Bitch Please 5

21 4 5
                                    

KABANATA SINGKO


Mirasol's POV


"HINDI! HINDI NIYA MAARING MALAMAN! HINDI PWEDE!"

Ano namang ini-emote-emote ng gagang Ursulang 'to? My God! So uneducated! Tama na sa kasisigaw Madam! Masisira ang caps lock ni author.

At talagang hindi pa nagpatinag ang gagang Ursula, pinaghahampas niya ang bawat mahawakan niya. Ang vase, flower pot, frame, piano, ref, ding-ding, sofa, DIYOS KO! Tapos sinong palilinisin niya?! AKO?! Sinusuwerte yata siya.

"Ah Madam...tama na po. Wala na siya." Pagtatahan ko sa kanya.Baka sakaling mabasbasn ang kaluluwa niya ng ilang araw ng sinasapian ng ebanghelyo ng kademonyohan!

"Wala na pala siya? Sayang naman 'yung pag-arte ko! Hay naku, kung sakaling makita niya 'yun. Baka mahire niya ako kahit dancer man lang sa  Wowowin, 'yung mga babaeng sumasayaw, 'diba bagay naman ako 'dun?" At bigla-biglang sumayaw na parang burikat sa kanto. Hindi pa nagpatinag ay nagpost pa sa kanyang facebook kung bagay ba daw siyang maging dancer ng Wowowin. Kung ako naman ang papipiliin, mas bagay siyang maging janitress.

"MY GOD! DALAWA NA 'YUNG NAGLIKE NG PINOST KO IN JUST ONE SECOND!" Naloka naman ako sa ekspresyon niya!

"Dalawa nga po talaga yung naglike, ako tsaka ikaw!" At walang ano-ano'y dinakmal niya ang aking walang kamalay-malay na bibig sabay sampal dito.

"Wala ka talagang sense kausaping bata ka!Tutal, wala ka namang kwentang kausapin, linisin mo nalang ang mga pinagkalatan ko. Kasalanan mo yan dahil pinnauwi mo yung baboy na 'yun, edi sana naloka siya sa pag-arte ko at inihire niya ko sa Wowowin! Gusto ko pa namang maging asaw si Willie, baka natigang na 'yon. Baka gusto na niyang madiligan ang naghihingalo niyang lupain!" PWE! EWW LANG! Kung ano-ano na ang naririnig o dito sa tiyhahin ko. Parang masusuka ako sa mga pinagsasabi niya. Asawahin niya si Willie? Napaka-ambisyosa niya!


Dahil sa andito parin ako sa pamamahay ng mag-ina, dating ritwal parin ang ginagawa ko. Linis dito linis duon, kuskos dito kuskos duon, pakain dito pakain duon, hanggang sa mamatay nalang ako ng tuluyan.

"Nagkasakit ang bebe kambal ko Mirasol. Bumili ka sa SM ng gamot!-"

'Mommy!!" tilaok naman ng kambal

"Mga bebe ko, sandali lang dahil magpapa-California tayo maya-maya. Ipapagamot natin yang ubo niyo. AT IKAW MIRASOL, ikaw ba ang nagpahawa ng sakit sa mga anak ko?!" Mariin akong tumanggi sa paratang niya. MY GOD, healthy living creature po ako . Baka ikaw po yung nakahawa, tutal,  sea creature ka 'din naman.

"Dalian mo! Mag-o-one week stay kami sa California, sisiguraduhin mong malinis ang mansion, NAIITINDIHAN MO?!"

"O-opo"

"Oh...(sabay bigay ng pera sakin) bumili ka na ng gamot, DALI!"

At walang ano-ano'y nilipad mula bahay patungong SM.Dumiretso agad ako sa Mercury ng makabili ng gamot para sa sakit ng gaga. Dahil wala namang sinabing brand ang gaga, binili ko nalang lahat para sulit. Mula Tempra hanggang Clusivol ay binili ko ng sa ganoon ay maraming mapagpipilian ang mag-ina. Mapagilatan pa ako kung biogesic lang ang binili ko. At tsaka, ako lang naman mamaya ang mag-isa sa bahay,so itutulog ko nalang ng maka-beauty rest ako ng bonggang-bongga. Paharap na sana ako ng sa hindi ko malamang pagkakataon ay may nakabangga ako. Nagsalpukan ang aming ulo na halos magkanda-basg-basag ang aming ngipin dahil sa impact. Nauna ang puwet na napadapa sa semento hanggang sa biglaan itong namula sa sakit. Nagkanda-basag-basag ang sana'y gamot ng kambal. HINDI PWEDE 'YUN! Ng 'di sa hinagip ay nauntog ang kapwa ulo namin at nawalan ng malay, nawalan ngpag-asang mamuhay ng malayo, charot. Nawalan lang po ng malay period!


Puting liwanag ang sumaluboong sa'kin ng bigla akong magkamalay. Nasa langit na ba ako? NASAAN AKO?!

"Nasaan ako?" Bigla namang nag hi- histerikal ang nurse sa side ko.

"Oh m God, DOK! NA- AMNESIA ANG PASYENTE! KAILANGAN NATING NG SPECIAL TREATMENT NG MAAGAPAN NATIN 'TO!" Naghihingalong tawag niya sa telepono. Hindi naman siguro halatado na ang doktor ang tinatawag niya no? At anong pinagsasabi ng pakarat na'to, hindi porket extra lang siya ay dapat galingan niya na. Dapat ako ang dapat na mas magmukhang kawaw dito sa storyang 'to dahil sa nababasa kong story, dapat daw kinakawawa ang bida para bongga ang impact sa kabataan ngayong hinerasyon.

"Anong pinagsasabi mo nurse? Hindi po ako na-a-amnesia. Nagtanong ngalang eh, OA mo girl.  'Wag OA much, baka matanggal ka dito sa kuwento at mawalan ka ng trabaho."

"ay...sorry na te, sabi daw ni direk dapat daw OA ako um-acting para tatatatk sa takilya." So kasalanan pala ni direk. Masampal nga
'yon!

"umm, ateng nurse, saan na yung mga pinambili ko?"


"ay...yung mga gamot ba? Naku tinapon na sa basurahan, nagkandabasag-basag kasi. Yung mga biogesic naman, ayon din, tinapon." Bigla akogn nagimbal sa ryalidad na baka mapatay ako ng mag-ina dahil sa late na nga ako maka-uwi, wala pa akong dalang gamot!

"ah... ateng nurse, anong oras na ba?"

"Alas dos na ng gabi ateng. Isang araw ka talagang nakahiga dito. Ewan ko ba kung dahil yan sa pagka-untog mo o sadyang pagod na pagod kalang."

ANO?! ISANG ARAW TALAG?! Wow lang ha!

"Sige po, aalis na ako!"

"WAIT!" Pagsasangguni niya, bigla ulit siyang nagsalita.

"Naaalala mo pa ba yung nakabungguan mo kahapon? Lagot ka daw sa kanya! Tsaka yung bayarin mo rin pala dito!"

"P-pwede bang libre na ang bayarin. Tutal extra kalang naman sa storya ko, so, BYE!!!"

At kumaripas ng takbo papuntang mansion.

Sa mansion...

Dear Mirasol Sacramento,

                                              LAGOT KA SAKING BWISIT KA!


                                                     NAGMAMAHAL,

                                                      Ursula

Halos mapunit ko ang sulat ni Ursula sa sobrang kaba. Dalawa na kasi ang  bumabanta sa akin. Una, yung stranger na naka-bungguan ko, ngayon naman, si Madam Ursula.

 Mag-iisang araw na'rin ang mag-ina sa California. May pinost pa ang pinakamamahal kong tiyahin na pray for her two daughters daw. BILAT NIYA! Kung alam lang ng mga netizen ang sakit ng kambal niya, ubo lang naman. Ang OA talaga ni Madam!

Dahil sa hindi parin ako maka move on sa sulat ni Ursula, tinapon ko nalang. Mas mabuti ng mabulok ito sa basurahan kesa naman basahin ko ito ng basahin. Ano ako, BUANG? Wala sa oras akong bumangon sa aking pagkakahiga. Nagugutom ako pero hidi man lang ako pinabaunan ng pera ng magaling kong tiyahin.Nagbungkal nalang ako ng kamote sa hardin ng sa ganon ay mailuto ko nalang. Maggatapos kong magbungkal ay binalatan ko na ito at ng maluto ng agad-agaran. Nasa ganoon akong posisyon ng magring ang cellphone ko...

'LAGOT KA SAKING BWISIT KA!' Ang sabi sa message.

sino naman 'to? Ah...baka naman si Madam. Naloka naman ako sa presence ni Madam, hanggang ngayon, nagpaparamdam parin.

'Hindi mo ako kilala' Ay hindi pala si Madam, hindi ko daw kasi kilala eh.

why bother diba kung hindi ko naman kilala!

'HOY PANSININ MO AKO PANGET!'

Wait, what?! PANGET?!

As in like...

BITCH PLEASE?!


Bitch Please!Where stories live. Discover now