talo pagdating sa kanila. Nakaka-irita lang minsan pero immune na ako. Dahil wala naman talaga itong patutunguhan ay pumasok nalang ako. Papasok na sana ako ng biglang hablutin ni Madam Ursula ang buhok ko. AWW, ANG SAKIT NU'N HA.

"Diba palagi ko sa'yong sinasabi na 'wag mo kaming talikuran ng mga anak ko? Maganda lang ang gumagaw n'on  tandaan mo!" Sabay sampal ni Madam Ursula. Sabay namang tumawa ang mag-ina. At dahil immune na ako, natatamad na akong maluha sa panahong hinuhusgahan ako.

"Teka lang ha, ano yang dala-dala mong paper bag?" Sabay hablot  niya sa akin. NO, AKIN 'YAN MARIBELLI! Hindi pwedeng maagaw niya sa akin.

"VERSACE?! Akin na 'to! Hindi 'to pwede sa pangit na katulad mo!" ani Maribelli na sabik an sabik ng maisuot 'to. HINDI MAARING MAKUHA NILA 'YAN!

"'Diba marami  na'rin kayong damit? Siguro pwede niyo na'rin akong bigyan ng pagkakataon para masuot 'to." At ngali-ngali sanang tumakbo ng marinig kong magsalita si Madam Ursula.

"Diyos ko naman Mirasol, wala kang utang na loob! Pagbigyan mo naman ang pinsan mo! Kesa ilalandi mo lang naman 'yang damit na 'yan, ibigay mo nalang sa pinsan mo!" Naiinis mang sabihin pero binigay ko kina Maribella ang mga paper bag na naglalaman ng mamahaling damit. Ayoko mang ibigay pero pagdating kay Madam Ursula, kung ano man ang inuutos niya auy dapat kong sundin.

'Di malagasan ng saya ang kambal 'nung mai-abot na sa kanila ang mga pinambili naming damit ni Maxima na dapat ay para SA AKIN. Pinangako ko pa naman sa baklang 'yun na 'wag na 'wag kong ipamimigay 'tong mga damit sa kanila. Nawala ang pagkatulala ko ng bigla akong patikin ni Maribelli.

"Sa susunod kasi Mirasol, 'wag kang ambisyosa! Once na bibili ka nito, dapat maganda ka na! K?!"

"OK PO!" Sarkastiko kong pananalita. Kung hindi lang nila alam, kasuka-suka ang pagmumukha nilang dalawa. Bwisit lang!

Mangiyak-ngiyak akong pumunta sa kuwarto ko. Naiinis na talaga ako. NAIINIS NA TALAGA AKO!

Pinagsisipa ko ang pintuan ko hanggang sa madurog yung kuko ko.

"ARAY!" Ang tanga-tanga ko lang kung bakit ko ginawa 'yun. Basta nakakainis! Akin dapat yung damit na yun eh. AKIN YUN! At sa sobrang pagdadabog ko ay nakatulog ako.

Kinaumagahan...

"DING-DONG!" Biglaan akong napabalikwas ng marinig ko ang tunog ng aming door bell. Kumaripas ako ng takbo ng sa ganon ay mapagbuksan ko ang bwisit na bisita ng tiyahin ko.

Ng mapagbuksan ko ay tumambad sa akin ang naka-barong at halos mapunit na ito dahil sa katabaan niya. Mukha siyang nilitson dahil sa kulay ng kanyang  balat.

"Narito ba si Mirasol Sacramento?"At bakit niya naman ako pinapatawag? May atraso ba ako sa kanya?!

"P-po?"

"Ang sabi ko eh kung nandito ba si Mirasol Sacramento!"

"Ah... eh... ako po si Mirasol Sacramento!" Shunga-shunga niya lang, Sino ba 'tong baboy na 'to?

"Ikaw pala si Mirasol Sacramento! May sasabihin ako sa iyo ineng!" Ano namang sasabihin ng baboy na 'to?

"Ikaw ang tagapagma-"

" HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!" Ano namang sinisigaw-sigaw ng tiyahin ko?Nang lumingon ako'y andiyan na pala siya sa likod ko.

"HUWAG MO SIYANG PAKINGGAN MIRASOL!  NILOLOKO KA LANG NIYA!" Sabay takip sa tenga ko. Magatapos n'on ay sinirado niya ang pintuan at maigi itong nilock.

ANYARE? May isa pa pala akong dapat sabihin, line ko 'to everyday eh...

BITCH PLEASE?

Bitch Please!Where stories live. Discover now